Chapter 427 - Problema sa pag-iisip

Malugod na tumango si Si Ming Li sa mga naririnig. "Kaya gusto kong tanungin si Miss Ye, kung paano mo nga ba nakuha ang mga ganitong detalye, mga detalye na maski ang mga tauhan ng mga Si ay hindi makuha, at paano mo nahulaan ang mga nangyari at nagawa mong maghanda ng mga gamit na kailangan niyo? Maari bang nakita mo ang hinaharap, huh?"

Sa sandaling iyon, lahat ng atensyon ay nakatuon kay Ye Wan Wan.

Masyado silang okupado sa paghanap sa mastermind na ni wala sa kanila ang nagkwestyon sa mga ganitong detalye. Ngayon na nabanggit ito ni Si Ming Li, nakakapagtaka nga ang insidenteng ito.

"Itong babaeng ito… hindi naman siya traydor, 'di ba?"

"Parang ganon siya e!"

"Bakit naman siya madaming nalalaman sa mga ganitong tao? Baka may mali sa babaeng ito!"

...

Nang makita na nasangkot si Ye Wan Wan sa pagtanggol sa kanya, bumilis ang tibok ng puso ni Xu Yi, pero wala siyang masabing paliwanag at hindi na naglakas loob na magsalita pa para sa kay Ye Wan Wan.

Ngayon na naniniwala silang isa akong traydor, kung ipagtatanggol ko si Ye Wan Wan, baka mas mapahamak siya imbes na matulungan ko!

Kaya naman, nagawa niya lang ipanukala kay Ye Wan Wan gamit ang kanyang mga mata na itigil na ang pagprotekta sa kanya.

Gayunpaman, walang balak na iwan siya ni Ye Wan Wan. Kinuha ni Ye Wan Wan ang isang panyo mula sa kanyang bulsa at marahang inilapat sa noo ni Xu Yi sa harap ng lahat. "Linisin mo 'yan. Housekeeper Xu."

"Ikaw…" gulat ni Xu Yi.

Mas lalong dumilim ang itsura ng mga matatanda.

Talagang maayos ang pagtrato ng babaeng ito sa traydor sa harap namin!

Dapat pinarusahan agad namin siya!

Walang pake si Ye Wan Wan sa mga galit na itsura ng mga matatanda sa kanya. Tinignan siya ni Si Ming Li na para bang inimbita niya ang kamatayan dahil sa may hawak niya ang mga barahang magpapanalo sa kanya. Lumingon si Ye Wan Wan sa kanya at marahang sinabi, "Fourth great uncle, palabiro ka talaga. Bakit ko nalaman malalaman ang nasa hinaharap?"

Bakit naman magkakaroon ng paki sa batang tulad ni Ye Wan Wan. Piksihan niyang tinignan si Ye Wan Wan at sabing, "Edi… kung 'yon naman pala ang kaso, Miss Ye, baka ikaw mismo ang Rosas ng Kamatayan… o mas makapangyarihan pa sa grupo ng Rosas ng Kamatay!"

Sa sinabi ni Si Ming Li, natakot ang lahat ng matatanda.

"Wala akong anumang relasyon sa Rosas ng Kamatayan," kalamadong pagtugon ni Ye Wan Wan.

"Nasa lingid ka na ng kamatayan, pero tinatanggi mo pa din!" pagkutya ni Si Ming Li. "Tingin ko mas makapangyarihan ka pa sa Rosas ng Kamatayan; dapat parusahan ka namin ngayon!"

Habang nagsasalita si Si Ming Li, sumenyas siya sa mga gwardya na nasa lugar.

Matapos sumenyas, agad na umabante ang mga gwardya, na handa ng hulihin si Ye Wan Wan.

"Base sa 'yong palagay, gusto mong parusahan ang mistress ng mga Si?" sumulyap si Ye Wan Wan sa mga gwardya. "Tignan ko kung sinong maglalakas loob!"

Nagkatinginan ang mga gwardy, hindi sigurado kung anong gagawin.

Bigla namang lumingon si Ye Wan Wan kay Si Ming Li at pumiksi. "Fourth great uncle, kung hindi mo sinusubukang magkagulo ang mga Si, baka may problema ka nga sa pag-iisip. Hindi ko maisip na ang isang baliw ay maabot ang mataas na posisyon sa mga Si."

"Anong sabi mo?!" ngumiwi ang itsura ni Si Ming Li.

Tumawa si Ye Wan Wan. "Kung ako nga talaga ang sinasabi ni fourth great uncle - ang Rosas ng Kamatayan mismo o mas makapangyarihan pa sa grupo ng Rosas ng Kamatayn… naisip niyo na ba ang mga kalalabasan kapag pinarusahan ako ng mga Si?"

Hindi makaimik ang mga matatanda sa sinabi ni Ye Wan Wan.

May malawak at misteryosong impluwensya ang Rosas ng Kamtayan. Kapag ginalit ng mga Si ang Rosas ng Kamatayan…hindi lubos maisip ang kalalabasan nito!"

"Syempre, wala akong anumang relasyon sa Rosas ng Kamatayan." pagpatuloy ni Ye Wan Wan at tumawa: "Kung gusto makigulo ng Rosas ng Kamatayan sa mga Si, hindi naman na sila mag-aabala pa maglagay ng ispya, 'di ba?"