Chereads / Perfect Secret Love: The Bad New Wife is a Little Sweet (Tagalog) / Chapter 361 - May tao palang sobrang nakakairita?

Chapter 361 - May tao palang sobrang nakakairita?

Maraming inorder na pagkain si Ye Wan Wan nang isang bilihan lang. Binili niya ang pagkain bilang parangal sa sarili niya. Gayunpaman, hindi naman mataas ang presyo ng mga pagkain sa ganitong klaseng kainan.

Patuloy na sinusuri ng may-ari ng kainan si Ye Wan Wan- karaniwan sa panahon ngayon na nag-da-diet ang mga babae , kaya hindi niya inasahan na may taong umaakto ng hindi kinaugalian.

Syempre, bilang boss, gusto niya ang ganitong uri ng customer!

"Eto na! Darating na ang order mo!" abala ang food stall kaya hindi na nanatili ang boss at mabilis na siyang umalis pagkatapos niyang kunin ang order ni Ye Wan Wan.

Nilabas ni Ye Wan Wan ang kanyang phone, gusto niya sanang mag-send ng text kay Si Ye Han pero, may pamilyar na boses ang nagsalita sa likod niya.

"Boss, pahinging limang bowl ng dumplings!"

Tumingin patagilid si Ye Wan Wan at nakita niya ang isang binata na nakasuot ng gulanitnit na lumang denim jacket habang maliksi na naglalakad sa may food stall.

"Nameless… nie?" Nagulat si Ye Wan Wan.

Mabilis na umikot ang ulo si Ye Wan Wan sa sandaling iyon, naisip niya na baka hindi na siya natatandaan ni Nameless Nie at medyo naramdaman niya na guilty siya.

Bumili nga naman siya ng mahalagang kayamanan kay Nameless Nie sa maliit na halagang $100. Paano kung nakita siya ng lalaki at magsisi ito dahil binentahan niya si Ye Wan Wan...

Ilang saglit lang, nakahanap na si Nameless Nie ng bilog na lamesa at umupo, minamadali niya ang kanyang order sa boss. "Pakibilisan boss. Giniling para sa dumplings ko at lakihan mo na ang balot!"

"Oo nga pala… magkano yung isang bowl ng dumplings?" Sa ilang saglit, natandaan ni Nameless Nie na kailangan niya palang bayaran ang inorder niya.

"$10!" Sabi ng nagluluto na boss.

"Ah…" Biglang lumalim ang inisip ng binata nang biglang gumalaw ang kanyang labi, para bang may importanteng desisyon siyang sasabihin. "Pabili nga pong anim na bowl!"

Pagkatapos ng ilang sandali, inilagay ng boss ang anim na bowls ng dumplings sa kanyang lamesa.

Naubos agad ni Nameless Nie ang lahat ng dumplings sa ilang minuto.

"Boss ah… masyadong marami ang inorder kong dumplings… gusto mo ba akong bigyang ng inihaw na pork ribs… inihaw na isda o kahit anong libre…" masugid na tinanong ni Namless Nie.

"Niloloko mo ba ako?" Natawa ang boss. "$60 ang anim na bowl ng dumplings; mapapamahal ka kung bibili ka ng isa sa mga inihaw na karne ko."

"Ah…" naisip ni Nameless Nie. "Hindi na pala iyon. Bigyan mo ako ng dagdag na dalawang bowl ng dumplings…"

Patagilid siyang tiningnan ng boss; ayaw na niyang maabala pa siguro na alamin ang order ng lalaking ito.

Pagkatapos magsalita ni Nameless Nie, may isang tao ang pumasok sa stall.

Matipuno ang lalaking iyon, puno ng alikabok ang katawan nito, nakasuot siya ng berdeng construction safety cap at ang mga mata niya ay maliwanag na asul. Sa isang tingin, alam mo agad na dayuhan siya.

"Kapitan, bakit hindi mo sinabi sa akin na kumakain ka ng s***!" Sabi ng dayuhan na nakasuot ng construction cap nang maupo siya sa harap ni Nameless Nie.

Biglang nag-iba ang itsura ni Nameless Nie nang marinig niya iyon.

"Boss, gusto kong kumain ng s***, bigyan niyo ko ng s***!" humarap ang dayuhan sa boss at medyo hindi pa maayos ang pananalita niya ng Mandarin.

Sa hindi kalayuan, sinimulang lamunin ni Ye Wan Wan ang mga pagkain niya, nang marinig niya ang usapan nila, biglang niyang binuga ang kanin na galing sa bunganga niya.

"Baliw ka ba? Pumunta ka sa stall ko para kumain ng s***? Bakit hindi ka pumunta sa kubeta kung gusto mong kumain ng s***t?" Hindi makapaniwala ang boss nang makita niya ang dayuhan.

"Hindi hindi hindi… boss… hindi gaanong magaling ang mag-Mandarin ang kaibigan ko, ang ibig sabihin niya sa s*** ay kanin…" hinila ni Nameless Nie sa isang gilid ang boss at dahan-dahan siyang nagpaliwanag.

"Boss, bigyan mo ako ng s***, hindi ito mahal pero masarap ito." Hinaplos-haplos ng dayuhan ang kanyang baba.

"Sige sige sige, bibigyan kita ng s***." Hindi alam ng boss kung iiyak o tatawa siya nang tumalikod siya at umalis.

Narinig ng matalas na pandinig ni Ye Wan Wan ang usapan nila Nameless Nie at ng boss, tila wala siyang masabi.

Naisip niya na baka naloko ni Nameless Nie ang dayuhan, sinabi niya siguro na ang mandarin ng "kanin" ay "s***".

Meron palang tao na sobrang nakakairita?