Narinig lahat ni Ye Wan Wan na pinaguusapan siya at karamihan sa pinaguusapan ay mga bagay na ayaw na niyang maalala pa habang
Naglalakad patungo sa klase niya.
Pagbukas niya ng pinto, isang weird na katahimikan lamang ang bumalot sa silid. Maya-maya'y biglang nagkagulo ang lahat at nagsimulang mag-ingay at maghiyawan.
Lahat ay nagwawala.
Malinaw lang na payaso ang turing ng mga kaklase niya sa kanya kapag nababagot sila.
Hindi sila binigo ni Ye Wan Wan.
"Hahaha wow! Ang ganda ng buhok mo, Ye Wan Wan!"
"Tama tama tama, mas okay pa kaysa sa sabog mong buhok nung isang araw!"
Patuloy lang siyang pinagtatawanan ng mga kaklase niyang lalaki at ang mga babae naman ay yamot at inis na tinitigan siya.
"Bakit sobrang ingay?! Manahimik kayo, kayong lahat! Hindi niyo ba narinig 'yung bell?", galit na boses ng guro nila na mula sa may pintuan.
"Ikaw na naman, Ye Wan Wan! Ikaw...tiningnan mo ba sarili mo sa salamin? Bilis, umupo ka na dun!" Halata sa hitsura ng guro na sasabog na siya sa galit nang makita ang suot na berdeng peluka ni Ye Wan Wan--gusto niya pang pagalitan si Ye Wan Wan pero mas pinili na lang niyang bumalik sa mesa niya nang hindi inaasahan.
Sigurado namang magda-drop out na ang mga estudyanteng 'to--hindi ko sasayangin ang lakas ko sa kanila.
Lumingon-lingon si Ye Wan Wan sa loob ng silid. Alam niya pa rin kung saan ang upuan at pwesto niya.
Lahat ng mga upuan sa bawat klase ay nakaayos, alam niyang lagi siyang una sa upuan mula sa likod ng silid nila. Ibigsabihn, siya ang nakaupo sa pinakahulihan ng hilera sa likod.
Sa hulihang pwesto malapit sa may bintana may nakaupong lalaki na nakahilata sa upuan.
Magulo ang buhok niya at may nakasalpak na earphones sa tenga at nanatili lang na nakahilata sa mesa ng upuan niya. Sumikat ang araw at tumama ang sinag nito sa mukha ng binata na lalong nagpatingkad sa mukha niya na nagmukhang modelo ng isang fashion maagazine.
Siya si Xia, kilalang hayskul hunk ng Qing He.
Manigarilyo, makipagaway, at lumiban sa klase--kabisado niyang lahat gawin. Bumabagsak din siya klase pero dahil gwapo at galing sa mayamang pamilya, siguradong sa kanya pa rin ang titulo ng pagiging school hunk.
Habang naririnig ang mga yabag na papunta malapit sa kanya, iminulat ng bata ang mga mata niya at yamot na sumigaw, "Lumayas ka nga!"
Ang ilan sa mga estudyanteng, lalo na ang mga babae, ngumisi lamang sa nakita.
Matagal nang pinapantasya ng mga estudyanteng babaeng ito ang itinuturing nilang Royal Highness na natutulog pero ngayon nagising na sa kagagawan ni Ye Wan Wan.
Anong karapatan ng pangit na babaeng ito na makihati sa mesa ni Si Xia?!
Pero ang gwapo-gwapo pa rin niya talaga kahit galit at naninigaw na ng tao!
Bago siya muling mabuhay, kahit na makapal ang makeup sa labas ng anyo niya, sa kalooban naman niya ay isa siyang simpleng babae. Mababa ang tingin sa sarili at malungkutin.
Dati, pagkatapos siyang sigawan ni Si Xia, susunod lamang si Ye Wan Wan at uupo sa sirang upuan malapit sa basurahan.
Ngayon, matapos siyang sigawan ng binata, nanatiling nakatindig na si Ye Wan Wan. Bahagyang ngumiti siya, tiningnan ang binata at walang pakialam na umupo sa upuan na parang walang narinig.
Lalong nagngitngit sa galit ang binata, "Gusto mong mamatay? Ang sabi ko lumayas ka!"
Inilagay lang ni Ye Wan Wan ang school bag niya sa ilalim ng mesa na parang walang nangyari, inilabas ang kanyang mga libro at pencil case, at tiningnan ang mga mata ng lalaki, "Ang pwesto ko talaga ay nasa unahan ng pinakahuling hilera ng mga upuan natin, ito ang tamang upuan ko. Sino ka para palayasin ako?"
Natahimik lamang si Si Xia: "..."
Gayun din ang lahat ng mga estudyante sa klase: "..."
Maging ang kanilang guro, natahimik din at nabigla.