"Shi Han, bakit hindi mo binabati ang tito!" malugod na nakangiti si Fan Xiu Min sa kanyang anak na si Liang Shi Han.
"Hi po, tito Huang," humarap si Liang Shi Han kay Huang Ming Kun at ngumiti.
"Mabait na bata!" nanlalambot na natuwa si Huang Ming Kun. "Paganda ng paganda si Shi Han."
Biglang natuwa si Fang Xiu Min nang marinig niya iyon. Sinong mag-iisip na hindi maganda ang anak nilang babae?
Nagpatuloy na magsalta si Fan Xiu Min pero nang makita niya na andoon rin si Ye Shao Ting, mabilis na nawala ang ngiti sa kanyang labi. Nagtagpo ang kanyang kilay at nagtanong, "Bayaw, bakit ang aga mo dito?"
Tumingin si Ye Shao Ting kay fan Xu Min at sinabi, "Ngayon ang salu-salong kaarawan ng tatay ko. Naisip ko na baka mabagal ang traffic kaya maaga akong dumating."
Napangiwi ang mukha ni Fang Xiu Min nang marinig niya ito. Tiningnan niya sa ulo hanggang paa si Ye Shao Ting at naiinis niyang sinabi, "Bayaw, kung maaga kang dumating ngayon, sino naman ang mag-aasikaso sa opisina? Hindi ba ngayon darating ang ilang batch ng goods at dapat silang ilipat sa bodega mamaya. Umalis ka ng walang pasabi--paano kung may masamang mangyari?"
Matalas ang pananalita ni Fan Xiu Min, hindi na niya binigyan ng mukhang ihaharap si Ye Shao Ting sa mga tao.
Ang bawat salita niya ay narinig ng mga tao na malapit sa kanila kaya hindi maiwasang matawa ng mga tao. Mapanghusga nilang tiningnan si Ye Shao Ting na napapahiya sa sitwasyon na iyon.
"Walang mangyayaring masama, binigay ko na rin ang susi kay Xiao Zhang--tutulungan niya akong mag overtime…" pasensyosong sumagot si Ye Shao Ting.
"Inutusan mo pa si Xiao Zhang na gawin ang trabaho mo?" ngumisi si Fang Xiu Min.
"Bayaw! Madali lang para sa iyo na sabihin iyon? Alam naman ng lahat sa opisina na magka mag-anak tayo! Ginagamit mo ang posisyon na ito para sa pansarili mong ikauunlad. Kapag kumalat pa ang balitang ito, ang mga taong hindi alam ang sitwasyon ay mag-aakalang may paborito kami sa aming mga empleyado. Baka maisip nila na mabait kami sa mga kamag-anak namin kaya papahirapan namin ang ibang mga empleyado. Paano mo gugustuhin na ganito ang trato ni Jia Hao sa empleyado niya? Baka siraan pa ng mga tao si Jia Hao!" hindi na nahiya si Fang Xiu Min sa bawat salitang sinasabi niya.
"Babalik na lanag ako mamaya…" nagbuntong hininga si Ye Shao Ting.
"Anong punto kapag bumalik ka pa? Ilang oras ang sasayangin mo habang papunta ka doon? Kung may nangyari man, anong gagawin mo kung nakabalik ka? Hayaan mo na...swerte talaga kami kasi "bayaw" ka namin. Andito ka naman na kaya hayaan mo na!" Naiiritang winagaywag ni Fang Xiu Min ang kanyang kamay. Kahit sinabi niya na "hayaan mo na" masakit iyon sa damdamin ni Ye Shao Ting.
Nadudugyutan na tumingin si Liang Shi Han kay Ye Shao Ting dahil sa sinabi ng nanay niya.
"Tama na yan!" humarap si Liang Jia Hao kay Fang Xiu Min, "Hindi niyo na alam kung ano ang okasyon ngayong araw at kung sinong mga tao ang bisita dito? Nakakahiya na nag-aaway kayo ng ganyan sa lugar na ito!"
"Ano… iniisip ko lang ang nakabubuti para sa kumpanya natin. Hindi madali na tayo ang namamalakad sa kumpanya, naisip ko na ginawa natin ang tamang desisyon para makatulong na pagkalooban ang kapatid mo at kay bayaw, sinong mag-aakala na bibigyan pa natin ng trabaho si bayaw…" tinikom ni Fang Xiu Min ang kanyang labi na para bang marami siyang dinaanan na hirap.
"Dad, tama po si mommy. Nagsasalita lang siya para sa pamilya natin, bakit pumapanig ka sa mga tagalabas?!" nagsalita si Liang Shi Han para kay Fang Xiu Min.
Halos pumangit ang itsura ni Huang Ming Kun habang nakikinig siya sa isang gilid. Makikita ang bakas ng pangungutya sa kanyang mga mata nang ngumisi siya:
"'Wag mong sisihin ang asawa mo Mr. Liang--direkta lang siyang magsalita at wala namang mali sa sinabi niya."
Naiinis si Liang Jian Hao pero ngumiti na lang siya, wala na siyang masabi. Naipit siya sa gitna nila--sa isang panig ay ang kanyang pamilya at sa kabila naman ay ang kanyang ate. Wala siyang kibo dahil totoo ngang nasa mahirap na sitwasyon siya.
Binalot ng galit ang puso ni Ye Mu Fan nang makita niyang inaasar ng mga taong ito ang kanyang tatay. Kung hindi lang pambabawal sa kanya ng kanyang nanay, kanina niya pa pinag-su-suntok ang nakakasukang mga mukha ng mga taong ito.