Chapter 397 - Ang Patibong

Pagkaalis ni Ye Wan Wan, mabilis na nag-ayos ang mga taong natira at inilayo nila sa lugar na iyon si Si Ye Han.

Nanatiling naiinis ang emosyon ni Liu Ying.

Bakit kailangan pang umalis ng hotel?

Nasa kanila na ang buong bayan; kahit saan tayo magpunta, para pa rin tayong mga pagong na nakakulong sa isang garapon.

Wala tayong kawala at hindi rin makakapunta ang saklolo.

Huli na ang lahat, kahit makahanap pa tayo ng tulong---hindi nila mapapatay ang apoy kung malayo ang pinanggalingan ng kanilang tubig.

Mukhang mapayapa man ang bayan kung makikita ito, pero ang katotohanan ay isa itong malaking patibong na unti-unting lumalapit sa kanila hanggang sa patayin sila nito sa kinatatayuan nila ngayon.

At nangyari pa ang kaguluhan nang magkaroon ng malalang sakit ang kanilang master, ang nag-iisang suporta nila laban sa mga kaaway.

Muling lumala ang kondisyon ni Si Ye Han, nagka-lagnat ulit siya habang nasa biyahe sila.

Sa lahat ng naging misyon ni Liu Ying, ito ang iisang misyon na kung saan, nawalan na siya ng pag-asa.

Parang yelo ang itsura ni Liu Ying habang nasa loob sila ng kotse, kalmado niyang tinitingnan-tingnan at pinupunasan ang kanyang mga armas habang matalas ang kanyang paningin. Naghahanda lamang siya sa malalang mangyayari.

Parehas din ang nararamdaman ng mga kasamahan niya. Ang buong convoy ay masigasig na naghahanda sa mga mangayari.

Tiningnan ni Xu Yi si Si Ye Han na nakaupo sa likuran at biglang nababalisa siyang nagtanong, "May sagot na ba galing sa country B?"

Liu Ying: "Wala"

Walang magagawa kung manghihingi sila ng tulong sa country B, para silang nalulunod na bato sa gitna ng malaking dagat.

Nasilayan ni Liu Ying ang kumukulog na maiitim na ulap kalmado niyang sinabi, "Planado ang pagsugod nila sa atin, naghanda talaga silang magnakaw at magpatay ng mga tao!"

Biglang humigpit ang kamao ni Xu Yi. "Sino ba ang mga taong ito? Napakalakas nila para kaaniban ang Murderous Blood Gang!"

Natawa si Liu Ying. "Importante ba kung sino sila? Alam mo ba na may mga taong gustong patayin si master?"

Hindi na binigyan ng importansya ang tanong na ito.

Sana may matitira pang pag-asa na makalaya sila sa bayan na iyon, kung hindi lang dahil sa Murderour Blood Gang.

Sa lahat pa ng taong susugod sa kanila, bakit ang Murderous Blood Gang pa? Nasa kaalaman ng lahat na hindi magtitira ng buhay na tao ang Murderous Blood Gang kapag binayaran silang pumatay.

Akala nila, gusto lang nakawin ng isang grupo ang mga gamit nila, ngunit ngayon...

Makikita naman na gustong kunin ng grupong ito ang mga buhay nila.

Matagal na nanahimik si Xu Yi dahil hindi niya rin alam kung ano ang sasabihin niya.

Matapos ang matagal na oras, mahinahon na nagtanong si Xu Yi, "Anong nangyayari na kay Miss Wan Wan?"

Nangutya si Xu Yi at tiningnan niya ang kausap niya na nasa video, "Malayo na siguro sila ngayon."

Ang target ng kabilang panig ay si Si Ye Han. Kaya kung napalayo man ang ilang kotse sa kanila, hindi sila magsasayang ng panahon para sumunod pa sa ibang mga kasamahan.

Nanahimik muli si Xu Yi nang marinig niya iyon.

Mabilis nilang dinaanan ang kalsada na makikita sa bintana ng kotse at ang mga bumibiyahe ay papalapit ng papalapit sa dulo ng bayan...

Kahit papalapit na sila sa kanilang kaligtasan, hindi pa rin sila umaasang makakatakas sila - binabalot ng desperasyon at lungkot ang puso ng bawat isa.

Parang masayang pinapanood ng kanilang mga kaaway ang huling paghihirap nila papunta sa kamatayan, dahil hindi pa rin nagpapakita ang mga ito.

Hindi na makapagtimpi si Liu Ying kaya napalingon siya sa tahimik na labasan, "LUMABAS KAYO! Mga takot ba ang Murderous Blood Gang at ang alam niyo lang ay magtago?!"

Sa isang saglit, makikita ang pulang laser sa noo ni Liu Ying.

Lubha na ngumiwi ang mukha ni Xu Yi. Mabilis siyang sumugod at ibinaba si Liu Ying at sinabi, "Liu Ying! Umalis ka diyan! Yumuko kayong lahat!"

Ang buong bubong ng kotse ni Liu Ying ay pinasabog pagkatapos nilang yumuko. Naramdaman nila ang mainit na sakit sa kanilang mga likod at matagal silang nakarinig ng matining na tunog sa kanilang mga tainga bago nila mamalayan ang nangyayari.

Nang bumalik ang kanilang malay tao, napansin nila na pinapalibutan na pala sila ng mga kalaban na parang kampon ng mga demonyo.

Pinalibutan rin sila ng ilang mga itim na kotse at may isang itim na modified SUV sa hanay ng kanilang convoy, ito ay parang malaking halimaw na sinugpo ang kanilang kumpon. Nakita nila na may isa-isang nagsisilabasan sa mga kotse na iyon...

Naramdaman nila ang takot nang masulyapan nila ang kanilang mga kalaban...