"'Wag na kayong mag-alala mama at papa, susubukan kong kausapin si ge ge," seryosong sinabi ni Ye Wan Wan nang biglang nanlamig ang kanyang paningin.
Sa inaakto ng kuya niya, kung gugustuhin niya mang matauhan ang kuya niya, kailangan niyang gumawa ng malupit na paraan-- kailangan niyang mag-isip ng magandang plano para dito.
"Mabait kang bata, Wan Wan!" guminhawa ang pakiramdam ni Liang Wan Jun at Ye Shao Ting nang makita nilang makabuluhan ang pag-iisip ng anak nilang babae.
May dalubhasang housekeper ang villa na naglilinis at nagsasa-ayos nito kada buwan, kaya kahit matagal nang walang nakatira dito, malinis at maayos pa rin ang itsura ng bahay.
Ang mamahaling muwebles sa loob ng bahay ay pinagbebenta na, pero may mga natira pa rin naman.
Tinignan ni Ye Wan Wan ang pamilyar at kakaibang lugar na ito na para bang nanlalabo ang kanyang mga mata.
Sa wakas, nakauwi na ako...
Sa totoo lang, nakatira sila sa munting bahay na ito noon dahil nakalugar siya sa kakaibang distrito, pinagawa sa mamahalin na lupa at gusto ng nanay niya ang nakapalibot na kapitbahay kaya hindi sila lumipat ng matagal na panahon. Medyo may kalumaan na ang malaking bahay na ito dahil matagal na panahon na noong ginawa ito.
Kapag nakapag-ipon siya ng pera sa hinaharap, maghahanap siya ng mas maayos na bahay para sa pamilya niya.
Natatakot si Ye Wan Wan na baka mag-alala ang magulang niya, kaya hindi niya sasabihin ang tungkol sa kanila ni Chu Hong Guang. Sinabi niya lamang na may tinulungan siyang kaibigan na walang-wala kaya binigyan niya ito ng pera, kaya bilang pagbayad sa kabutihang loob niya, binigyan sa kanya ang lumang bahay nila. Sinabi niya rin na tinutulungan niya pa rin ang kaibigan niyang iyon bilang intern siya sa studio ngayon.
Ang pamilya na sa ngayon ay may tatlong miyembro ay ngayon lang nagkita muli matapos ang matagal na panahon, kaya matagal silang nag-usap at nag kamustahan.
Maliban sa pagtatanong nila sa kalagayan ni Ye Wan Wan, sila Liang Wan Jun at Ye Shao Ting ay marami ring tinanong tungkol sa totoo at ordinaryong… boyfriend niya.
"Wan Wan ah, yung lalaking gusto mo… si Ye Bai ba ang tinutukoy mo?" Sinuri siya ni Liang Wan Jun.
*cough cough…* "Hindi, hindi po siya mama… alam ko naman na nag-aalala kayo ni papa na baka maloko at mapunta ako sa masamang daan. Pero wag na kayong mag-alala, hindi siya tulad ni Gu Yue Ze na isinasantabi ang tamang asal at niloko ako para sa pera at kapangyarihan… hindi po gagawin sa akin iyon ng boyfriend ko!"
Sinabi ito ni Ye Wan Wan nang hindi nagbabago ang itsura niya.
Hehe… si Si Ye Han ang tinutukoy ko...
Siya mismo ang isang tao binubuo ng pera at kapangyarihan, kaya kahit gaanong pera pa ang iharap sa kanya or di kaya kapangyirahan, bakit niya isasantabi ang mabuting asal kung meron naman na siya ng mga ito…?
"Hintayin niyo lang na tumagal pa ang relasyon namin, pagkatapos ay dadalhin kona siya para ipakilala sa inyong dalawa!"
En, hintayin niyo muna na mag-isip ako ng plano kung paano ko ipagmumkhang "ordinaryo" ang great devil...
...
Sa gabing iyon, matagal ang usapan at kamustahan nila Ye Wan Wan at mga magulang niya, pero dahil may trabaho pa siya kinaumagahan, kailangan niya munang mamaalam sa kanila para bumalik sa hostel.
Kasing lamig ng tubig ang simoy ng gabi. Ang crescent na buwan ang nakalagay sa itaas ng blangkong kapangitan.
Kalahati na ang byahe ng taxi papuntang hostel nang biglang pinahinto ni Ye Wan Wan ang kotse. Pagkatapos niyang ibayad ang pamasahe, naglakad siya patungo sa isang food stall sa downtown.
Sa salu-salong kaarawan ni lolo, halos walang kinain si Ye Wan Wan. Hindi niya naramdaman ang gutom habang kausap niya kanina ang kanyang mga magulang pero sa oras na ito, kumakalam na ang kanyang tiyan at nagpo-protesta na ito ng pagkain.
Sa loob ng food stall, kahit hindi magarbo ang disenyo ng lugar na ito, simple lamang at ang amoy ng pagkain ang umatake sa kanyang buong pagkatao.
Ang ganitong uri ng kainan ang pinang-gagalingan ng tunay at masarap na pagkain, hindi tulad sa mga mamahaling restaurants.
Sige na nga… siguro dahil trip kong maging kuripot ngayong gabi.
Nakahanap si Ye Wan Wan ng lamesa sa gilid kung saan walang tao at umupo siya doon.
"Anong order niyo miss?"
May gulang na ang may-ari ng kainan at nagulat ito nang makita niya ang itsura ng babaeng nakaupo sa gilid na madilim. Biglang lumaki ang kanyang ngiti sabay iniabot niya ang menu sa babae.
"Sige, tignan ko muna… mag-o-order ako ng isang sweet and sour pork ribs, isang roasted pork, isang steamed Crucian carp, 20 mutton skewers, 10 pork skewers, 10 crispy bones…"
[Xu Yi; Tama, hindi isasantabi ng master ang moralidad niya para lang sa pera, isasantabi niya ang kanyang moralidad para sa pag-ibig…]