Chereads / Perfect Secret Love: The Bad New Wife is a Little Sweet (Tagalog) / Chapter 366 - Swerte sa love life mo sa hinaharap

Chapter 366 - Swerte sa love life mo sa hinaharap

"'Wag ka ngang magsalita ng kung ano dyan." medyo iritado na ang Nameless Nie. "Kung sino ang may pinakakaunting naipon ay pwede ng maligaw sa Africa para magawa ang ipapatrabaho ko sa kanya."

"Hindi… Gusto ko na lang ipalamon ang buhay ko hanggang sa mamatay ako…" takot na takot ang deboto at marahas na umiling. Ilang araw na lang ang katapusan na ng buwan at paniguradong siya ang may pinakaunting naipon.

"Tsk tsk, ang makapangyarihang deboto ng Taoist sa Silangan na may sakit sa bato, na kapag marinig lang ang pangalan ay may mamumutla na, ay ngayo'y gustong ipalamon ang kanyang buhay hanggang sa mamatay siya…"

"Ang maka-diyos na deboto ng Taiost." maigting ang itsura ng deboto habang itinama niya ang sinabi ni Nameless Nie.

"Parang bagay nga sa 'yo ang sakit mo sa bato!" pagtawa sa kanya ng nakagagayuma na lalaki.

"Bobong manyak, minsan ko ng winasak ang isang buong bayan ng mag-isa - sigurado kang pagsasalitaan mo ako ng ganyan?" Isang malamig na liwanag ang kumislap sa kasuklam-suklam na mga mata ng deboto.

"Aiyo… tama, tinakot mo nga ako… isang maliit na katutubo lang 'yon at iilan ang nakatira doon, ang bangis nga ng kakayahan mo!" Napatawa ang nakagagayuma na lalaki.

Naghingalo ang panghinga ng kasuklam-suklam na deboto at nangutya, "Kahit na iilan lang sila doon, malayang bayan pa rin iyon…"

Napalunok si Ye Wan Wan at tinignan ang mga tao, hindi siya makapagsalita. Nag-umpisa na din siyang kilabutan.

May nakilala akong tao na mahilig magyabang pero hindi ganito kayabang...

Anong alamat sa mundo, anong makapangyarihang deboto ng Taoist sa Silangan, anong winasak ang buong bayan ng mag-isa...

Bakit hindi na lang kayo pumunta na sa langit, huh?!

Kahit na ang orginisasyon ng MLM ay hindi na magyayabang ng ganyan, 'di ba?

Bagay sa kanila ang mental institute...

"Matapos na uminom kayo ng ilang bote ng beer, talagang magyayabang pa din kayo hanggang sa 'di niyo na alam ang pangalan niyo, huh? Ni hindi nga kayo makapagbayad ng ilang daang dolyar, tapos nagyayabang pa din kayo ng ganyan?" hindi na napagtiisan ng boss ng food stall ang dalawa habang ikinaway ang kanyang puthaw at pumiksi.

"Boss, 'wag kang masyadong mapusok dyan…" inabot ng Nameless Nie ang pera sa boss.

Matapos makita ang pera, bahagyang sumigla ang itsura ng boss.

"Teka… sobra ng sampung dolyar yung binigay ko sa 'yo…" agad namang kinuha ng Nameless Nie ang sampung dolyar mula sa kamay ng boss.

"P*ta ka, matapos ang madaming taon ng paghahawak nitong stall, madami akong nakilalang iba't ibang klase ng tao… pero ang mga katulad niyo, bilib ako sa inyo!" binigyan ng thumbs up ng boss ang Nameless Nie at iba pa.

Matapos magbayad, mapasalamat na tumingin ang Nameless Nie kay Ye Wan Wan. "Maraming salamat po sa tulong niyo, Ms. Famous Ye!"

Hinaplos ni Ye Wan Wan ang kanyang ilong. "Oh, wala 'yon."

Ituring niyo na lang yan ng pagpapasalamat ko sa regalo. Tutal, may nakuha naman ako mula don...

"Yan um, medyo makapal ang mukha ko kung tatanungin ko, pero nagtataka lang ako… kayo ba… galing sa organisasyon ng MLM?" hindi na mapigilang tanungin ni Ye Wan Wan.

Nagalit ang nakagagayumang lalaki nang marinig ang sinabi niya. "Anong kapangahasan yan! Sinong tinatawag mong organisasyon ng MLM! Kami ay…"

Sa sandaling iyon, kinurot ng deboto ang kanyang pwet at lumapit kay Ye Wan Wan, "Malayo don, regular lang kaming pangkat. Miss, interesado ka bang sumali sa amin? Wala kaming babae sa pangkat namin! Lalo na ang matiwasay at talentadong tulad mo!"

Ye Wan Wan: "Heh, hindi, pero salamat, wala akong alam dyan…"

Isa lang akong mahinang manok na wala man lang lakas na kalabanin ang ibang manok; hindi ako karapat-dapat dito sa normal na pangkat...

Pilit pa din siyang hinihikayat ng deboto: "Ganda, wala ka namang kailangan gawin - pwede ka maging alaga ng grupo. Aalagaan ka namin ng maigi! Para ipahayag ko sa 'yo ang sinseridad ko, libre kitang huhulaan! May nakikita akong mga pulang ulap sa iyong mukha, may liwanag ang iyong mga mata--maswerteng senyales ito, baka suswertehin ka sa love life mo sa hinaharap!"

Ye Wan Wan: "..."

Pwet mo! Talagang hari siya ng mga manloloko.

Anong swerteng senyales? Malaking kalamidad ang pagkakaroon ng swerte sa love life ko, alright?

Hindi na lumingon pa si Ye Wan Wan at umalis na agad...