Matapos ipadala ang mensahe, ibinalik na ni Ye Wan Wan ang love letter at tumutok na sa pagaaral.
Samantala sa Jin garden naman, nagkakagulo ang lahat.
Galit na galit at nagwawala ang lalaki sa sofa. Ang mga mata niya ay nandidilim sa galit. Patuloy na nagdugo ang mga daliri niya sa kakahampas ng baso at mesa sa sahig. Nabalot ng galit at dilim ang malaking silid.
Nanginginig sa takot ang mga katulong at piniling magtago. Wala man lang sa kanila ang nakayanang makahinga ng maayos.
Umuwi si Xu Yi habang basang-basa ng pawis. Inunat ang likod at tumambad sa tabi ng lalaking nagwawala. Nakita niya ang sirang phone sa sahig, at ang mukha ng desperado at galit na galit.
Maganda pa naman ang kalidad ng nasirang phone at kahit sira na ang screen nito, kita pa rin ang larawan ng love letter.
Damn, sabi na nga ba mangyayari ito!
Baliw pa rin ang babaeng 'yun kay Gu. Wala siyang pakialm kahit iniwan na siya sa altar ng lalaking 'yun. Pero paano niya nagawang magbago ng desisyon, ang manatiling masaya sa tabi ni master?
Hindi ba 'to pagsisinungaling kay master at sa kabilang banda ang paghahabol niya kay Gu Yue Ze?
Nagawa pa niyang magsulat ng love letter ha!
Hindi na siya nahiya!
May tula pang mababasa sa love letter na sinasabing, handa siyang maging kulyar ng kanyang damit para manatili sa kanya ang kanyang aroma, handa siyang maging sinturon para mayakap siya, handa rin siyang maging langis para mabasa ang itim niyang buhok...
Baliw na 'to sa mga kanta tungkol sa pagibig!
Hindi na nakakapagtakang galit na galit si master!
Matigas ang ulo ng babaeng 'yun. Pero bakit pa rin niya hinahayaan? Tratuhin niya aso 'yun, mas magiging okay pa.
Nasisiraan na nga siguro ng ulo si Master. Naloko lang siya g babaening 'yun.
Sa mga oras na 'yun, naging mandilim ang mukha ng lalaki. Ang nagwawalang halimaw ay lalong nagngingitngit sa galit na animo'y nakawala sa kweba.
Wan Wan...
Sinabi ka na noon pa...
Huling pagkakataon mo na ito...
Ito na ang huli na pagkakatiwalaan pa kita...
"Pabalikin mo siya dito," mula sa mahina at seryosong tinig ng lalaki.
Natakot si Xu Yi sa malamig na ekspresyon ng lalaki at mabilis na sumagot, "Opo! Ipapadala ko mga tao ko para kunin siya!"
Mabilis na umalis ang mga pinaandar na itim na sasakyan mula sa Jin Garden at nabalot na nang katahimikan ang lugar.
Sa sala naman, ang lahat ng mga katulong ay nanatiling tahimik at hindi mapakali.
Mula nang pumasok ang babaeng 'yun sa Jin Garden, wala ni isang katahimikang nangyari sa kanila. Nagulo lalo ang Jin Garden.
Walang kibo na similip sa bintana ng kotse si Xu Yi. Lingid sa kaalaman niya, may nagbabadya pa ring isang malaking gulo...
Ano kayang gagawin ng babaeng 'yun kapag kinuha ulit siya pabalik dito!
Kapag nangyari 'yun, ang mga tao ko naman ang pinakamahihirapan...
"Ding--"
Nung oras na 'yun, biglang tumunog ang sirang phone sa sahig at nagliwanag ang screen nito.
Kinuha ni Xu Yi ang phone para tingnan ang mensahe at pinilit na basahin ang laman nito.
Bakit itong love letter na naman?
Ngayon naman ay larawan lang ng love letter.
Naguguluhan pa rin si Xu Yi haggang sa mabasa niya kung kanina galing ang mensahe. Agad niya itong ikinagulat. Ang mensahe ay hindi galing kay Shen Meng Qi...kundi kay Ye Wan Wan!!!
Ano… Anong ibigsabihin nito?
Posible kaya na ang love letter na 'yun ay hindi para kay Gu Yue Ze, kundi isinulat ni Ye Wan Wan 'yun... para kay master?!
Damn!!! Lagot na!