Tahimik lang si Ye Shao Ting habang pinapanood ang nangyayari sa malayo. Nakakunot ang kanyang mga kilay habang tinignan si Ye Wan Wan na para bang ibang tao ito at napuno ng pagdududaw ang kanyang puso.
Ang naalala niyang anak niya ay hindi mabait at masunurin, at galit na galit siya sa mga Ye.
Nagtaka si Ye Shao Ting kung nagpakita lang ba si Ye Wan Wan sa salo-salo ng kaarawan ng lolo niya para lang batiin ang kanyang lolo, o may iba pa siyang motibo tulad ng pagsira ng salo-salong ito at tuluyang papahiyain ang mga Ye?
Halata naman na ayaw mangyari 'yon ni Ye Shao Ting, pero ilang taon na din ang nakalipas… at sa totoo lang, pagod na pagod na siya...
Hindi sinasadyang nakaramdam si Ye Wan Wan sa mga hinala sa kanya ng kanyang tatay at nakaramdam ng lungkot.
Sa nakaraan niyang buhay, sobra ang kanyang ugali at para talaga siyang apoy at tubig sa mga Ye. Hindi niya napatawad ang kanyang mga magulang at grabe ang galit niya sa mga ito.
Sa nakaraan niyang buhay, dumalo siya sa salo-salo ng kaarawan ng lolo niya at gumawa ng malaking gulo sa harap ng lahat ng bisita, at tuluyang pinahiya ang kanyang magulang at ang mga Ye. Sa sobrang balisa ng kanyang lolo ay bigla itong inatake sa puso at na-ospital ito ng kalahating buwan.
Sa naisip, binaling ni Ye Wan Wan ang kanyang tingin at mas lumapit kay Ye Hong Wei. Hindi naman tinanggihan ni Ye Hong Wei si Ye Wan Wan, at napawi din ang kalupitan sa kanyang mukha.
Sa sandaling ito, dahil sa matagal na ding nag-umpisa ang salo-salo, isa-isa sa mga bisita ang lumapit sa chairman para batiin at ibigay ang kanilang regalo.
Para lang sa pormalidad ang mga regalo ng bisita at walang kabuluhan sa mga mata nila sa mga nakakatandang henerasyon. Tinginan lang nila ito at walang nakitang bago sa kanila.
Maya-maya, Lumapit na ang pamilya ni Liang Jia Hao at Fang Xiu Min. May hawak na mamahaling inkstone si Liang Shi Han at ibinigay kay Ye Hong Wei. Sinabi sa kanyang pinakamalambing na boses, "Lolo, alam ko pong mahilig kang sumulat at gumuhit, matagal pong pinaghandaan ng magulang ko ang inkstone para sa 'yo. Sana po magustuhan ni lolo."
Nagsikap si Fang Xiu Min para makuha ang inkstone at hinanda para pang-regalo kay Ye Hong Wei sa kanyang kaarawan kaya masiyahan ito sa kanya. Pero dahil sa insidente kay Ye Wan Wan ngayon lang, pinahiya ni Fang Xiu Min ang sarili at dumepende sa inkstone para lang mapaboran siya ng matanda.
Tinigna ni Ye Hong Wei ang inkstone at bahagyang tumango, at pinakuha sa iba para itabe.
Kahit na walang espesyal na reaksyon si Ye Hong Wei, ang simpleng tango nito na pagsang-ayon, ay sapat na para kay Fang Xiu Min at Liang Shi Han para makahinga ng maluwag.
Maya-maya, napansin ni Liang Shi Han ang walang hawak na kung ano si Ye Wan Wan, "Wow, kaarawan ni lolo at may dumalo talagang walang regalo?"
"Tsk… Shi Han, 'wag kang matuto sa mga taong marunong lang magpasikat at dala lang ang malaki niyang bunganga sa kaarawan ng lolo." natalo man si Fang Xiu Min kay Ye Wan Wan ngayon, hindi niya mamimintis ang oportonidad na kutyain si Ye Wan Wan.
"Lolo?"
Tinignan ni Ye Wan Wan si Fang Xiu Min at Liang Shi Han at umangat ang gilid ng kanyang mga labi, at malamig na pumiksi. "Sinong lolo mo?"
Biglang tumawa ang lahat ng bisita sa sinabi ni Ye Wan Wan.
Nanigas naman ang mga ngiti ni Liang Shi Han.
Halata naman ang ibig sabihin ni Ye Wan Wan sa sinabi niya-- wala sa pamilya ni Fang Xiu Min ang may apilyedo na "Ye" pero magiliw pa din ang pagtawag ni Liang Shi Han na lolo dito; kung iisipin niya pa lang ito ay nakakasuka na.
"Ikaw…!" sumama ang tingin ni Fang Xiu Min kay Ye Wan Wa, at halata ang galit sa kanyang mukha.
"Hindi mo dapat dinadala ang anak mo dito at biglang magsasalita na parang magkamag-anak kami. Kaming mga Ye, ay hindi kumikilala sa mga kung sinong tao bilang pamilya namin." agad na tumalikod si Ye Wan Wan matapos magsalita at hindi na inantay ang reaksyon nila.