Paalis na sana ang pamilya nila nang biglang marinig sa likuran ang boses si Liang Jia Hao.
"Jie…"
Napahinto si Liang Wan Jun at tiningnan niya ng walang emosyon si Liang Jia Hao.
Ang halagang ibinigay niya noon sa kanyang kapatid ay katumbas ng dismayang nararamdaman niya sa kanya ngayon. Nabuo ang poot na nararamdan niya sa mga lumipas na taon ngunit ngayon, wala nang lungkot na natitira sa puso niya, humantong na lamang siya sa pagka-manhid.
"Lalayas na ba talaga kayo?" Tanong ni Liang Jia Hao.
Sumulyap si Lian Wan Jun sa babae niyang anak, "En, matagal na namin kayong ginugulo sa sarili niyong pamamamahay."
"Jie, alam ko…" nagbuntong hininga si Liang Jia Hao. "Alam kong, ikaw at si bayaw ay maraming naitulong sa amin. Pasensya na, nasa mahirap kasi akong sitwasyon… at yung sa kumpanya nga pala, magta-trabaho pa rin ba si bayaw?"
Nakatayo sa isang gilid si Ye Wan Wan at ngumisi-- ang dami niyang satsat, gusto niya lang malaman kung magta-trabaho pa rin si papa sa kumpanya nila.
Pinagtrabaho ni Liang Jia Hao ang tatay niya na para bang nasa kanya ang abilidad ng napakaraming tao at halos alipin na rin ang turing niya. Totoo naman kasi na ayaw niyang mawala si Ye Shao Ting dahil nakakatipid ang kumpanya kapag siya ang nag-ta-trabaho.
Walang management skills ang kanyang tito. Dahil sa tatay niyang tumutulong sa kanyang tito, kalmado at komporme lang ang tito niya pagdating sa trabaho.
Pero ang pamilya ng tito niya ay umaakto na parang sila pa ang kawawa kahit sila naman talaga ang tinutulungan.
Bago sumagot ang kanyang tatay, sumabat bigla si Ye Wan Wan, "Tulad nga ng sinabi ni Shi Han, bilang mga anak, paano namin papagurin ang sarili naming mga magulang?"
At dahil sa sinabi niya, wala na silang kinalaman sa kahit anong gawain ng pamilya ni Liang Jia Hao.
Okay lang sana kung inalagaan nila ang bawat isa bilang pamilya, pero ang inggratang pamilya na ito ay mas malala pa sa mga hindi nila kakilalang tao. Halos hindi sila magkakadugo.
Nang marinig ang buong usapan, nabahala si Fang Xiu Min na nasa likod niya. "Bakit mo gagawin iyon? May mga proyekto ang kumpanya na kalahati pa lang ang natatapos! Napaka-iresponsable mo kung iiwan mo lang siya ng ganun ganun lang!"
Natawa si Ye Wan Wan. "Ah, iresponsable? Bakit hindi mo na lang gawing boss si papa para nasa kanya ang lahat ng responsibilidad? Natandaan ko na naglagay ng investment si papa sa kumpanya mo noong kakasimula pa lang nito, hindi ba?"
"Ikaw… nagpapantasya ka lang!" Biglang nag-iba ang ekspresyon ni Fan Xiu Min.
"Hindi tulad ng pag-pa-pantasya mo tita," tumatawa si Ye Wan Wan habang sinasabi niya iyon. Biglang naging seryoso ang tono niya, "Tita, 'wag kang mag-alala- kung tungkol man sa bahay niyo o sa kumpanya, hindi na kami interesado sa lahat ng yan. Wala sa ugali namin ang pulutin ulit ang mga kalat na tinapon na namin."
Maririnig sa boses niya ang pangungutya sa pamilya nila na mas malala pa sa baboy at aso ang asal...
Ayaw nang abalahin ang Ye Wan Wan ang sarili niya na makipagtalo sa pamilyang iyon, kaya hinila niya ang kanyang mga magulang niya palabas at umalis na sila.
Nabalot ng galit si Fang Xiu Min kaya bigla na lamang siyang sumigaw ng malakas kay Liang Jia Hao: "Tumatayo ka lang diyan at hinahayaan mong saktan ako ng t*ngang babae na yan, wala ka bang sasabihin sa depensa ko?"
Nang makita niyang nananahimik lang si Liang Jia Hao, biglang sumigaw ulit si Fan Xiu Min. "MAGSALITA KA! Umalis na si Ye Shao Ting, sino na ang mamamahala sa lahat ng gagawin sa kumpanya?!"
Nagseselos na tumingin si Liang Shi Han sa naglalakad na paalis na si Ye Wan Wan. "Mommy, hayaan mo na sila. Mga asong kalye lang sila, bakit mo kailangang magalit? Hindi ba kayang mabuhay ng kumpanya kung wala siya?"
Huminga ng malalim si Fang Xiu Min. "Tama si Shi Han, mga asong kalye lang sila. Bakit ko kailangang magalit? Si tita Mei Xuan mo at si Yiyi-jie ang tutulong sa kinabukasan natin; sino nga naman ang may gusto ng walang kwentang bahay at kumpanya na ito?!"
Paulit-ulit na tumango si Liang Shi Han. "Sa ngayon, pagmamay-ari ni tito mo na nasa Ye Group ang kalahati ng showbiz, at si Yiyi-jie ang direktor ng talent recruitment sa Emperor Sky. Wala ngang mahanap na trabahp ang pamilyang iyon tapos ang lakas ng loob nilang ipagmayabang na manunumbalik raw sila; totoo ngang nabuang na ang mga utak nila!"
...
Sa Golden Seas:
"May mga business akong kailangan kong unahin muna!" Nasa pintuan na sila ng Villa pero hindi pumasok si Ye Mu Fan.
"Mu Fan! Mu Fan! Gabi na, saan ka oa pupunta…" walang magawa si Liang Wan Jun nang biglang umalis ang kanyang anak.
Nandilim ang itsura ni Ye Shao Ting at may bakas na kapaguran sa kanyang mga mata. "Hayaan mo na, wag mo na siyang pansinin."