Chapter 40 - Dalawang halik

Syempre, alam niyang nagagalit si Si Ye Han kapag ginigising siya pero kailangan niyang gawin ngayon at wala na siyang pakialam pa.

"Si Ye Han, may tao sa pintuan, pwede bang magtago ka muna?"

Maya-maya, gumising na ang binata at bakas ang galit na eskpresyon sa mukha nito na parang gustong bulabugin ang mundo sa galit.

Nakiusap na si Ye Wan Wan, "Pakiusap!"

Nanatili pa ring galit at yamot ang binata.

Umangat ng bahagya si Ye Wan Wan at hinalikan sa labi ang binata, "Okay lang ba?"

Kita ang mapungay na mga mata ng bata at rinig sa boses ang nakikiusap na mga salita na kayang makapagpalambot sa puso ng sinuman.

Unti-unti nawala ang galit ni Si Ye Han at tila nasorpresa sa nangyari.

Ah, talaga ba ang babaeng 'to, iniisip niya bang madali lang ako suyuin?

Habang kita ang natigilang si Si Ye Han, umangat ulit si Ye Wan Wan at hinalikan siya ulit, "Nakikiusap ako sa'yo!"

Si Ye Han: "Sige."

Nagliwanag ang mukha ni Ye Wan Wan, "Salamat! Sa banyo ka na muna magtago! Mabilis lang 'to!"

Hm...kung hind kayang maresolba ng isang halik, kaya namang gawin ng dalawang halik.

Nang makapagtago na si Si Ye Han saka na binuksan ni Ye Wan Wan ang pinto.

Si Shen Meng Qi pala ang tao sa tapat ng pintuan.

Nang makita ang ekspresyon sa mukha ni Ye Wan Wan, natigilan bigla si Shen Meng Qi.

Nakita niya ang dalaga na walang kolorete sa mukha na nakasuot ng ordinaryong sleeping gown pero mukhang maaliwalas at kasing ganda ng bulaklak ng lily matapos madiligan ng tubig. Hindi niya magawang maalis ang tingin sa dalaga sa sobrang ganda.

Maganda na si Ye Wan Wan simula nang pumayat siya. Matagal na rin niyang nakikita ang tunay na hitsura ng dalaga kaya siya nabigla sa nakita.

Kilala si Shen Meng Qi bilang pinakamaganda sa buong eskwelahan at maging ang Class A. Pero ngayon na nakatayo sa tabi ni Ye Wan Wan, ay kahit sikapin pa niyang mag-ayos, maliit na porsyento lang ang ganda niya kumpara kay Ye Wan Wan kahit nakasuot lang ng pajama.

Mahirap basahin ang ekspresyon ni Shen Meng Qi at mukhang nawawala ang pagkakalmado niya. Sinubukan pa rin niyang magsalita ng mahinahon tulad ng dati, "Wan Wan, bakit ang tagal mong buksan nung pinto?"

"Tulog kasi ako kanina."

"Pero alas otso pa lang, ang aga mo namang matulog!", sambit ng nasorpresang si Shen Meng Qi.

"Masyado na kasing gabi, may kailangan ka ba sa akin?" tanong ni Ye Wan Wan.

"Syempre, gusto kasing makipagkwentuhan sa'yo! Huwag kang tumayo sa may pinto, mag-usap tayo sa loob!" diretso nang pumasok si Shen Meng Qi.

Kumunot bigla ang noo ni Ye Wan Wan. Dati, siya 'yung hindi makapaghintay na makakwentuhan ni Shen Meng Qi. Kahit hanggang hatinggabi silang magkwentuhan, okay lang sa kanya. Kung pipigilan niyang pumasok si Shen Meng Qi, mahahalatang may itinatago siya.

Kung nalaman niya lang na si Shen Meng Qi pala ang nasa labas ng pinto, hindi na mahalaga pa kung makita man niya si Si Ye Han.

Pero...

Sa oras na 'to, hindi alam ni Shen Meng Qi na nandito si Si Ye Han, kaya mas okay na 'to!

Inikot lang ni Ye Wan Wan ang mga mata habang sikretong nagpaplano.

Itong magulong si Shen Meng Qi, ang traydor na nasa tabi ko. Masyado na siyang nagiging balakid at siguro oras na para tanggalin na siya sa buhay niya.

Pagkatapos pumasok, sasadyain sanang biglain si Shen Meng Qi, kumuha ng maliit na salamin si Ye Wan Wan at masiglang tiningnan ang sarili.

Biglang nagiba ang ekspresyon sa mukha ni Shen Meng Qi matapos siyang makita. Nanggigil siyang tumingin at pinagalitan si Ye Wan Wan, "Wan Wan! Hindi ka nag-iingat! Bakit pupunta ka sa pintuan na wala man lang makeup? Paano kung 'yung makakita sa labas isipin na ako 'yun? Hindi maganda kung may iba na makakita ng tunay na hitsura mo! Nasa paligid lang ang mga mata at tenga ni Si Ye Han, hindi ka pwedeng magsawalang-bahala lang sa eskwelahan!"