Chapter 322 - Tapos ka na tumigin?

Makalipas ang ilang araw.

Lumabas na ang resulta ng pagpasok sa kolehiyo at natuwa si Ye Wan Wan dahil nakapasok siya sa Imperial Media. At ngayong araw din ang handaan para sa kaarawan ng kanyang lolo.

Bago pa man siya umalis galing sa trabaho ay nagtext siya kay Si Ye Han: "Mahal, may handaan para sa kaarawan ni lolo at kailangan nandoon ako. Huwag mo na akong hintayin para maghapunan, muah!"

Masyado siyang naging abala simula umaga hangang gabi para sa pagganap ni Luo Chen sa pelikulang "Terrifying Dragon 2" dahilan upang hindi siya makabili ng regalo. Nagmadaling bumalik si Ye Wan Wan sa dorm ng mga staff, nag makeup muli, nagpalit ng outfit at pagkatapos ay dumiretso na siya sa mga tindahan ng mga antigong bagay.

Hindi gaanong kalakihan ang sahod niya, kaya hindi niya kayang bumili ng mamahaling regalo at kaya kailangan espesyal ang regalo niya ngunit pasok sa budget.

Nakahilera ang mga maliit at malaking tindahan sa kalye ng mga antigong bagay. Kakaiba ang dating ng lugar na para bang pumasok siya sa ibang mundo.

Sinuyod ng kanyang mata ang mga tindahan. Kumunot ang kanyang mga kilay sa pagtingin sa mga tindahan.

Isang lalaking nakasuot ng sira sirang denim na pantalon ay sumandal sa isang tindahan at pinandilatan si Ye Wan Wan. Tinitignan niya si Ye Wan Wan ng lantaran at walang balak ilihim ang tingin.

Upang makatipid sa oras, Suot na ni Ye Wan Wan ang damit ng gagamitin niya sa handaan at nakaagaw ito ng atensyon ng madaming tao. Subalit, kakaiba ang tingin ng lalaki sa kanya.

Hindi ito tulad ng pagtingin ng lalaki sa babae, subalit… ang tingin nito sa kanya… parang kilala niya si Ye Wan Wan...

Tamad ang dating ng lalaki at malaki ang ngiti niya ng magtagpo ang mata nila ni Ye Wan Wan.

Naglakad palapit si Ye Wan Wan sa lalaki at tinitigan siya at nagtanong, "Tapos ka na tumingin?".

Biglang natawa ang lalaki. "Parang pamilyar ang itsura mo, parang nakita na kita dati. "

Matapos marinig ang sinabi ng lalaki, napatawa si Ye Wan Wan. Hindi ba't matanda na itong mga linyahang ito?

"Binibini, Hindi pa ako nakakabenta ngayong araw. Mahirap kumita; tulungan mo naman ako!" Pinakita ng lalaki ang kanyang mga binebenta sa kanyang tindahan.

Matapos malamang hindi niya kilala ang lalaki, hindi na siya nagsayang ng oras at tumalikod, paalis na siya.

"Eh, Huwag kang umalis, hindi ordinaryo ang mga tinda ko. Kahit na hindi ka bibili, magtingin ka na!" Nang makita nitong paalis na si Ye Wan Wan, kinuha niya ang atensyon nito.

Tumalikod si Ye Wan Wan at tinignan ang mga tinda ng lalaki.

Sa isang iglap, napahinto si Ye Wan Wan sa pag-alis.

Magkakaiba ang hugis ng tinda ng lalaki. Hindi maliliit na anting anting at antigong babasagin, ito'y mga iba ibang sining na gawa sa solidong materyal.

"Ano ito?" Naintriga si Ye Wan Wan sa mga inukit na bagay at itinuro ang isang puting kahon.

Nang makitang interesado si Ye Wan Wan sa mga tinda niya, nawala ang katamaran sa mata ng lalaki at naging masigla. "Binibini, magaling kang pumili, sabi ko na pambihira ka.Sigurado ako, alam mo ang mga bagay na ganito!" ang taas noong sabi ng lalaki.

Bumwelo siya at sinabing, "Ito ay isang snow wolf na pinatay ko noong ako'y magisang naglalakabay sa hilaga noong nakaraang taon. Ginamit ko ang buto nito sa binti upang magawa ang magandang kahon na ito. Ito'y mapagmataas, bagay sa iyo.Maitataboy mo ang kasamaan kung ito'y ilalagay mo sa iyong bahay.

Ye Wan Wan: "..."

Naglakbay sa hilaga, at naghanap ng snow wolf… ginamit ang binti nito upang gawin ang kahong ito?!

Sumusobra na ang panglolokong ito. Bakit hindi mo na lang sabihin na gawa ito sa bungo ng leon noong nangaso ka sa hilaga?

Pinigilang humalakhak ni Ye Wan Wan at nagturo ng isa pang magandang tignan na gamit at nagtanong, "Ito naman?".

"Magaling kang pumili! Ito naman ay gawa sa bungo ng isang matandang leon sa bulubundukin ng South America. Ito'y nahuli ko mismo gamit ang aking mga kamay" nagmamalaking sinabi ng lalaki.

Ye Wan Wan: "..."