Chereads / Perfect Secret Love: The Bad New Wife is a Little Sweet (Tagalog) / Chapter 70 - Pagaanin mo ang kalooban niya kahit konti

Chapter 70 - Pagaanin mo ang kalooban niya kahit konti

Tinignan ni Si Ye Han ang mga nakakalat na gamit sa sahig. Isang kwaderno na may maayos na sulat ng isang babae at tila iningatang mabuti ang bawat pagsulat ng mga letra nito, na ngayon ay parang nasaksak ang babae ng maluba sa dibdib sa nangyari.

Matapos marahan at maingat na niligpit, tumayo ang binata at saka patigas na lumakad papunta sa dalaga.

Sa oras na iyon, yakap-yakap ng dalaga ang kanyang tuhod at nanatiling nakayupayop sa gilid. Mula sa pagkakaupo niya na balot na ng takot at pangamba ay tila naging isang maliit na mundo na para sa kanya.

Sa gilid ng kanyang kurbadang leeg, bakas ang mga pasa na nakakatakot nang tingnan.

Inabot ni Si Ye Han ang kanyang kamay gaya ng pagkagusto niyang mahawakan ang mga balikat ng dalaga.

Ngunit nang marahan siyang lumapit, biglang lalo pang nanginig sa takot ang dalaga.

Napatikom ng bibig ang binata at naiwan sa ere ang kanyang kamay. Matapos ang ilang sandali, marahan siyang umtras. Nanatili lamang na nakatitig ang binata sa katawan ng dalaga at saka nagsimulang bumalik sa kanyang isip ang mga alaala...

Sinabi ng dalaga na pagiisipan niya ng mabuti ang kanyag ikinikilos at na gusto niyang maka-date ang binata sa normal na paraan. Sinabi rin niya na paghihirapan niyang mabuti ang pagiging malambing at maalaga sa kanya.

Handa siyang makilala ang kanyang lola, magsuot ng kaaya-aya at maayos na damit, piliing mabuti at bilhin ang ibibigay na regalo at gayun ang mapasaya ang kanyang lola.

Alam niya na mayroon siyang insomnia, maaaring natanong iyon ng dalaga sa kanyan lola, saka palihim na dumeretso sa ospital para makasangguni sa espesyalista at humingi ng tulong sa magaling na doktor para maipaliwanag ang tungkol sa kanyang sakit, isinulat sa bawat pahina impormasyon, bumili pa ng gamot para sa kanya...

Sa huli, ano lang pala ang nakuha niya...

Isang nagwawala at marahas na galit na walang anumang basehan, panlalait, at nakakapanghinang pananakit ang inabot...

Takot na ang dalaga sa kanya, kinamumuhian na siya...

Paano siyang hindi matatakot?

Paano siyang hindi kamumuhian?

Natulala ang binata, nakaramdam ng panginginig ng katawan. Napuno ang silid ng nakakasulasok na alingasaw ng karahasan.

Umakyat ang dalaga sa kama nang mapansin ang nandidilim na paligid at saka iniangat ang kanyang ulo na kanina pa nakasubsob sa pagitan ng kanyang mga tuhod habang nanginginig sa takot ang buo niyang katawan. Halata sa kanyang mga mata ang takot at matinding panghihina habang nakatingin sa binata. Bumulong ang dalaga, "Pas...pasensya...pasensya ka na...mali ako...natutunan ko na ang pagkakamali ko...natuto ako..."

Makikita sa dalaga ang kaba, takot at hindi mapakaling ekspresyon sa mukha. Nang marinig ni Si Ye Han ang mga salita ng pagamin ng dalaga sa naging pagkakamali niya, lalo pang nandilim ang kanyang paningin. Nakaramdam ang matigas niyang puso ng panlulumo at awa na tila lalo pang nagpabigat sa kanyang nararamdaman.

Maya-maya pa'y, nagkuyom ang kanyang kamao at lumakad muli patungo sa dalaga. Sa gitna ng takot na nararamdaman ng dalaga, maingat at marahan niyang niyakap ito.

Tila napapabalik sa ulirat ang dalaga. Napahagulgol siya at hindi na masabi ng tuwid ang kanyang sinasabi, "Hin..hindi ako...hindi ako nagsinungaling sa'yo...hindi kita niloko...pumun..pumunta talaga ako sa doktor...hindi ka kasi makatulog…"

Mahigpit na niyakap ni Si Ye Han ang dalaga, "Mm."

Nang masabi ng binata ang salitang iyon, hindi na napigilan pang maiyak ng dalaga, walang tigil sa pagiyak na syang nagpabasa na sa kanyang dibdib.