Desidido pa rin si Liu Ying na tanggihan ang sinabi ni Xu Yi: "Ayoko! Kahit maliit na lang ang pag-asa natin, kailangang nating gawin ang lahat ng ating makakaya para protektahan si master! Ilalagay mo sa panganib ang buhay ni master, para lang sa babaeng yan?"
Biglang naging seryoso si Xu Yi at hindi niya napigilan ang kanyang emosyon, "Liu Ying! Kapag nagising si master, paano mo maipapaliwanag sa kanya na hindi natin na-protektahan Miss Wan Wan?"
"Ah…"alam ni Liu Ying na importante si Ye Wan Wan kay Si Ye Han kaya wala siyang maisagot sa tanong ni Xu Yi. Gayunpaman, ayaw niya pa ring gumawa ng malaking sakripisyo para lang sa walang kwentang babae.
Habang nagtatalo si Xu Yi at Liu Yuing, tahimik na inoobserbahan ni Ye Wan Wan si Si Ye Wan, walang lumalabas na salita sa kanyang mga bibig.
"Maghanda ka Miss Wan Wan, may uutusan akong tao na maihatid ka kaagad palabas ng country B!" Hindi na nagpatumpik-tumpik na sabihan ni Xu Yi si Ye Wan Wan.
Sa isang sandali, ang mata ng lahat ay nakatuon sa magandang babae.
Ano kaya ang gagawin sa ganitong kritikal na sitwasyon?
Kung tunay ang pagmamahal niya kay Si Ye Han, hindi niya iiwan ang lalaki at mananatili lamang siya sa tabi niya, mamatay man sila o mabuhay, 'di ba?"
Lumipas ang ilang saglit ng katahimikan, tumango ang babae habang blangko ang itsura niya, "Sige, naiintindihan ko."
Nang marinig nila si Ye Wan Wan, tiningnan nila ang babae at napakunot sila na tila ba'y binabalot ng paglait ang kanilang mga mata.
Makikita sa mukha ni Liu Ying ang umuunat na ngisi sa kanyang bibig at bigla siyang nangutya, "Ito nga pala ang babaeng inalagaan at minahal mo master…"
Hindi man lang siya nakosensya at nagmamadali pa siyang tumakas sa ganitong ka-kritikal na sitwasyon.
Kung si Miss Ruo Xi ang nasa lugar niya, hindi niya iiwan ang master habang kritikal ang kanyang kondisyon!
Bumuntong hininga si Xu Yi at hindi siya nakapag-komento. Naisip niya na lampa nga naman si Ye Wan Wan kaya natural lang na tumakas siya para iligtas ang kanyang sarili sa ganoong sitwasyon. Gayunpaman, wala rin naman siyang nararamdaman para kay master...
Sa ilalim ng matatalas na tingin ng mga tao, matagal na tinignan ni Ye Wan Wan ang lalaking nakahiga sa kama bago siya tumalikod at hindi na niya ito muling tiningnan.
Matapos ang ilang sandali, dumating ang dalawang lalaki na nakasuot ng itim na maskara para iligtas si Ye Wan Wan.
"Miss Ye, bilisan mong pumasok sa loob ng kotse!" Pinilit siya ng isang nakaitim na suot na bodyguard.
"Saglit lang!" Biglang sinabi ni Ye Wan Wan.
"Anong problema Miss Ye?" Tanong ng isa sa kanila.
"Gusto kong dalhin yung itim kong bagahe na naiwan sa kwarto," inutos ni Ye Wan Wan.
"Delikado ang byahe natin Miss Ye; mas maganda nang hindi tayo magdala nang maraming gamit!"
Naka-maskara na kulay itim ang lalaki kaya hindi makita ni Ye Wan Wan ang ekspresyon niya. Hindi rin matukoy ni Ye Wan Wan ang emosyon ng mga bodyguard dahil sinanay sila na itago ito. Pero nahulaan ni Ye Wan Wan ang kaba at galit sa puso ng mga bodyguards na ito; naisip siguro nila na may laman na importanteng mga bagay na pagmamay-ari ni Ye Wan Wan at Si Ye Han ang bagahe, kaya gustong kunin ni Ye Wan Wan ang bagaheng itim.
Hindi nagbago ang ekspresyon ni Ye Wan Wan at nagpumilit pa rin siya, "Importante ang bagahe na ito. Hindi ako aalis hangga't hindi ko dala iyon!"
Hindi sila nagkasundo dahil sa sinabi ni Ye Wan Wan.
Nagtinginan muna ang dalawang bodyguards hanggang sa wala silang magawa, isa sa kanila ang bumalik at kinuha ang itim na bagahe. "Pwede na ba tayong umalis Miss Ye?"
At dahil doon, tumango na si Ye Wan Wan. "Sige!"
Umandar ang makina ng itim na kotse habang kasabay nito ang ilang mga guests na papalabas ng hotel at sa isang saglit, bumyahe ito papalayo sa lugar. Sumunod sa kanila ang buong Dark Team 1 at pasikreto silang sinamahan ng buong team...