"Sino ka sa akala mo?! Ang kapal naman ng mukha mong gumitna sa mga patakaran ng pamilya namin?!" biglang sigaw ni Si Ming Li.
Nang marinig 'yon, blangko ang itsura ni Ye Wan Wan. Malamig niyang tinignan si Si Ming Li at makangatog buto siyang nagsalita: "Fourth great uncle, ikaw po ang nakakatanda at dapat respetuhin kita… pero ngayon, iba ang ang mga bagay… Sino ka para insultuhin ang future mistress ng mga Si?"
"Ikaw… ikaw… ikaw!" pinanduruhanni Si Ming Li si Ye Wan Wan at walang masabi.
"Fourth great uncle, tutal tuluyan niyong binastos ang mistress ng mga Si, ipagpapalagay ko na rin ba na binabastos mo ang master ng mga Si?" malaming na tugon ni Ye Wan Wan.
"Kalokohan!" nagulat si Si Ming Li. Talagang aakusahan siya ni Ye Wan Wan sa ilang mga salita lang.
Sa sandaling ito, nakatuon ang atensyon ng lahat kay Ye Wan Wan.
Habang pinapanood ang pagpasikat ni Ye Wan Wan ng kanyang kapangyarihan sa ganitong oras, galit na napasimangot si Si Ming Rong.
Pinigilan ni Si Ming Li ang sarili at sabing, "Ang ibig kong sabihin ay may inaasikaso na importanteng bagay ang mga matatanda; bakit naman namin hahayaan ang babaeng katulad mo na sumabad?"
Tumayo si Ye Wan Wan sa tabi ni Xu Yi at malamig na tumugon, "Hindi traydor si Housekeeper Xu. Naniniwala ako sa mga sinabi niya!"
Tulirong tinignan ni Xu Yi si Ye Wan Wan nang marinig ang sinabi. Bakas sa kanyang mukha ang pagkabigla. Hindi niya inaasahan na ang taong magtatanggol sa kanya ay si Ye Wan Wan...
Sumama ang loob ng mga matatanda nang makita na pinagtanggol ni Ye Wan Wan ang traydor at hindi napansin ang bigat ng sitwasyon.
Malamig na ngumisi si Qin Ruo Xi na nasa gitna nila.
Ang tanga talaga nitong babaeng 'to. Talagang kinontra niya ang buong Si at gusto kampihan ang traydor. Gusto kong panoorin ang palabas na 'to; Paano niya kaya tatapusin 'to.
Biglang napalitan ng ngiti ang galit at hiya sa itsura ni Si Ming Li. Tinignan si Ye Wan Wan at kaswal na sinabi, "Naniniwala ka na ang sinabi niya ay totoo, na tunay ang mga sinabi niya? Sa ebidensya na nandito, tinutulungan mo ang isang traydor. Bobo ka ba at ignorante o… may mga masasama kang intensyon!"
Biglang iniba ni Si Ming Li ang usapan at nagpatuloy, "Kahanga-hanga ang tapang at kaalaman ni Miss Wan Wan. Hanga ako sa 'yo pero may bagay lang akong hindi malutas - para sa organisasyong tulad ng Murderous Blood Gang, imposible sa mga ordinaryong tao na malaman ang tungkol sa kanila, kahit na ang organisasyong mas malakas sa kanila."
"Para sa isang bata at lukob na babaeng tulad mo, paano mo nalaman ang mga ganitong bagay?"
"Sa pagtangkang linlangin ang Murderous Blood Gang - tingin ko hindi sapat ang pagkakilanlan lang sa kanila, kailangan pamilyar sa organisasyon bago makamit 'yon 'di ba?"
Lumingon si Si Ming Li kay Liu Ying at Eleven habang nagsalita.
Nagkatinginan ang dalawa pero hindi nagsalita, na para bang tahimik silang nagkasundo.
"Liu Ying, matanong kita: anong organisasyon ang pinagpanggap niyo?" tanong ni Si Ming Li.
Saglit na napatigil si Liu Yin bago sumagot, "Rosas ng Kamatayan…"
A… ano? Rosas ng Kamatayan!
Nang marinig ang tatlong salita, Rosas ng Kamatayan, pare-pareho ng reaksyon ang mga matatanda - kaya pala natakot nila ang Murderous Blood Gang!
"At paano niyo nakuha ang ideyang magpanggap?" tanong muli ni Si Ming Li.
Nagawa na lang sumagot ng totoo ni Eleven, "Nung mga oras na 'yon, May nakahanda ng mga damit at gamit si Miss Wan Wan… at, madami ding alam si Miss Wan Wan tungkol sa Rosas ng Kamatayan…"