Chapter 7 - Anong ginawa mo kagabi?

Sa tulong ng sabon, ang mga tattoo sa kanyang katawan ay unti unting nawala.

Inilublob ni Ye Wan Wan ang kanyang katawan sa mainit na tubig, naglagay ng facial mask sa kanyang mukha at pumikit sandali.

Noong minulat niya muli ang kanyang mga mata, ang tubig sa bathtub ay naging itim na at madumi.

Para sa kanyang katawan...

Dahil nawala ang masking effect ng mga tattoo, lumabas ang orihinal na katayuan ng kanyang katawan.

Ang klase ng temporary tattoos na mayroon siya ay hindi nakasira ng kanyang balat. Bukod sa crescent-shaped niyang birthmark, ang buong katawan niya ay malinis, tulad ng isang piraso ng jade. Para itong nyebe sa ilalim ng liwanag ng buwan, maputi at malinis.

Bago ipanganak muli, ninais pa niyang biglaang magpalagay ng isang permanent tattoo.

Ngayong nakita na niya ang original niyang balat, kahit siya ay nagulat din kung gaano kaganda ang kanyang balat.

Tsaka 20 lang din siya ngayon kung saan ang complexion ng mga kababaihan ay nasa pinakamagandang kalagayan.

Pagkatapos tanggalin ang mask sa kanyang mukha, nag-drain na ng tubig si Ye Wan Wan sa bathtub at naglinis muli ng katawan.

Nagbihis na siya ng kanyang bathrobe at umupo sa harapan ng dresser.

Ang babaeng nasa salamin ay mayroong ashy brows, matangos na ilong, at delicate na lips na may natural shade na tulad ng cherry blossoms tuwing Marso. Ang pinakanakakamanhang feature sa kanya ay ang kanyang mga mata, tulad ng autumn lake, nagniningning na parang mga bituin. 

Dahil sa matagal na paggamit niya ng heavy makeup, ang kanyang balat ay naging dry at damaged. Ngunit ang moisturizing na facial mask ay nakatulong upang maibalik ang kanyang youthful skin na kasing ganda kanyang katawan.

Ngunit alam ni Ye Wan Wan na panandalian lamang ito. Katulad ng iba pang beauty procedures, ang facial mask ay magpapanatili lamang ng kondisyon ng balat ng saglit na panahon; lalong lalo na yung mga emergency-type ng facial masks na hindi nagpapagaling nmg sanhi ng problema dahil temporary lamang ito.

Para sa kumpletong paggaling ng kanyang mukha, kailangan pa nito ng mas maraming alaga.

Ang outrageous hairdo na pinagawa sa hair salon ay bumalik na sa orihinal nitong itsura pagkatapos mahugasan. Ang kanyang mahabang buhok ay umabot sa kanyang baywang na kasing itim ng tinta at inilugay.

Noong una, ginupitan niya ang kanyang mahabang buhok na napakamahalaga sa kanya, ngunit ngayon, ibinalik niya itong lahat.

Napakasaya ni Ye Wan Wan na nakuha niya muli ang nawala sa kanya. Dahan dahan niyang kinuha ang kahoy na suklay at sinuklay ang buhok na kanyang minamahal.

Pagkatapos niyang tuyuin ang kanyang buhok, tinignan ni Ye Wan Wan ang kanyang wardrobe na puno ng mga kakaibang mga damit at nag-alala muli.

Forget it, pupunta na lang ako sa cloakroom sa level 3 at kukuha ng set. Napakabihira ng pagkakataong ito para ipanganak muli kaya bakit ko gagawing hindi komportable ang sarili ko?

Ang buong 3rd storey ay ang cloakroom. Sa loob, naroon ang mga tauhan ni Si Ye Han upang tulungan siya sa kanyang wardrobe, accessories, at mga bag. Kahit na hindi pa niya ito nahahawakan, sa loob ng 7 taon, ang mga gamit sa cloakroom ay laging nasa uso.

Sa baba.

Sa harapan ng dining table, tahimik na umiinom ng kape si Si Ye Han.

Dahil sa kawalan ng tulog, ang dark eye circles sa mga mata nito ay mas dumilim pa. Ang kanyang perpektong mukha ay nagmukha na para bang hinigop niya ang essence ng isang demonyo,tila ba walang liwanag na nagmumula sa kanyang katawan.

"Ah Si, mainit mainit mainit…" nagulat si Lin Que sa kanyang nakita at napaso ng napakainit na kape.

Lumingon si Si Ye Han ng may pagdududa sa kanyang mabait na kaibigan na nakupo sa kabila, na halatang gulat.

Nararamdaman ni Lin Que na kahit na magbigay ito ng sarcastic remark sa kanya, isang magandang lalaki pa rin ito!

Ibinagsak ni Lin Que ang kanyang hawal na kape sa lamesa, "Sumpa! 9th Si! Maging matapat ka! Anong ginawa mo kagabi? Binawasan mo ba ang iyong yin at pinalakas ang iyong yang?