Sa madaling salita, pinahirapan niya ang kanyang sarili sa lahat ng taon na 'yon ng para lang sa wala?
Parang gusto na lang magpakamatay ni Ye Wan Wan!
Mabuti na lang ngayon, nalaman na niya ito agad dahil kung hindi, malamang magiging pangit ulit siya sa buong buhay niya.
Simula ngayon, gusto na niyang magpaganda lalo para makabawi sa dati niyang kapangitan noong previous life niya.
"Bakit? May problema ba?"
"Hindi!" sagot si Ye Wan Wan, naiinis.
"Oh…" tumawa ang lalaki.
Tumingin si Ye Wan Wan nang may takot sa lalaki.
Ang unusual spark sa mukha ng lalaki ay hindi ghastly, bayolente, o detached… tumatawa talaga si Si Ye Han.
Napagtanto niya na ang lalaking ito ay talagang nasa good mood ngayon.
'Di kaya dahil nakatulog siya ng maayos kagabi?
Ang katotohanan, ang pagiging mainitin ng ulo ni Si Ye Han ay konektado sa kanyang insomia: walang sinuman ang may kanyang tiisin ang isang pangmatagalan na sleeping disorder.
Habang iniisip niya 'to, nagsimulang maglakbay ang isipan ni Ye Wan Wan.
Dapat bang banggitin ko sa kanya ang issue na 'to dahil good mood naman siya?
Noong nasa baba siya, may nakuha siyang mensahe mula sa class monitor na pumasok ulit siya sa eskwelahan. Kapag nagpatuloy na lumiban siya sa klase, maari siyang maparusahan o mapatalsik.
Dahil sa mga mabababang resulta, dalawang taon na siyang nahuhuli at dapat ay 20 taon na kung siya sa kanyang senior year.
Naalala niya na noong previous life niya, ang inaalala lang niya araw araw ay iisa, si Gu Yue Ze.
Bago pa niya makilala si Si Ye Han, nababaliw na siya kay Gu Yue Ze. Pagkatapos niya makilala si Si Ye Han, palagi niyang iniisip na tumakas pabalik sa piling ni Gu Yue Ze. Wala talaga siyang interes na matuto.
Pagkatapos noon, hindi na siya nag-alala pa na pumasok sa eskwelahan at hindi umabot sa college entrance exam. Ang kanyang pag-aaral ay talagang delayed na.
Pero hindi na siya makakapayag na sirain ulit ang kanyang buhay katulad dati.
Ngayon, kahit na grounded siya dahil sa kanyang naudlot na pagtakas kayulad noong kanyang previous life, sa pagkakataong ito hindi siya tumakas kasama si Gu Yue Ze. Kaya ang kanyang relasyon kay Si Ye Han ay redeemable pa rin at may lugar pa para sa mitigation.
Napabuntong hininga si Ye Wan Wan at nagtanong ng may pagdududa, "Pwede bang… pumasok ulit ako sa eskwelahan… bukas?"
Sa oras na nawala ang kanyang boses, ang pressure sa bahay ay bumaba at bumalik ang indifferent na ekspresyon ni Si Ye Han.
Kayang marinig ni Ye Wan Wan ang tibok nh kanyang puso. Hindi pa rin ako pwede pumasok sa eskwelahan?
Kahit na inaasahan niyanh hindi ito magiging madali, walang ibang nagawa si Ye Wan Wan kung hindi makaramdam ng pagkadismaya. Dumilim ang kanyang mukha sabay ng pagtingin niya sa paborito niyang siopao ng walang gana. Binulong niya ng marahan, "Kung hindi posible, kalimutan mo na lang."
Ngunit ang mukha ni Si Ye Han ay hindi rin masaya, mas mukha siyang malungkot.
Hindi na gusto pa ni Ye Wan Wan na palalain ang sitwasyon lalo na at kakaayos lang ng kanilang relasyon kaya sinabi niya agad na, "Nagtatanong lang naman ako. Hindi na ako pupunta."
Nanahimik si Si Ye Han at tumingin sa mukha ni Ye Wan Wan nang may pagpa-panic sa mukha. Naalala niya sa ekspresyon ng babae kung ano ang nangyari dati, ang hindi mapigil na galit ay biglang naramdaman niya.
Nagpakita ng pagiging inosente si Ye Wan Wan-- ang lalaking ito ay napakahirap i-please. Sinabi ko na ngang hindi na ako papasok, bakit mukha pa rin siyang gusto niyang pumatay ng tao?