Umaga na sa competition grounds ng Si family.
Maliban sa ilang mataas na miyembro ng Si family, maagang rin na dumating si Xu Yi na competition grounds.
Sa tuwing mayroon silang Dark Team bodyguard competition, kasama si Xu Yi sa mga hukom pero dahil iniba ang punong kapitan, kasama si Liu Ying at ang ibang mataas na miyembro ng Si family, bilang hukom sa kompetisyon at gayundin si Xu Yi.
Puno ng tao ang competition grounds sa oras na iyon. Maliban sa mga bodyguards na wala dahil may mga misyon sila, ang ibang mga bodyguards ay kasama pa rin doon.
Hindi nagtagal at dumating na rin si Eleven habang kasama niya ang mga miyembro ng Dark Team 1.
Maraming lider at mga tagataguyod ni Liu Ying ay nakakatakot na ngumiti lalo na't nakita nilang katabi ni Eleven si Ye Wan Wan. Kitang-kita ang galit na namumuo sa kanilang mga mata.
"Ha… nababaliw na si Eleven sa kakaisip tungkol sa posisyon niyang punong kapitan. Kumuha pa siya ng babae bilang guro niya sa pagsasanay."
"Kapag nagtagal sa iisang posisyon, malamang, ayaw mong agawin at mawala lamang ito sa iyo, ngunit ang kakayahan niya ay wala, kumpara sa kakayahan ng iba. Pinaka-mahina ang Dark Team 1 kumpara sa ibang mga lider ng ibang grupo. Pangalawa lang si Eleven kay Liu Ying kung ibabase sa kakayahang makipaglaban. Bakit niya naisip na makipaglaban kay Liu Ying para sa posisyon na punong kapitan?"
Ngumisi ang lider ng Dark Team 3 dahil nakita niyang malakas ang kumpyansa ni Eleven. "Masaya ang aroganteng tao - iniisip niya ba talaga na kaya niyang maging punong kapitan, kaysa si Liu Ying? Kailangan niyang timbangin ang kanyang abilidad. Kung hindi, anong pinagkaiba niya sa isang bobo?"
"Ano pa ang kayang gawin ng babaeng yan, maliban sa panunuyo niya kay master? Hindi sana paparusahan ni master si Liu Ying kung hindi dahil sa kanya, kaya malaking kalamangan ito para kay Eleven."
"Tsk… magpapatalo ba tayo kay Eleven kapag pumasok siya sa ring at sinapak niya tayo ng parang babae…?
"Suntok ng babae… natutunan niya yata yun kay Ye Wan Wan…"
"Hahaha..."
Nagsitawanan na rin ang maraming mga bodyguards dahil sa pangangasar ng ilang mga lider.
"Manahimik kayo!"
Habang nasa entablado si Xu Yi, dahan-dahan niyang tiningnan ng masama ang lahat ng taong dumalo.
Napakunot ang mga team leaders at nainis sila nang marinig nila ang sinabi ni Xu Yi, ngunit alam rin nila na dapat nilang itikom ang kanilang mga bibig.
Natatakot pa rin ang mga bodyguards kay Xu Yi. Mabait ang itsura ni Xu Yi, ngunit kapag nagagalit siya, hindi rin siya kayang labanan ng dating punong kapitan na si Liu Ying.
Ayon sa kasabihan: "Hindi mananalo ang isang iskolar kapag nakikipagtalo siya sa isang sundalo, kahit pa tama siya." Ngunit ibang nilalang si Xu Yi - kabaliktaran niya ang nasa kasabihan na ito.
Karapatdapat na makatanggap si Xu Yi ng karangalan sa lahat ng paghihirap niya upang makarating sila sa posisyon nilang Dark Team guards ng Si family. Ordinaryong guwardiya lang sana sila kung hindi pasikretong nagplano si Xu Yi para sa pagbuo ng bodyguard team ng Si family.
"Punong kapitan Liu Ying!"
Sa isang sandali, sumigaw ang lider ng Dark Team 3 kay Liu Ying na naglalakad patungo sa competition grounds.
Dumating si Liu Ying at walang emosyon siyang nagsalita, "Pagkatapos ng assessment na ito, si Eleven pa rin ang punong kapitan."
Natawa ang ilang mga lider ng marinig nila ito.
Pansamantalang punong kapitan si Eleven sa ngayon pero para sa kanila, wala siyang pinagkaiba sa isang clown. Hindi nila tinrato na punong kapitan si Leven, sa mga nakaraang buwan.
Madalas sa mga karaniwang araw, pasikreto nilang hindi pinapansin ang utos ni Eleven sa tuwing magbibigay siya ng utos sa kanila. May iba pa nga na nagbibingi-bingihan pa.
"Ang ibig sabihin ni kapitan Liu Ying, sa ngayon, si Eleven ang punong kapitan. Ibang diskusyon na ang magaganap pagkatapos ng kompetisyon dahil aalamin natin kung sino ang magtatagumpay." Natawa ang lider ng Dark Team 3.
"Hindi ko sinabi yan; yan ang iniisip mo." Sumagot si Liu Ying.
"Oo naman." Tumango ang lider ng Dark Team 3.