Chereads / Perfect Secret Love: The Bad New Wife is a Little Sweet (Tagalog) / Chapter 321 - Hindi niya matigil ang pagkunsinti

Chapter 321 - Hindi niya matigil ang pagkunsinti

Inangat ni Ye Wan Wan ang kaniyang laptop gamit ang isang kamay at pumaibabaw kay Si Ye Han, at niyakap niya. "Ahhhh! Teacher Si, mahal na mahal kita! Nakakuha ako ng mataas na marka! Mataas! Ang bayad sa pagtuturo ni Teacher Si ay isang maganda at tapat na kasunduan! Eh? Bakit hindi ka nagulat kahit onti--patago mo bang sinilip ang resulta ko bago ko pa ito makita?"

"Sa tingin mo ba… may kailangan para diyan?" Inunat ni Si Ye Han ang kaniyang kamay at hinila niya siya sa kaniyang bisig nang may itsura na tila may ibig sabihin "kailangan ko pa bang tignan ang resulta kahit na ako ang teacher".

Marahil nahawa na si Si Ye Han sa paggiging masiyahin ni Ye Wan Wan, mas sumigla pa ang kaniyang itsura kaysa sa nakagawian.

Paulit-ulit na sumangayon si Ye Wan Wan, "Oo oo oo! Hindi na kailangan!"

Matapos niyang makita ang kaniyang resulta, hindi mapakalma ni Ye Wan Wan sa sobrang saya ang kaniyang puso.

Sobrang saya ko…

Ito ang kaniyang unang beses na nakaramdam siya ng kasiyahan simula ng siya'y ipanganak muli...

Nasa tamang landas siya ng kaniyang career, naibalik niya ang bahay at naka puntos rin siya ng mahusay sa kaniyang exams...

Sa wakas...

Sa wakas makakabalik na ako sa bahay...

Nakalaan na ang salu-salo para sa kaarawan ng kaniyang lolo, maaari niyang kuning pagkakataon ito upang bumisita.

Hindi lamang sa napalitan siya kasama ng kaniyang magulang, ngunit pati ang relasyon niya sa kaniyang lolo ay talagang hindi rin maganda. Sa kaniyang dating buhay, nagpapakita siya suot-suot ang kaniyang nakakainis na makeup at outfit, upang magdulot sa lahat na tratuhing isang biro lang ang mga Ye, na ikinagalit naman ng kaniyang lolo.

At saka, habang nasa salu-salo ng kaniyang lolo, ibinalita ni Gu Yue Zu sa publiko ang pagpapawalang bisa ng kanilang engagement at inihayag niya rin ang balita ng kaniyang pagpapakasal kay Ye Yiyi.

Dahil sa pang-iinis ni Ye Yiyi, nawalan siya ng kontrol at gumawa ng eksena. Hindi lang sa lubusan niyang ipinahiya ang kaniyang magulang, naapi niya rin ang kaniyang lolo at sinira ang sarili niyang reputasyon.

Ang malala pa doon ay para lang makita si Gu Yue Ze sa birthday banquet, kalahating buwan siyang umarteng mabait at sa wakas pinayagan din siyang umalis ng bahay. Matapos magdulot ng gulong katulad niyon, minsan ulit siyang pinahirapan ni Si Ye Han...

Sa buhay na ito, hindi niya hahayaan ang mga taong iyon na pagtawanan ang kaniyang magulang sa harap ng maraming tao, hindi niya itutulak palayo ang kaniyang lolo at lola at hindi niya hahayaan na makuha ni Gu Yue Ze ang kaniyang gusto.

Kung hindi niya sisirain ang bastardong iyon, si Gu Yue Ze, kung ganon ang apelyido niya ay hindi Ye!

Kukunin niya ang pagkakataon na ito upang makuha ng lubos ang tiwala ni Si Ye Han...

"Kaya mo palang gawing matalino ang walang alam na katulad ko, teacher Si; may kakayahan kang hawakan ang isang bato at gawin itong ginto, palitan ang bagay na sira at gawing kakaiba. Salamat sa iyong abala, hayaan mong bigyan ka ng isang masahe ng iyong estudyante~" talagang napaka-sweet ni Ye Wan Wan ngayon.

Kahit na nakuha na niya ang kaniyang kalayaan sa buhay na ito at nagagawa ng makadalo sa birthday banquet, hindi pa din siya tumitigil sa araw-araw niyang pagkukunsinti.

Naramdaman ni Si Ye Han ang banayad na maliit na kamay sa kaniyang balikat at tumingin sa gilid na may pagka emosyonal na para bang hindi niya nakikita ang intensyon nito.

Nang gabing iyon.

Nakaharap si Xu Yi sa kaniyang master, na mukhang nalilito.

"Nakontak?" malamyang tinanong ng lalaki sa kanyang walang bahalang itsura.

Agad na sumagot si Xu Yi, "Opo, kinumpirma na ni great master Mei. Gagamitin niya ang pangalan ni Ms. Wan Wan upang dumalo sa birthday banquet at batiin si Ye Hong Wei."

Tila kalmado lang ang tono ni Xu Yi ngunit ang totoo ay para siyang ilog na kasalukuyang umaalon.

Napagkasunduan na hindi maaring lumabas ng Jin garden si Ye Wan Wan, at napagkasunduan din na hindi maaring makausap ang kaniyang pamilya...

Hindi na bale na isa-isa masira ang patakaran; ngayon siya ay sinusuportahan na? Ano ang kaniyang iniisip?

Una palang maari na si Gu Yue Ze ay tiyak na nasa banquet, gusto niyang mag pasikat ng kaonti sa harapan ng kaniyang karibal?

Sa buong mundo kilalang iskolar sa sining ng chinese si Mei Jing Zhou at talagang napakatanyag--maliban kay master, walang kahit na sino sa Imperial City ang umimbita sa kaniya.

Heh, magimbita ng national treasure sa ganitong lebel ng banquet? Hindi rin makakayang pamahalaan ang lugar na ito....

Kalimutan mo na, kalimutan mo na iyon, hangga't walang ginagawang katawa-tawa si Ye Wan Wan kapag nakita niya si Gu Yue Ze, ayos lang iyon kahit na hindi na kayang pamahalaan ng langit iyon!

...