Chereads / Perfect Secret Love: The Bad New Wife is a Little Sweet (Tagalog) / Chapter 556 - Gusto ko yung tipong mabagsik

Chapter 556 - Gusto ko yung tipong mabagsik

"Oo nga, Ye Bai, hulaan mo rin ako kapalaran ko! Sabi nga sa kasabihan, Ang pagkakataon sa buhay ay madalang dumating. Kapag narito na, ating samantalahin; Matagal na kitang kilala pero hindi mo pa rin ako nahuhulaan. Napa-iiwanan na ba ako?" natandaan ni Han Xian Yu ang mga bagay na ito.

Walang magawa si Ye Wan Wan kundi harapin si Han Xian Yu. "Kasing liwanag ng araw ang kinabukasan mo - bakit ko pa kailangang hulaan ang kapalaran mo?!"

"Hulaan mo na lang ang tungkol sa kasal ko! O kung kailan ako magiging swerte?"

Lumalim ang iniisip ni Ye Wan Wan at tumingin siya sa baba nang marinig niya ang tanong ni Han Xian Yu. "Kasal…?"

"Anong mangyayari sa kasal ko?" kinakabahan si Han Xian Yu.

Hinaplos ni Ye Wan Wan ang kanyang baba at nag isip-isip siya. "Parang malabong mangyari yun…"

Nabigla si Han Xian Yu. "Ano?! Wala akong magiging asawa?! Mag-isa lamang ako habang buhay?"

Mabilis na sumagot si Ye Wan Wan sa kanya, *ehem* "Hindi hindi, ang ibig kong sabihin ay… pasensya na pero, hindi ko mahulaan eh..."

May ideya siya sa naging love life ni Han Xian Yu sa ilang mga sikat na artista sa entertainment industry ngunit, binago na niya ang daan na tinahak ni Han Xian Yu kaya ito ang naging problema niya!

Kaya wala siyang ideya kung ano ang mangyayari sa kinabukasan ni Han Xian Yu.

"Bakit hindi mo mahulaan?" napakunot si Han Xian Yu.

Walang paraan para maipaliwanag ni Ye Wan Wan ang sarili niya kaya ang sinabi niya na lang, "Malalim na usapan ito. Hindi mo pa rin maiintindihan kahit ipaliwanag ko pa sayo. May mga taong espesyal lang ang pinipili ng kapangyarihan ko, kaya hindi ko pwedeng pilitin na hulaan ka!"

Nalito si Han Xian Yu sa sinabi niya. "Espesyal…"

Mabilis na sumabad si Qiao Ke Xin at sinabi, "Ako naman, ako naman?"

"Xin-jie, may swerteng darating sayo. Kailangan ko pa bang sabihin ang detalye nito sayo?" sabi ni Ye Wan Wan.

"Totoo yan…" Nagsalita si Qiao Ke Xin sabay tiningnan niya ang tinutukoy niyang "swerte" na katabi niya.

Hindi niya inasahan na sa tinagal tagal ng panahon, magkakagusto siya kay little ge ge na ubod siyang pinapasaya, ngunit may girlfriend na si little ge ge kaya nanghihinayang siya.

"Oo nga pala, magkakaroon ako ng selebrasyon mamayang gabi. Xiao Bai, pupunta ba kayo?" tanong ni Qiao Ke Xin.

"Regalo na ito ni Xin-jie sa atin. Malamang, ang pangit naman kung hi-hindi tayo, pero tatawagan ko muna ang girlfriend ko at ipapaalam ko sa kanya ang tungol sa selebrasyon," sabi ni Ye Wan Wan.

Tumaas ang kilay ni Qiao Ke Xin. "Maliit na sama sama lang ito - kailangan mo pa ba talagang magpaalam?"

Sinubukang magpaliwanag ni Han Xian Yu, "Xin-jie, ahm… strikto kasi ang girlfriend ni Xiao Bai…"

Nabigla si Qiao Ke Xin at mukhang nagulat siya sa sinabi ni Han Xian Yu. "Hindi ko alam na takot pala si Xiao Bai sa girlfriend niya…"

Gayunpaman, malakas ang loob ni Xiao Bai na lumandi ng parehas na babae at lalaki.

Tumawa si Han Xian Yu at nangasar pa, "Ako rin nagulat nung nalaman ko, sa totoo lang."

Napaisip bigla si Ye Wan Wan: Tama kayo, duwag ako okay? Ano ngayon?

Bumulong si Qiao Ke Xin, "Akala ko gusto mo ng cute at kaawa-awang tipo ng mukha ng babae!"

Natawa si Ye Wan Wan. "Hindi, mas gusto ko yung tipong mabagsik…"

...

Lumipas ang ilang panahon.

Kumalat ng kumalat ang iskandalo ni Qi Mei Lin hanggang sa walang nang magawa ang Emperor Sky kundi tanggalin na siya, inanunsyo din nila na tanggal na sa Emperor Sky si Qi Mei Lin.

Muling sumikat ang box office interest na "Ang alamat ng Tahimik na Babae" dahil sa talumpati ni Qiao Ke Xin sa Golden Orchid award ceremony at maraming silang karangalan na nakuha dahil dito. Marami ring mga tao ang kinumpara siya kay Qi Mei Lin. Pagkatapos ng ilang taon ng pag-iinsulto at paninira sa kanyang reputasyon, nagsimula muling magbago ng opinyon ng publiko sa kanya at naging positibo na ang pananaw nila kay Qiao Ke Xin.

At para kay Ye Wan Wan, araw araw siyang abala sa mga gawain niya. Bukod sa trabaho at pag-aaral niya, ginagamit niya ang oras niya para sanayin sila Eleven at ang iba. Ilang araw na lang ang natitira sa nalalapit na captain assessment at bigla siyang na-stress dahil naisip niya ang posisyon ng kapitan...