Chapter 339 - Makikinig ako kay lolo

"Haha… paanong hindi yan pagsagot? Parang mga payaso yung turing niya sa mag-ina at wala man lang hangad na magkaroon ng pake sa kanila…"

"Ito ang totoong dyosa…"

Pinanood ni Ye Shao Ting at Liang Wan Jun sina Li Yue at Zhou Qing Gang na pagtalunan si Ye Wan Wan sa harap. Para bang nasa panaginip sila at hindi totoo ang lahat. Hindi nila maisip na ito nga talaga ang anak nilang wumasak sa kanilang mga puso.

"Old Ye, dapat kumbinsihin mo ang maganda mong apo na pumunta sa Imperial City University. Alam mo sa sarili mo kung gaano kaganda ang pagtuturo namin doon." tumingin si Zhou Qing Gang kay Ye Hong Wei at binago ang kanyang target at sa halip, si Ye Hong Wei ang hinasa.

Agad namang pinagtuonan ng pansin ni Ye Hong Wei ang mga nasa lamesa.

"Ito…" bakas ang bahagyang pagkagulat ni Ye Hong Wei. Tuliro niyang tinignan ang kalmado at matiwasay na si Ye Wan Wan; hindi pa tumatama sa kanya ang pinagtatalunan ng dalawa sa harap niya.

Talagang nakakamangha nga ang mga resulta ni Ye Wan Wan; nahigitan niya pa ang mga inaasahan ng mga tao sa kanya.

"Old Ye, 'wag kang gumawa ng kalokohan. Kung hindi, puputulin ko ang lahat ng mayroon tayo." nainis si Li Yue at agad na nagsalita, natatakot na baka matalo siya kay Zhou Qing Gang.

"Wan Wan, 'di ba gusto mo talaga makapasok sa Imperial Media? 'Wag kang magpadala diyan." hindi nakalimutang ipaalala din ni Li Yue si Ye Wan Wan.

Nakatayo sa gilid si Ye Wan Wan, hindi alam kung matatawa o maiiyak habang pinanood niya ang dalawa na pagtalunan siya. Bigla tumama ang tingin niya sa tulirong si Ye Hong Wei at isang malapad na ngiti ang lumitaw sa kanyang mukha. Dahan-dahan siyang lumapit kay Ye Hong Wei at tumigil sa harap niya mismo at marahang sinabi, "Makikinig ako kay lolo."

Makikinig kay lolo?

Akala ng lahat ng bisita sa paligid ay guni-guni lang ang kanilang narinig.

Alam ng lahat na si Ye Wan Wan at ang matanda ay parang apoy at tubig at lagi siyang pumupunta sa dating bahay ng mga Ye para gumawa ng gulo.

Pero sa sandaling ito, Nakatayo si Ye Wan Wan sa harap ni Ye Hong Wei, na para bang masunurin na apo. Nasaan ang kapootan sa kanilang dalawa?

Ngayong gabi, para bang pinatunayan ni Ye Wan Wan mismo na tsimis lang talaga ang mga sabi-sabi sa kanya.

Kahit na si Ye Shao Ting at Liang Wan Jun ay hindi din makapaniwala, pati na din ang mga bisita.

Ito ba talaga ang anak nilang hindi sila binisita ng ilang tao at may matinding kagalitan sa mga Ye?

Para namang nakakita ng isang multo si Ye Mu Fan.

Tuluyan namang nablanko ang mga utak ni Fang Xiu Min at Liang Shi Han sa mga sunod sunod na balita, na agad namang sinira ang pagka-arogante at pagka-hambog na mayroon sila. Hindi nila alam kung paano sila babalik sa kanilang mga upuan at hindi na sinubukang magsalita pa. Gusto na lang nila na makalimutan sila ng mga tao.

Sa gilid naman ng lamesa, tinignan ulit ni Ye Hong Wei ang apo nakatayo sa harap niya at napa-isip.

"Old Ye, kakaiba talaga 'tong apo mo--makikinig pa siya sa 'yo kung anong university ang pipiliin niya…" para bang wala nang magawa si Zhou Qing Gang.

"Old Ye, ano sa tingin mo?" kabadong tanong ni professor Li Yue.

Napaisip ng maigi si Ye Hong Wei sa narinig. Pinigilan niya ang mahiwagang pagkislap sa kanyang maharlika at far-sighted na mga mata habang tinignan niya ang mukha ni Ye Wan Wan. Binaling niya ang tingin niya at nagsalita sa kanyang pirmi at makapangyarihang boses. "Kung ang intensyon niya talaga ay makapasok sa Imperial Media, iyon na 'yon."

"Ikaw… itong Old Ye na 'to…" nawasak ang natatanging pag-asa ni Zhou Qing Gang at bakas sa mukha niya ang paghinanakit.

"Hahahaha, Old Ye. Talagang mahal mo itong apo mo at alam mo ang kakayahan ng Imperial Media!" tuwang-tuwa si Li Yue at nasiyahan sa sinabi ni Ye Hong Wei.