Si Xu Yi na nag-aalala ay tumingin kay Si Ye Han. Sa huli, nakita niya ang kanyang master na walang pakialam sa nangyayari na para bang ordinaryong araw lamang ito.
Sabi sa isang kasabihan, "Kalmado ang emperor habang ang eunuch naman ay nababalisa."
Sa ilalim ng sumusubaybay na tingin ni Xu Yi at Liu Ying, sumagot si Ye Wan Wan, "Kumakain po ng buns. Bumili po ako ng buns sa isang tindahan na gumagawa ng masasarap na ganito, malapit sila sa entrance ng school at hindi mo ito makakalimutan sa sobrang sarap nito!"
Matagal na nanahimik si old madam sa kabilang linya ng tawag na para bang inoobserbahan niya ang laman ng sagot ni Ye Wan Wan. Sa ilang saglit, nakahinga na ng maayos ang matanda at nalulugod na sumagot, "Wan Wan gusto mo ng buns? Halika sa bahay ni lola minsan at gagawa ako niyan para sa iyo. Masasabi ko sayo na ang luto ko ay mas masarap pa diyan sa nabili niyo!"
Sabik na sumagot si Ye Wan Wan, "Salamat lola! Pwede ba akong pumunta diyan sa susunod na linggo?"
Lubhang sumaya si old madam, "Sure sure sure, Syempre pwede! Pwedeng pwede kang pumunta dito kahit anong oras pa; hindi makapaghintay si lola na makita ka!"
Natapos nang magsalita si lola at tinawag niya si Si Ye Han sa phone, "Little 9th!"
Mabilis na binalik ni Ye Wan Wan ang phone kay Si Ye Han.
Ngunit hindi hinawakan ni Si Ye Han ang phone at lumapit na lamang kung saan ang boses ni old madam sa phone, "Andito po ako."
"Dapat maging mabait ka little 9th kay Ye Wan Wan; huwag kang maging masama sa anak ng ibang tao! Pinapakita mo man ang nandidilim mong muha araw-araw pero hindi ka pwedeng maging ganoon sa iyong girlfriend. At saka, bata pa si Ye Wan Wan at lumalaki pa, nakakapagod sa katawan ang senior year kaya tulungan mo siyang ayusin ang kanyang kalusugan…"
"Alam ko."
"Tigil-tigilan mo ako sa pagsasabi ng alam mo na; kailangan mong palitan ang masama mong pag-uugali at ang pagiging mainitin ng ulo mo!"
Paulit-ulit na tumatango si Ye Wan Wan habang nakikinig kay lola. Lola, para na talaga kitang lola na tunay.
Ilang oras na pinag-sasabihan ng matanda si Si Ye Han, matapos niyang magsalita ibinaba na ng matanda ang kanyang tawag.
Muling nanahimik ang salas at sina Xu Yi at Liu Ying ay nakahinga na ng maayos.
Ang sakunang naisaayos dahil sa trial and error ni Ye Wan Wan.
Kung hindi dahil kay Ye Wan Wan, kahit na hindi aminin ni master ang nangyari; ang matanda ang patuloy pa ding magsususpetya sa kanya.
Hindi binago ni Ye Wan Wan ang boses niya simula nung una hanggang huling pagtawag ng old madam, kahit pa nahihirapan siya sa ganitong sitwasyon.
Posibleng meron siyang napakagaling na abilidad o baka t*nga lang siya… napakat*nga na baka retarded na siya...
Hindi na kailangang manghula, baka retarded nga siya.
Pagkatapos non, mabilis na nilinis ni Xu Yi at Liu Ying ang madugong paligid.
At mabilis din na bumalik sa normal ang lahat na para bang ilusyon lang ang madugong eksena na nangyari.
Huminahon na rin si Ye Wan Wan. Pumasa ako sa test ngayong gabi, 'di ba?
Tinago ko pa ang ginawa ni Si Ye Han at pinaniwalaan pa ako!
Pagkaalis ni Xu Yi at Liu Ying, sila Ye Wan Wan at Si Ye Han na lang ang natira sa kwarto.
"Bakit ka pumunta dito?" nagtanong si Si Ye Han habang nakatingin sa kanya.
Sagot ni Ye Wan Wan, "Yung roommate ko may date kaya naman naisip ko na puntahan kita! Oo nga pala, may bago akong roommate si Jiang Yan Ran."
Kinuha ni Ye Wan Wan ang oportunidad na sabihin kay Si Ye Han na hindi na siya mag-isang nakatira sa dormitoryo, "Kasama ko noon si Jiang Yan Ran sa luma kong dormroom, pero kasi nagkaroon ng hindi pagkakasama-sama doon at naging pangit ang pagkakaibigan namin sa isat-isa. May mga nangyari lang itong mga nakaraang araw kaya naman inayos namin itong dalawa ng magkasama!"
Halatang walang pakialam si Si Ye Han sa problema ng dalawang babae dahil nanahimik lamang siya.
Kaya naman, ikinwento ni Ye Wan Wan ang mga masamang pinaggagawa ni Shen Meng Qi, "Kahit na bestfriend ko si Meng Qi, sa palagay ko sumobra na siya ngayon. Bakit niya naman nanakawin ang lalaking gusto ng kanyang kaibigan? Dapat hindi mo hahayaang magpalandi ka doon!"