Gayunpaman, tulad ng dati, walang tinatago si Si Ye Han sa kanya.
Sa kumpidensyal na bagay at kahit na sa mga pinakatatago niyang sikreto; ang kwarto niya; ang pinakaimportante niyang study at ang kanyang darkroom, ay nalakahad sa harap ni Ye Wan Wan.
Pero naiintindihan ni Ye Wan Wan kung bakit.
Mayroon bang nag-iingat sa sarili niyang pusa, aso o ibon? Syempre wala.
Sumulyap si Qin Ruo Xi kay Ye Wan Wan, at panandalian siyang nanahimik pero sa huli, wala na lang siyang sinabi. Inumpisahan niya na ibalita ang mga detalye kay Si Ye Han.
Sa tahimik na study, rinig lang ang klarong boses ni Qin Ruo Xi at ilang mga salita kay Si Ye Han.
Iniwan ni Ye Wan Wan ang dalawa at inumpisahan niya na ang kanyang takdang aralin.
Sa patong patong niyang takdang aralin sa math, wala na siyang oras mag-isip pa ng ibang bagay.
Maya-maya, isang malakas na "dong" ang gumambala sa katahimikan.
Inangat nila Qin Ruo Xi at Si Ye Han ang tingin nila kay Ye Wan Wan.
Nakita nila ang ulo ni Ye Wan Wan sa may mesa, na may worksheet na nakapagitna sa kanila.
Maluha-luhang tinignan ni Ye Wan Wan ang kanyang math worksheet, tinignan niya ang papel na para bang pinatay nito ang tatay niya.
Matapos ang tahimik na sandali, kinurot ni Si Ye Han ang kanyang kilay at sinabi kay Qin Ruo Xi na tumigil muna. Tumayo siya at naglakad patungo kay Ye Wan Wan.
Pumunta si Si Ye Han sa gilid niya, "Anong tanong?"
Nagulat si Ye Wan Wan at pinilit niyang inangat ang kanyang ulo, "Huh?"
"Anong tanong ang kailangan mo ng tulong?" ulit ni Si Ye Han at sabay na din ng paghaplos sa noo ni Ye Wan Wan nang nakasimangot.
Ikiniling ni Ye Wan Wan ang kanyang ulo at likas na sumagot, " Uh, question one, question two, question three, question four, question five, question six…"
Si Ye Han: "..."
Kumuha ng first-aid kit si Si Ye Han at nilagyan ng gamot ang namumula at namamagang noo ni Ye Wan Wan, tsaka ito nag-umpisang ipaliwanag ang mga tanong kay Ye Wan Wan.
Tuliro at gulat si Ye Wan Wan sa nakitang pagtulong sa kanya ni Si Ye Han, pero mabilis itong nabihag sa mga paliwanag ni Si Ye Han.
Matapos ang sampung minuto, Tinignan ni Ye Wan Wan si Si Ye Han ng may pagkamangha, na para bang may tumubong mga puting pakpak sa likod nito.
Hindi inakala ni Ye Wan Wan na matapos ang pagpaliwanag ni Si Ye Han sa mga formula at tanong, ay naging madali na lang ito para sa kanya.
Maya-maya, kalahating oras ang lumipas.
Si Qin Ruo Xi, na tahimik na nag-aantay sa may sofa ay nagsalita, "Ye Han…"
Inangat ni Si Ye Han ang tingin mula sa papel papunta kay Qin Ruo Xi, "Mauna ka nang bumalik."
Si Qin Ruo Xi, na nanatiling naging mahinahon, ay para bang may bumagabag sa kanya ng marinig niya ang sinabi ni Si Ye Han, "Pero yung isyu sa Shen City, kailangan nating…"
"Alam ko ang gagawin."
Lumungkot ang itsura ni Qin Ruo Xi ng pinutol ni Si Ye Han ang sinasabi niya, matapos ang ilang segundo, tumayo na siya at sabing, "Sige."
Umalis na si Qin Ruo Xi ng maligpit niya ang kanyang mga dokumento.
Gulat si Ye Wan Wan habang pinanood niyang umalis si Qin Ruo Xi.
Kung anuman ang sasabihin dapat ni Qin Ruo Xi ay importante. Sa katunayan, lahat ng hawak ni Qin Ruo Xi ay importante. Pero pinagpaliban muna ito ni Si Ye Han para lang tulangan siya sa kanyang takdang aralin?
Ito talaga… ang pag-akto ng isang malokong pinuno...
Nang napansin ni Si Ye Han na nagagambala si Ye Wan Wan, kinatok niya ang kamao sa mesa, "Naintindihan mo?"
"Ah? Hindi… Hindi! Pwedeng ulitin mo ulit, please?" dali-dali namang nagpokus si Ye Wan Wan kay Si Ye Han.
Kalimutan mo na, sinong may pake kung ano iniisip ni Si Ye Han? Stress pa rin ako sa math. Sa kakaibang oportunidad ngayon, kailangan kong kunin 'to.