Sa bodyguard meeting room ng sambahayang Si:
Mula ulo hanggang paa ay nakasuot ng itim na damit si Liu Ying at umupo siya sa pinaka importanteng upuan habang seryoso ang kanyang mukha.
May sampung tao ang nakaupo sa loob ng meeting room; sila ang mga lider ng ilang mga Dark Teams ng Si family.
"Kapitan Liu Ying, ilang araw na lamang ang natitira sa nalalapit na assessment. Kailangan mong turuan ng leksyon ang mayabang na yun!" isang matipunong lider ang biglang sumabad.
"Tsk…"
Pumwesto sa komportableng posisyon si Liu Ying at biglang sumama ang tingin niya. "Tawagin mo na lang akong Liu Ying, Junior. Ang punong kapitan ay si Eleven."
"Anong pinagsasabi mo kapitan? Hindi sapat ang kakayahan ni Eleven para maging lider ng Dark Team 1 kaya paano siya lalaban para sa posisyon ng kapitan? Nababaliw na siya!" Ngumisi si Junior. Siya ang lider ng Dark Team 3.
Nagsalita ang katabi niya, "Narinig ko ang balita na si Eleven ay may matinding pagsasanay kaya madalang siyang lumalabas. Naghahanda siguro para sa assessment."
May isang tao na tumawa. "Kahit gaano pa katindi ang pagsasanay niya, kuto lang siya sa mata ni Kapitan Liu Ying. Ano pa bang magagawa niya?"
"Oo nga pala… may sasabihin ako sa inyo." Natawa ang lider ng Dark Team 3. "Narinig ko ang balita na nagmaka-awa daw si Eleven kay Ye Wan Wan na maging master niya at tinanong niya. Pa nga ang dalawa kung pwede siyabg turuan ng martial arts. Oh an? Natatakot na ba kayo?"
Nagsi-tawanan ang lahat pagkatapos magsalita ni Junior.
"Bobo yun si Eleven. Bugbog sarado siguro si Ye Wan Wan kung hindi lang nagpigil si Kapitan Liu Ying para kay master. Hindi na niya kayang ibalik ang kapangyarihan niya noong nasa bar!"
Naging masama ang tingin ni Liu Ying nang biglang nabanggit ang tungkol sa insidente sa bar.
Maangas ang lakas ng babaeng ito at ang kakayahan niya ay katamtaman lamang. Hindi ko maintindihan kung bakit si master, na napakatalino, ay nagpapaka-baliw sa isang babaeng tulad niya!
Kumpara kay Miss Qin Ruo Xi, bakit mas pinili niya ang babaeng ito?!
"Kapitan Liu Ying, siguro sumipsip si Eleven kay Ye Wan Wan para bolahin niya si master… at kung gayun, kapag naawa sa kanya si master… hahayaan niya siguro si Eleven na maging…" malungkot na sinabi ng isang lider.
Sila nga naman ang bodyguards ng Si family, kaya bakit nila hahayaan ang isnag hamak na babae na sirain ang kanilang organisasyon?!
"Tsk…" tumaas ang mga labi ni Liu Ying at nakakatakot siyang napangiti. Nakakasindak ang kanyang mga mata. "Laruan lang ni master si Ye Wan Wan. Dapat si Miss Ruo Xi ang nasa tabi ni master dahil mas angkop sila sa isa'tz isa. Parang alitaptap lamang si Ye Wan Wan - paano niya matatalo ang isang buwan na si Miss Ruo Xi?"
Hindi siya makapaniwala na gagambalain ni master ang buong head captain assessment para laang sa isang hamak na babae, si Ye Wan Wan.
"Tama. Nagpaturo si Eleven kay Ye Wan Wan dahil nakita niya siguro na si Ye Wan Wan ang makakasalba ng buhay niya. Naisip niya siguro na may martial arts skills si Ye Wan Wan at aaralin niya ito para matalo ang ating kapitan." Natawa ang lider ng Dark Team 3.
Ngumisi si Liu Ying. Wala siyang pakialam kayla Eleven at Ye Wan Wan.
Halos masira ang ulo ni master para lang sa isang babae, yung Ye Wan Wan na iyon. Anong karakter o abilidad ang meron siya para maging mistress ng samabahayanh Si?
"Mag-ingat kayo, siya nga naman ang future mistress ng sambahayang Si," abiso ng isang lider sa kanila.
Inayos ni Liu Ying ang kanyang posisyon ang dumapo ang mga mata niya sa lahat. "Si Miss Qin Ruo Xi lang nag nararapat maging future mistress ng sambahayang Si."
"Ang gustong sabihin ni kapitan ay, sino ba ang Ye Wan Wan na 'yan at ano siya kumpara kat Miss Qin Ruo Xi?"
"Walang kwenta ang Ye Wan Wan na 'yon kumpara sa family background at personal na abilidad ni Miss Ruo Xi."