Chapter 560 - Counterattack

"Kap… kap… kapitan…'www-wag… mong… hayaan… ang… emosyon mo…" nakatayo sa baba ng ring si Bulol at malinaw niyang napanood ang laban kaya sinasabi niya ang kanyang opinyon.

"Ikaw… hayaan mo na si guro na lang ang magsasalita…" sabi ni Eleven.

"S… sss… sige…" tumango si Bulol.

"Ang gustong sabihin ni Bulol ay 'wag mo raw hayaan na maapektuhan ng emosyon ani kakayahan mo. Iwan mo na ang lahat ng nararamdaman mo kapag nakikipaglaban ka," sabi ni Ye Wan Wan.

"Opo!" Mabilis na tumango si Eleven.

"Isa pa ulit!" inanyayahan ni Ye Wan Wan si Eleven gamit ang kanyang daliri.

"Mauna ka na muna guro?" Natawa si Eleven.

Inaaral ni Eleven ang bawat galaw ni Ye Wan Wan sa mga oras na ito. Lagi siyang inaatake pero hindi siya ang unang lumalaban.

Ngunit, umiling si Ye Wan Wan.

Hindi sa ayaw niyang maunang umatake pero, kusang lumalaban ang katawan niya kapag may kalaban na umaatake sa kanya.

Mawawala ang misteryosong awra kapag nauna siyang umatake.

Kaya kailangan muna siyang atakihin at hindi siya pwedeng maunang umatake.

"Ang natutunan ko lang sayo guro ay kung paano mag counterattack… kung ito na ang tunay na assessment, ano ang gagawin ko?" Kawawang nakangiti si Eleven habang nakatingin kay Ye Wan Wan.

Panandalian na nagmuni-muni si Ye Wan Wan. "Madali lang, hayaan mong maunang umatake ang kalaban mo."

"Eh…" sumimangot si Eleven at naramdaman niya na walang kwenta ang turo na ito.

"Anong alam mo? Ang tawag dito ay pag-gaya at pag-iba ng mga pangyayari gawin ang pangunahing prinsipyo. Ito ay ang pinakatampok na kakayahan sa martial arts…" nagkunwaring cool at matalino si Ye Wan Wan.

"Talaga…" medyo nag-aalangan pa si Eleven.

"Ikaw ba ang guro o ako?" Hindi na natutuwa si Ye Wan Wan. Siya nga naman ang martial arts master ngunit ang disipulo niya ay nagdududa sa kanya.

"Tama ka. Ikaw ang guro at ako ang bobong estudyante…" mabilis na binawi ni Eleven ang sinabi niya.

Nagpatuloy ang kanilang pagsasanay. Tumayo si Ye Wan Wan sa gitna ng ring at tinawag niya si Eleven. "Dali, suntukin mo ako!"

Tinaas ni Eleven ang kanyang kamao at handa na siyang umatake kay Ye Wan Wan, pagkatapos siyang tawagin nito.

Sa isang saglit, dumepensa ang kaliwang kamay ni Ye Wan Wan at gumamit lamang siya ng kaunting lakas para dumepensa. Hinarangan niya ang suntok ni Eleven at sinuntok niya ang lalaki gamit ang kanang kamay niya.

"Kailangan kong kumalma!" Huminga ng malalim si Eleven at pinigilan niya ang kanyang emosyon nang nakita niya ang papalapit na suntok sa kanya ni Ye Wan Wan.

*Pow!*

Mabilis na hinablot ni Eleven ang kamao ni Ye Wan Wan na kanina'y malapit na siyang sapakin.

Napanganga si Bulol at nagulat siya sa kanyang nakita.

Ito ang unang beses na naharangan ni Eleven ang atake ni Ye Wan Wan simula noong una silang sinanay ni Ye Wan Wan.

"Sa wakas…" tiningnan ni Eleven ang kamao sa kanyang palad at nagulat siya, bigla siyang natuwa at sinabi. "Ahahaha, SA WAKAS, NASANGGA KO NA!"

*Pow!*

Habang kampante si Eleven, sinipa siya ni Ye Wan Wan kaya tumalsik ulit siya sa ere.

Bumuntong hininga si Ye Wan Wan habang nakatingin siya kay Eleven na umuungol sa sakit ng lanyang atake. "Hindi ka nagtagumpay Eleven…"

Silang tatlo ay patuloy na nagsasanay ng walang kapararakan. Purisgidong nagsanay si Eleven at Bulol para sa darating na assessment. Bugbog sarado man sila sa training sessions ni Ye Wan Wan, hindi sila napagod nang makita nila na humuhusay ang kanilang kakayahang lumaban. Naramdaman nila na nakakapanibago ang pagsasanay nila.

Ang huling araw sa loob ng training room ng Dark Team 1:

"Bukas na ang totoong laban. Ngayon ang pagtatapos ng ating pagsasanay - magpahinga na kayong dalawa." Tiningnan ni Ye Wan Wan ang dalawang disipulo niya.

"Salamat, Guro!" Puno ng kumpyansa sa sarili si Eleven.

"Humusay na ang pakikipaglaban mo dahil sa mga turo ni guro sayo, Bulol. Hindi magiging problema ang pagkuha mo ng posisyon bilang lider." Tiningnan ni Eleven si Bulol.

"Ooo-oo… oo… oo… tama ka… kapitan!" Paulit-ulit na tumango si Bulol.