Pero hindi pwede, hindi pwede! Straight siyang lalaki, eh!
Kung pipiliin ako ni Ye-ge, paano ako pipili?
Napunta sa isang malaking dilema si Gong Xu...
Kumukulo ang dugo ng ilang mga fujoshis sa sobrang sabik na nasa pribadong silid
"Ah ah ah! Sinong pipiliin ni Ye-ge? Diyos ko! Sobrang nakakatuwa 'to!"
"Boto ako kay Luo Chen! Si Luo Chen ang unang artistang inalagaan ni Ye-ge - malakas silang pares! Magandang match sila!"
"Hindi hindi hindi, masyado kang mababaw. Mas magandang match sina Gong Xu at Ye-ge, 'di ba? Parang masunurin na tupa si Gong Xu sa harap ni Ye-ge! Ang sweet!"
"Oh, pwede ba. Bago lang ba kayong mga babae dito? Hindi niyo ba alam ang sitwasyon ngayon? Alam niyo ba 'yung kasabihang, 'first come, first served'? Si Han Xian Yu ang pinaka-unang napalapit kay Ye-ge! Ang dalawang 'yon, ay walang duda, ang perpektong pares, okay? Bukod kay Han Xian Yu, hindi ako papayag na may ibang tao na papares sa Ye-ge ko!"
Uh, wala ba sa inyo ang boboto kay Ye-ge at Tang Xing Huo?"
…
Walang alam si Ye Wan Wan na madami nang tao ang pasikretong nangangarap sa kanya. Matapos ang seryosong pag-iisip, napagdesisyunan niyang alisin din si Gong Xu.
Bahala na...
Parehas sina Gong Xu at Luo Chen ang nasa pangangalaga niya - maigi nang 'wag gumawa ng eskandalo sa sarili niyang mga artista.
Kaya naman, may isang kandidato na lang ang natitira - si Han Xian Yu.
Gayunpaman, ang pagpili kay Han Xian Yu ang pinakaligtas na piliin.
Pa-ulit ulit na pinag-isipan ito ni Ye Wan Wan bago na mabuo na ang kanyang isip. Sa ilalim ng tingin ng lahat, sinabi niya, "Han Xian Yu!"
Natahimik saglit ang pribadong silid at nag-umpisang umugong ang lahat "Oooh", lalo na ang ilan sa mga fujoshis.
"Ah ah ah ah! Sabi na, sabi na! Tapat talaga ang Ye-ge ko - hindi siya magagambala ng iba!"
"Hindi mayayaning ang Bai-Yu coupling!"
"Ugh, bakit si Han Xian Yu? Mukhang bagay naman talaga sila…"
…
Sa kaibhan ng pagsasaya ng mga tao sa silid, bahagyang nagulat si Han Xian Yu nang marinig ang sagot ni Ye Bai.
Nanigas ang kamay niyang mga hawak ng baso ng wine at hindi napansing kumisap ang mga mata niya.
Kahit na nahulaan niya kung bakit siya pinili ni Ye Bai, nakadama siya na para bang umabot na sa bagong lebel ang pagiging malapit niya dito ng marinig ang sagot nito.
Ibinababa ni Luo Chen ang kanyang tingin at kinuyom ang mga kamao.
Si Han Xian Yu pa din ang taong pinakamalapit kay Ye-ge, pero inaasahan na din ito.
Alam ng lahat kung gaano kalapit sina Ye-ge at Han Xian Yu - hindi mapagkukumpara ang relasyon nila sa ibang tao.
Nakikiramay na sumulyap si Tang Xing Huo kay Gong Xu. Hindi agad sumabog sa galit ang lalaking ito. Sa halip, tahimik lang siyang naka-upo nang nakatago sa mga anino ang mukha niya. Ano kaya ang iniisip niya ngayon...
"Ahaha, Yu-ge, may mga masasabi ka ba sa gustong makipagrelasyon sa 'yo ni Ye-ge?" pang-asar ni Tang Xing Huo.
Sumulyap si Han Xian Yu sa taong nasa tabi niya. Kumunot ang mga kilay niya at kalamdong sumagot, "Sobra akong nagagalak."
"Ow ow ow-" dumagundong muli ang mga sigaw sa silid.
Dahil sa malapit sina Ye Wan Wan at Han Xian Yu, bukas din ang isipan ng dalawa, nagbibiro lang naman ang lahat at hindi na ito pinag-isipan pa.
Pero may ibang taong iba ang naisip...
Sa sandaling ito sa gilid, hawak ni Gong Xu ang dibdib niya ng isang kamay at malamig na pinagpawisan.
T*ngina...
Ano… anong nangyayari...
Laro lang naman 'to...
No'ng lumihis ang tingin ni Ye Bai Sa akin...
Nang napunta ang mga tingin ni Ye Bai kay Han Xian Yu, nang binanggit niya ang pangalan ni Han Xian Yu… bakit may masama akong nararamdaman sa puso ko…?