Chapter 365 - Isang Alamat sa mundong ito

"Nag… nagbuhat ka ng maraming bricks at ang binigay lang ng boss mo ay $10?" Pinigilan ni Nameless Nie na magsalita ng masama. "Paglipat ka ng madaming bricks sa susunod, sana isang daang libo na bricks ang nilipat mo!"

"Sige, kapitan." Paulit-ulit na tumango ang dayuhan.

"Eh ikaw kapitan, may kinita ka ba ngayong araw?" nagtatakang tinanong ng deboto.

"Tsk… kinitang pera ba ang tinutukoy mo?" kumulot pataas ang mga labi ni Nameless Nie. Pinasok niya ang kanyang kamay sa loob ng damit niya at mayabang niyang kinuha ang $100.

Nang makita nila ang $100 na nasa kamay ni Nameless Nie, biglang nagsama-sama ang apat at umawit, "Kapitan ng Diyos ng Kamatayan, talemtado at swabe, cool cool cool, malakas malakas malakas!"

"Ang galing ni kapitan~ gusto ko siyang bigyan ng masarap na kiss~" hinawakan ng nakakasuklam na lalaki si Nameless Nie.

Bigla siyang napaurong pagkatapos siyang sampalin ni Nameless Nie...

Tiningnan ni Ye Wan Wan ang $100 sa kamay ni Nameless Nie...

Hindi kaya ito ang $100 na binigay ang regalo sa kanya, hindi kaya?

"Ang sama mo, kapitan… kapitan ang landi mo oh… ang gwapo mo kahit nagagalit ka na… mahal na mahal kita kapitan~" puno ng pagmamahal na tinignan siya ng nakakasuklam na lalaki.

"Paalisin mo siya dito, Little Sweetie," utos ni Nameless Nie.

"Sige kapitan," pinunas ng dayuhan ang kanyang mga kamay at hinagis niya palabas ng stall ang nakakasuklam na lalaki, binuhat niya ito na parang maliit na manok.

Ngunit matapos ang kalahating minuto, sumugod ang nakakasuklam na lalaki at dinuro niya ang dayuhan. "Dugyot na kargador ng bricks, kapag nilagay mi ulit ang madumi mog kamay sa maganda kong balat, wawarakin ko ang t*t* mo!"

"Inaaway niya ako Hubby, hindi ka ba nasasaktan? Ako pa rin ba ang minamahal mong little sweetheart~" hinablot ng nakakasuklam na lalaki ang braso ng gwapong lalaking yelo.

Sa oras na iyon, nang makita ng boss ang grupo ng mga magagaling na aktor, naubos na ang pasensya ng boss at sinabi, "Magbayad na kayo! Mga g*g* talaga kayo!"

"Boss, wag kang magalit sa amin. Pahingi na lang ng discount?" tinanong ni Nameless Nie.

Ngumisi ang boss nang makita niya ang baryang nasa kamay ni Nameless Nie na may halagang $160, "Basagin ko na lang kaya ang mga buto mo?"

"Ganito na lang boss…" biglang may nilabas si Nameless Nie ang hindi alam kung saan galing na butong iskultura at bigla siyang umubo, tila seryoso siyang nagsalita, "Ito ay isang buwaya na nahanap ko sa hilagang malamig na rehiyon; ginamit ko ang di pangkaraniwang pamamaraan para ililok ang skull nito. Madalas na binebenta ko ang ganito sa halagang isang-daang libo, pero makukuha mo ito ng mura ngayong araw; gusto mo ba na ang bayad nito ang magsisilbing kabayaran sa kinain namin?"

"Kumita ka pa boss!" sumagot ang nakaksuklam na lalaki.

"Kunin mo na agad boss. Kung nanghihinayang ka, bigyan mo na lang ng ekstrang dumplings ang kapitan namin." tumango ang dayuhan.

Bumugnot ang boss at nairita siya sa narinig niya (-_-|||), mag-eat and run na nga sila… pinagmu-mukha pa nila akong tanga...

"P******** niyo!" inangat ng boss ang malaking kutsilyo niya na tila bang, gusto niya silang mag-cha-chap-chapin.

Sa isang sulok, pagkatapos manood si Ye Wan Wan ng kadramahan nila, hindi niya na kayang umupo ng tahimik sa kinauupuan niya. Medyo naubo siya at naglakad papunta sa kanila, sabay dukot ng $300 at inilapag niya sa tabi ni Nameless Nie. "Ipapautang ko muna ito sa iyo…"

Umalis ka na at ang sakit mo sa mata.

"Eh… Miss Famous Ye, pinagtagpo tayo ng kapalaran!" medyo nagulat si Nameless Nie. Mahigpit niyang hinawakan ang $300 na nilapag ni Ye Wan Wan sa lamesa.

Sa oras na iyon, nanlaki ang mga mata ng lalaking nakasuot ng pang-deboto nang makit niya si Ye Wan Wan. " Kapitan, saan mo nakilala ang magandang ito…"

"Customer siya sa booth; ang pangalan niya ang Famous Ye. Kilala namin ang isat-isa dahil sa kakaiba niyang pangalan." hinaplos ni Nameless Nie ang kanyang baba.

Walang masabi si Ye Wan Wan. Gawa gawa ko lang yung pangalan na iyon tapos pinaniwalaan niya naman...

"Ay… kapitan, isa kang alamat sa mundong ito… pero ngayon, umasa ka sa tulong ng isang babae…" masakit na sinabi ng karumal-dumal na deboto.

Related Books

Popular novel hashtag