Chapter 25 - Pagkain para sa isipan

Paanong...Paano nangyari 'to?

Binasa ni Xu Yi ang mensahe at nabigla siya sa nabasa niya.

Naaalala niya ang laman ng tulang binasa niya kanina at hanggang ngayon ay naiisip pa rin niya.

"Ito…" hindi na nakapagsalita pa si Xu Yi.

Hindi 'to kapani-paniwala!

Ang love letter na isinulat ni Ye Wan Wan ay hindi para sa ibang lalaki, kundi para kay master?

Ang kakaibang ekspresyon ni Xu Yi, nakatawag ng pansin ni Si Ye Han. "Akin na 'yan.", sabi ng malalim at seryosong boses niya.

Mula sa malamig na ekspresyon ng mukha ni Si Ye Han, hindi nagatubiling ibinigay ni Xu Yi ang sirang phone.

Mariing hinawakan ng lalaki ang phone, nanahimik sandali at sinumulang basahin ang mensahe mula sa sirang screen nito.

Isang larawang ulit ng love letter na may kasamang mensahe at nasimula na namang magpangitngit ng galit niya.

Nanliit ang mga mata ng lalaki at sa mga oras na iyon ay nabasa ang pangngalan ng nagpadala ng mensahe. Si Wan Wan!

Wan… Wan..

Nang makita ang pangngalan ng nagpadala, nabigla ang lalaki at halatang nagulat sa nabasa.

Ang mensaheng 'to...

Pinadala ni Ye Wan Wan?

Nanigas ang kanyang mga daliri at napansing hindi lang love letter ang ipanadala sa mensahe. Sa baba ng letter ay may hugi pusong emoticon.

Ang sulat na ebidensya sana na patungkol sa panloloko ni Ye Wan Wan sa kanya, na ang love letter na 'yun na akala niya ay para kay Gu Yue Ze...

Para pala sa kanya!

Handa akong maging kulyar ng iyong damit para manatili sa akin ang iyong aroma, handa akong maging sinturon para mayakap ka, handa rin akong maging langis para mabasa ang itim mong buhok...

Natuliro ang lalaki. Isang bagong mensahe ang dumating,

[9th master, 9th master, bakit hindi ka sumagot? Hindi mo ba nagustuhan ang tula ko? Gusto kong purihin mo ako, bigyan mo ako ng halik]

Ang mga katulong na napuno ng takot ay naiwang nagtitinginan at maintindihan ang nangyayari. Hindi nila naintindihan kung bakit ang master nila na nagwala na parang leyon at sinira ang lahat ng kagamitan ay biglang nanahimik. Tinitigan lang niya ang phone at nagulumihanan sa nararamdaman at pilit na iniintindi ang nangyari.

Si Xu Yi naman na hindi maintindihan ang inasal ni Si Ye Han ay nagsimulang magsalita at tanungin ang kanyang master, "9th master, okay ka…"

Si Ye Han: "Tahimik."

Agad na tumahimik si Xu Yi.

Patuloy lang na tinitigan ni Si Ye Han ang phone niya at seryoso ang ekspresyon ng kanyang mukha habang pinipindot ng daliri niya ang nabiyak na screen ng phone niya.

Nanliit ng mata ang lalaki habang ang screen ay hindi umaayos dahil sa biyak nito.

Nabalot ng pagtataka si Xu Yi. Maingat na sumilip.

Halos pikit mata na siyang sumilip...

Nagpadala ng bago at malambing na mensahe si Ye Wan Wan na halos hindi na niya mabasa pa at ang nakita na lang niya ang mensahe ng master niya: [Good].

Sa huling mensahe niya, nakalagay ang halik na emoticon. Nabasa ni Xu Yi ang mensahe, "..."

Hindi niya maiisip na kayang makapagdala ng ganung klaseng mensahe ang kanyang master...

Sa pagkagulat niya, nagsalita ang lalaki sa tila masigla ngunit mababang boses na parang tinatamad, "Sabihan mo silang bumalik dito."

Ang tono ng boses niya ay para hindi lang bumaba kundi tila panatag na. Paulit-ulit niyang binasa ang tula at halata sa mukha ang saya niya.

"Uhm, sige po!" Agad na tinawagan ni Xu Yi ang mga tao niya at sinabihang bumalik na.

Ang tila nakakabaliw na inaasahang bagyo ang ganun na lamang kasimple na nawala?!