Chapter 675 - Laruin hanggang sa kamatayan

Sobang sakit ng puso ni Gong Xu na para bang hindi siya makahinga...

Tila bang ang nag-alab ng apoy ang kanyang dugo sa galit at muntik na siyang mawalan ng kontrol sa sarili...

Ang pakiramdam na gustong...

Napamura ng mahina si Gong Xu na may madilim na itsura at tinignan ng masama si Tang Xing Huo.

Nakaramdam ng lamig si Tang Xing Huo sa likod niya at agad na napayuko.

Patuloy pa din ang paglaro nila ng Truth or Dare

Kumuha ng baraha si Gong Xu ng walang anumang reaksyon sa mukha niya.

Hari!

Tumitig si Gong Xu kay Tang Xing Huo, "Truth or Dare?"

Bahagyang nakaramdam ng takot su Tang Xing Huo sa titig ni Gong Xu, "Dare…? Hindi hindi, truth!"

Si Gong Xu ang kalaro niya, kaya hindi na siyang nagtangka pang piliin ang "dare".

"Truth, huh?" pinakita ni Gong Xu ang kalahati ng mga maliliit at matalim na mga pangil niya. Kinuyom niya ang kanyang labi at para bang may dala itong kapahamakan at sabing, "Sige. Ang tanong ko ay - kung ang girlfriend mo at ang best friend, na ako, ay nagkapalit ng kaluluwa at kailangan may saksakin ka isa sa amin para maibalik ang mga kaluluwa namin, sino ang pipiliin mong sasaksakin?"

Nagulat si Tang Xing Huo at matapos ang isnag sandali, agad siyang napamura. "...f*ck!"

Parang pinapamigay ko na din ang buhay ko sa tanong 'yan, pwede ba?

Mas gusto ko pang mamatay!

Nang marinig ang tanong ni Gong Xu, napuno ng mga tawa ang buong silid.

"HAHAHAHA…'yung tanong! Gong Xu, nakakatawa ka talaga!"

"Oo nga, nakakamatay talaga ang mga tanong ni Xu-ge!

"Nabaliw na si Xu-ge!"

Habang naglalaro ng laro kanina, kinain ni Gong Xu ang matamis na kendi at nakangiti lang. Wala siyang nakamamatay na aura, pero ngayon bigla na lang siyang sumabog.

Kailangan maintindihan ng isang tao na magaling si Gong Xu sa paglaro ng Trith or Dare - kapag gusto niyang lokohin ang isa, maglalaro ang taong iyon hanggang sa kanyang kamatayan!

Para bang nagluluksa si Tang Xing Huo sa burol ng kanyang nanay. "Gong Xu… nakuha mo ako! Iinom ako!"

Ng ganoon lang, uminom siya ng tatlong baso ng alak bilang parusa.

Kaswal na umupo si Gong Xu at sabi, "OK, magpatuloy tayo."

Nahirinan si Tang Xing Huo at nagkaroon ng masamang kutob...

Tama ang kanyang kutob.

Nakuha muli ni Gong Xu ang hari at pinili ulit siya.

Gong Xu: "Truth or dare?"

Umiikot ang paningin ni Tang Xing Huo. Kahit na masama ang pagpili niya ng "truth", mas malala naman kung pipiliin niya ang "dare".

"Truth!" nangalit ang mga ngipin ni Tang Xing Huo.

Tumango si Gong Xu at nagtanong, "Kung ang girlfriend at ang bestfriend mo ay nagkapalit ng kaluluwan...

"Bakit itong tanong na naman?" sabi ni Tang Xing Huo.

"Huwag ka masyadong mabalisa." sumulyap ng pataigilid si Gong Xu sa kanya at nagpatuloy, "Kung ang girlfriend at bestfriend mo ay nagkapalit ng kaluluwa at kailangan mong mamili ng isa sa kanila na makipagtalik - sino ang pipiliin mo?"

Tang Xing Huo: "GONG XIAO XU!!! P*TANG*NA MO!"

"Eh?" malaking ngumiti si Gong Xu habang pinapakita ang malilit niyang mga pangil.

"Bakit ka magtatanong ng mga ganyang tanong?!" halos mangiyak-ngiyak na si Tang Xing Huo mula sa mga tanong.

Walang magawa si Tang Xing Huo. Hindi niya kayang sagutin ang tanong na ito, kaya ininom niya na lang ulit ang tatlong baso ng alak. Matapos maka-inom ng anim na baso ng alak, muntikan na siyang masuka.

Nagpatuloy ang laro at si Gong Xu muli ang naging hari.

Agad na lumingon ang lahat kay Tang Xing Huo at kahit na hindi nila alam abg rason, alam ng lahat na may nangyayari sa pagitan nilang dalawa at hindi basta-basta papakawalan ni Gong Xu si Tang Xing Huo.

Nagsisising umiyak si Tang Xing Huo - kung alam niya lang na mangyayari ito, hindi niya sana iimbitahin ang kamatayan at gumawa ng gulo!

Pero 'tol! Wala na akong kinalaman kung walang gustong makipag-BL kasama ka!

Kung gusto mong maglabas ng galit sa isang tao, hindi naman dapat ko, 'di ba?

Related Books

Popular novel hashtag