Chapter 38 - Ang gantimpalang halik

Ang bagong ligo na dalaga na amoy ang natural na bango sa katawan, ang kanyang malambot at matapos na labi ay parang naging tulad ng matamis na cotton candy...

Napahinahon bigla ang kanina'y naguusok na galit na binata, sumuko at nanghina mula sa hindi inaasahang halik ng dalaga sa kanyang leeg.

Batid ang biglang pagbabago ng paligid ni Si Ye Han, humimlay sagit si Ye Wan Wan.

Kahit na nagmadali ako sa pinto, hindi naman nagmukhang tumatakas ako, kundi kinandado ko ang pinto para makipagtalik sa kanya. Hindi naman siguro siya magagalit, diba?

"Mahal, bakit ka nandito?" sinibukang palambingin ni Ye Wan Wan ang boses niya.

Tahimik lang siya tiningnan ni Si Ye Han, nang walang kaimik-imik. Malalim niyang tinitigan si Ye Wan Wan.

Ramdam ni Ye Wan Wan na may kasalanan siyang ginawa. Nahuli na kaya niya ako?

Makalipas ang ilang sandali, biglang naiba ang ekspresyong ng binata, "Mga manliligaw mo...pumipila na papuntang Milky Way?"

Napatagal sa pagiisip si Ye Wan Wan. Saka naalala niya na 'yung kinanta niya kanina ang tinutukoy ni Si Ye Han.

Patangging nagsalita si Ye Wan Wan, "Hindi, hindi! Kanta lang 'yun!"

Milky Way mo mukha mo...18 levels kamo ng impyerno!

Masilayan pa kaya ng sinumang manligaw sakin ang bukang-liwayway?

Mali pala, ang punti dito, sino kayang manliligaw sakin kung kahit nga langaw, wala man lang?

"Ah siyanga pala! Top ako ngayon sa klase! Perfect ko ang Language English, at Liberal Arts subjects ko!" pagiba ng usapan ni Ye Wan Wan.

Hinawi lang ni Si Ye Ha ang buhok niya palapit sa tenga, "Hm."

Nagsalita siya mula sa natural na tono na parang normal lang sa kanya ang makakuha ng mataas na marka.

Mula sa naramdaman niya takot sa araw na 'to, lalo pa siyang nabalisa sa mga nagiging reaksyon ngayon ni Si Ye Han.

Ang nakakagulat pa dito, si Si Ye Han lang tanging taong naniniwala sa kanya.

Napansin ni Ye Wan Wan na naging malungkot si Ye Wan Wan. Hinawakan niya ang mga labi niya at hinalikan ito, "Nagawa mo nang mahusay."

Kumurap lang si Ye Wan Wan ng paulit-ulit.

Uhm...

Premyo ko ba 'yun?

Ano bang ginawa ko para isipin ni Si Ye Han na gusto ko ng halik bilang premyo!

Okay, kalimutan mo na. Basta masaya siya.

Biglang naalala ni Ye Wan Wan na hostel ito para sa mga babae. Paano siya nakapasok?

Mali, ang punto dito, kailan siya aalis?

Matapos ang lahat, palaging tsinetsek ang loob ng hostel, at kapag nalamang may itinatago siyang lalaki...

Inaalala ni Ye Wan Wan kung paano niya makukumbinsing paalisin si Si Ye Han, napatingin siya sa kama at saka biglang nagtanong--

"Nasan 'yung kumot?"

"Ah? Kumot?" nabigla si Ye Wan Wan sa tanong at saka sumagot, "Sinampay ko sa labas. Hindi ko pa nababalik sa loob. Kunin ko na ba?"

Tumango lang ang binata, "Hm."

Hindi maintindihan ni Ye Wan Wan kung bakit nagtanong bigla si Si Ye Han tungkol sa kumot. Tulirong tumakbo siya sa balkon para kunin ito.

Inayos niya ang kama at pinagpag ang unan, saka hinipan.

Matapos linisin ang kumot at unan, umangat ang mabangong amoy nito.

Napatigin ang binata na parang kuntento sa nakita, saka lumakad at humiga sa kama, "Tulungan mo akong i-set 'yung alarm ng dalawang oras mula ngayon."

"..." Nagulat si Ye Wan Wan habang tinitingnan ang binata na nakahiga na sa kama at matutulog na.

Gusto talaga ni Si Ye Han na matulog dito!