Chapter 328 - Hindi pa pwede sa ngayon

Makikita ang labasan sa unang hakbang papasok sa asyenda ng Ye family. Nakahilera sa gilid ang willow trees at ang buong paligid ay may dekorasyon na lanterns at makukulay na bandera. Piyesta ang itsura ng lugar na iyon.

May gulang na ang housekeeper ng asyenda. Matalas ang kanyang maliit at mahabang mga mata.

"Housekeeper Huang, matagal na tayong hindi nagkikita, mukhang maayos pa rin ang kalagayan mo ngayon!"

Ilan sa mga may gulang na kalalakihan na bisita sa salu-salo ay binati ang housekeeper nang may malalaking ngiti sa kanilang mga mukha.

Tumango lang ang housekeeper bilang sagot sa pagbati nila; hindi niya pinakita ang kababaang loob o pagmamataas, pero kung titingnan nila ng maigi, mapapansin nila ang maliit na bakas ng pagmamataas sa kanyang ugali na nagpapakita ng kanyang awtoridad.

Sa labas ng asyenda na nakapalibot sa mansion ng Ye ay ang grupo ng mga bagong artista ng Emperor Sky Entertainment ay nagsama-sama at nag-uusap usap, nakikipagpalitan ng mga impormasyong gusto nilang ibahagi.

"Hindi ba housekeeper lang siya? Medyo mayabang siya, noh?"

Hindi maintindihan ng isang baguhan na artista ng Emperor Sky Entertainment ang pag uugali ni housekeeper Huang nang tinitigan niya ito.

Madalas, ang mga taong bumabati kay Huang Ming Kun ay mga may matataas sa estado sa Imperial City.

"Mayabang?" natawa ang isang senior na artista. "Si houskeeper Huang ang pinaka kinahuhumalingan na tao ni Ye Yiyi at marami siyang ginagampanang tungkulin sa loob ng Ye family. Sa taglay niyang kapangyarihan, ang relasyon niya kay ye Yiyi at sa mga kaibigan niyang opisyal at matataas na antas ng tao, mas mahalaga pa ang reputasyon niya kaysa sa bawat isa sa inyo."

Mahinahon na nag-click ang mga dila ng ilan sa mga baguhan sa pagkadismaya. Sobrang makapangyarihan ng Ye family, pero hindi nila inasahan na kahit ang housekeeper nila ay malaki rin ang impluwensya.

Kakaiba na nasa mataas na antas ang isang hamak na housekeeper.

Napansin ng ilan sa mga taong nandoon kung gaano kalakas ang kapangyarihan ng Ye family kaya naging maingat ang mga tao sa ipapakita nilang pag-uugali.

Sa sandaling iyon, Si Ye Shao Ting, Liang Wan Jun at Ye Mu Fan ay pumasok sa loob ng asyenda at dahan dahan na naglakad sila papalapit kay Huang Ming Kun.

"Housekeeper Huang, dalhin mo ako kung nasaan si papa, gusto ko siyang makita," ngumiti si Ye Shao Ting kay Huang Ming Kun.

Nang marinig ito ni Huang Ming Kun, napatigil siya sa pagbati sa ibang mga bisita at patagilid niyang tiningnan si Ye Shao Ting. May kakaibang tingin sa kanyang mga mata na para bang walang kwenta ang kausap niya, "Nagpapalit pa si Old master, pasensya na pero hindi ngayon ang tamang oras para makita mo siya first young master…"

Pagkasabi niya ng "first young master" maririnig pambabastos sa kanyang sinabi, ansakit nitong mapakinggan na para bang tinutusok ng bawat salita ang tenga.

May ilang mga may gulang na kalalakihan ang nakatayo sa harap ni Huang Ming Kun. Nang marinig nila ang sinabi ni housekeeper Huang, napatingin sila sa pamilya ng tatlo at tinitigan din nila ang nakakaawang damit ng mga ito. Makikita ang pangangasar sa kanilang tingin habang umiiling sila at pasikreto pang tumatawa.

Ang lahat ng noo'y mga makapangyarihang mga leaders ng Ye Group ay alam ang pagkamatay ng pangalang Ye Shao Ting bilang tigapamana na kahit si Huang Ming Kun ay hindi nagpakita ng respeto sa kanya.

Ang tatlong salita na "first young master" ay katumbas ng pamamahiya.

Biglang nag-iba ang itsura ni Ye Mu Fan. Tiningnan niya si Huang Ming Kun, na ginagamit ang kapangyarihan niya para laiitin siya. Humigpit ang parehas niyang mga kamay na nakapatong sa gilid niya.

Gusto niya sanang magsalita sa kanila pero napatigil siya dahil kay Liang Wan Jun na nakasimangot, umiiling ang kanyang ulo kay Ye Mu Fan.

Ang mga mata ni Ye Mu Fan ay nakatitig lamang kay Huang Ming Kun; mahigpit ang kanyang kamao na halos pumitik ang mga joints nito. Kung hindi dahil kay si Ye Shao Ting, na nakapansin sa kahalagahan ni housekeeper Huang, mapapanatili niya pa rin kaya ang mataas na posisyon hanggang ngayon?!

Noong bumagsak ang tatay ni Ye Mu Fan, Pinahihirapan na siya ni Huang Ming Kun kahit isa siya sa mga tinulungan ni Ye Mu Fan noon!

Habang nakakanerbyos ang pakiramdam sa paligid nila, biglang may boses na sumigaw.

"Long time no see, housekeeper Huang!"

Si Liang Jian Hao at Fang Xiu Mim, kasama ang kanilang anak na si Liang Shi Han ay dumating rin sa selebrasyon.

"Mr. Liang!"

Nawala ang walang pakialam na itsura ni Huang Ming Kun nang makita niya si Liang Jia Hao at napangiti siya, mabilis na nagbago ang pakikitungo niya.

Si Liang Jia Hao ang nakababatang kapatid ni Liang Mei Xuan, parehas sila ng tatay pero iba ang kanilang mga nanay. Si Liang Mei Xuan ang asawa ng leader ng Ye Group kaya iba ang trato ng mga tao sa kanila. Si Huang Ming Kun ay nananatili pa rin sa kanyang posisyon hanggang ngayon dahil natural na marunong siyang magbigay ng maingat na panghuhusga sa ga tao.

Related Books

Popular novel hashtag