Chapter 255 - Makikipag kasunduan

Binalot ang paligid ng meeting room ng kakaibang simoy dahil sa pagdating ng hindi kilalang lalaki.

"Sino ka ba talaga? Hindi kayang ayusin ng public relations ng Worldwide ang kasong ito, sino ka para sabihin na kaya mong baguhin ang pananaw ng publiko kay Han Xian Yu?"

"Bro, 'wag kang magsalita ng ganyang kung hindi mo ginagamit ang utak mo!"

"Hindi importante sa ngayon ang reputasyon ni Han Xian Yu. Ang pagdawit ng kasong ito ng reputasyon ng Worldwide Entertainment ang pinakaimportante sa ngayon…"

Ang iba sa mga top management ng Worldwide Entertainment ay mapanghusagang tinitingnan ang binata ng mula ulo hanggang paa.

"Chairman Chu, 'wag kang makinig sa mabulaklak na pananalita ng lalaking 'yan. Malamang espiya siya ni Emperor Sky, sikretong inaalam ang mga impormasyon natin!" Napatayo si Zhou Wen Bin.

Binalot ng lamig ang mga mata ni Chu Hong Guang nang marinig niya ang sinabi ni Zhou Wen Bin.

Alam ng lahat na magkaribal ang Emperor Sky Entertainment at Worldwide Entertainment. Maaaring totoo na naglalagay ng espiya ang Emperor Sky sa Worlwide, dahil malaki ang naging epekto ng insidente ni Han Xian Yu sa kumpanya.

"Espiya?" Ngumisi ang binata at natawa habang tinitingnan si Zhou Wen Bin, "Nahihirapan akong mag-isip kung bakit nakasama ka sa board meeting ng Worldwide Entertainment kung ganyang lang ang kalidad ng utak mo."

Nasindak at nanlaki ang mga mata ni Zhou Wen Bin, bigla siyang napasigaw, "G*g*, anong sinabi mo?!"

"Anong bang sinabi ko?" nagkibit balikat ang binata, "Narinig naman ng lahat na tinawag kitang t*nga."

"Ikaw…" naging kasindak-sindak ang mukha ni Zhou Wen Bin.

Itong pasaway na ito, bigla na lang sumulpot at sumugod sa meeting room tapos nagmamayabang pa na tinawag akong t*nga sa harap ng mga superiors at managers ko?!

"Guard! Guard!!!" biglang sumigaw si Zhou Wen Bin, "Ilabas niyo ang basura na yan!"

Mabilis na pinalibutan ng mga gwardya ang binata nang marinig nila ang galit na sumisigaw na galing sa meeting room.

"Bakit nakatayo lang kayo diyan? Hindi niyo ba narinig ang inutos ko?!" tumingin si Zhou Bin sa mga gwardya.

"Uh…" umiling ang ulo ng binata. Hindi niya tiningnan si Zhou Wen Bin na maingay, kundi ang mata niya ay dumerekta sa boss ng kumpanyang iyon, si Chu Hong Guang na nakaupo sa pinakamahalagang upuan.

"Sabi nila na ang chairman ng Worldwide Entertainment na si Chu ay may pambihirang lakas ng loob, nakakaawa dahil sabi-sabi lang pala ito. Isang hindi kilalang manager pala ang namumuno sa mga board meetings. Mas naliwanagan na ang utak ko ngayong araw." Ngiti na walang pakialam ang bumalot sa magandang mukha ng binata.

Hindi kilala? Muntik nang mamatay sa sobrang galit si Zhou Wen Bin.

Kumunot si Chu Hong Guang. Tumingin muna siya kay Zhou Wen Bin bago lumipat sa mga security guards, iniutos niya, "Umalis kayong lahat!"

Pagkaalis ng mga gwardya, kinaskas ni Zhou Wen Bin ang kanyang ngipin sa sobrang galit, "Chairman Chu, ang lalaking ito ay…"

Ngunit, kinaway ni Chu Hong Guang ang kanyang kamay at umentra sa sinasabi niya bago pa ito matapos.

Tinago ni Zhou Wen Bin ang kanyang galit nang makita niya ang pagkainis sa mga mata ni Chu Hong Guang.

Gumulo ang isip niya dahil ginalit siya ng mokong na binata. Kung hindi, hindi niya susubukin tawagin ang mga gwardya at bastusin ang nakatataas sa kanya.

"Chairman Chu, sa tingin mo, magpapadala ba ang Emperor Sky ng espiya para manguha ng impormasyon habang ganito ang sitwasyon ng Worldwide Entertainment?" sagot ng binata.

Nag isip-isip si Chu Hong Guang ngunit hindi siya nakasagot sa tanong.

Tulad nga ng sinabi ng binatang ito--- imposible na magiging swerte pa ang Worldwide Entertainment dahil alam ng lahat ang sitwasyon nila ngayon, kaya hindi mag-aabala ang Emperor Sky na magpadala ng espiya sa kanila.

"Anong pangalan mo iho? Ano ang maipapayo mo para sa Worldwide Entertainment?" simpleng nagtanong si Chu Hong Guang.

"Ang iyong lingkod ay nagngangalang Ye Bai. Hindi ko masasabi ang aking motibo…" mabilis na nawala ang ngiti ng binata. "Andito ako para makipag kasunduan sa inyong kumpanya; makikipag kasunduan akong ipaglaban na inosente si Han Xian Yu para mawala ang lahat ng negatibong naidulot nito sa Worldwide Entertainment."