Chapter 145 - Para sa akin ba yan?

Matindi siyang tinititigan ni Si Ye Han na parang gulat na gulat siya at gamay na ni Ye Wan Wan ang ganitong sitwasyon.

Nakaramdam si Ye Wan Wan ng kaba habang nagdadaldal siya kay Si Ye Han at kaya naman iniba na niya ang pinag-uusapan nila.

Sa wakas, binanggit na ni Si Ye Han ang mga nangyari kanina at hindi naman siya nagsususpetya sa kakaibang pag-uugali ngayon ni Ye Wan Wan.

Hindi ko alam ang lahat ng nangyari kanina.

Kapag mas marami akong nalaman, mas delikado ang buhay ko.

Nagsalita si Ye Wan Wan hanggang sa matuyo ang kanyang laway at doon palang siya huminto sa pagdadaldal, "Ah, masyado na ata akong matagal dito? Babalik narin ako sa kwarto ko para magpahinga, kailangan pang magising ng maaga para pumunta ng eskwelahan!"

Matagal niyang tinitigan ang nanahimik na dalaga at lumipas ang ilang sandali, sinabi na ni Si Ye Han, "Sige, umuwi ka na."

Para siyang nakatanggap ng amnestiya pagkatapos siyang palayain ni Si Ye Han. Lumapit si Si Ye Han para halikan siya at sabihing "goodnight" bago pa siya umalis.

Alas, ilang hakbang na siya palabas na siya sa bahay na iyon, bago pa siya napahinto sa mababang boses sa likod niya, "Saglit."

Nanigas ang likod ni Ye Wan Wan at humigpit ang kanyang kamao, unti-unti siyang lumingon at sinabi, "Ano… Ano yon?"

Hindi na sumagot si Si Ye Han pero inangat niya ang kanyang braso at inilapad ang kanyang kamay sa harap ni Ye Wan Wan.

Tiningnan ni Ye Wan Wan ang buto-buto niyang kamay, hindi niya alam kung anong ibig sabihin ng ginagawa niya. "Ano?"

"Para sa akin ba iyan?" huminto ang kanyang tingin sa kamay ni Ye Wan Wan.

Sinundan ni Ye Wan Wan ang tinitingnan ni Si Ye Han. Natandaan niya na hawak niya pala ang buns sa loob ng plastic at nagulat siya, bumalik siya sa kanyang tamang pag-iisip at mabilis na sumagot, "Ah! Oo para sayo ito, para sayo!"

Napatalon siya sa pagmamadali at binigay sa kanya ang bun. Tapos tiningnan niya ito habang nilalagok niya ang kanyang laway.

Akala ko kinalimutan na niya ito para sa akin na lang sana itong buns!

Minahal na ni Ye Wan Wan ang pagkain na ito dahil sa tagal ng byahe niya na kasama ang pagkain, kahit pa para kay Si Ye Han talaga ito.

Natandaan ni Ye Wan Wan noong siya ay nagdadalaga, lubhang lumakas ang kanyang pagkain na pinoprotektahan na niya ang kanyang mga pagkain. May isang pagkakataon na kinain ng kanyang kapatid ang tsitsirya at hinabol niya ito para bugbugin sa sobrang galit niya.

Tiningnan ni Si Ye Han ang nag-aatubiling mukha ni Ye Wan Wan, "Anong problema?"

Tinitigan ni Ye Wan Wan at bun at sinabi, "Medyo malamig na yan kaya painitin mo muna sana bago mo kainin."

"Mhm."

Hindi pa din umaalis si Ye Wan Wan kaya tinanong niya, "May gusto ka pang sabihin?"

*Ubo* "Wala, wala! Aalis na din ako!" Nagmadaling umakyat si Ye Wan Wan sa hagdan para ituloy ang gusto niyang sabihin.

*Iyak* Paalam na aking minamahal na bun!

Tiningnan ni Si Ye Han si Ye Wan Wan na magkiti-kiti sa kanyang kwarto. At bigla naman siyang napatingin sa bun sa kanyang kamay at matagal na tumititig lang dito.

...

Pagkatapos niyang bumalik sa kanyang kwarto, tinext ni Ye Wan Wan si Jiang Yan Ran na hindi siya makakabalik ng dormitoryo sa gabing iyon, kaya hindi niya kailangang mag-alala at hindi niya gagambalin si Jiang Yan Ran kung nagpapahinga na siya sa dormitoryo.

Hindi ko maisip ang mangyayari sa first date ng dalawang iyon na mga inosenteng kabataan na nagmamahalan.

Pagkatapos niyang tinext si Jiang Yan Ran, naligo si Ye Wan Wan para kiskisin ang amoy ng dugo sa kanyang katawan.

Sa tahimik na gabi, gumulong-gulong si Ye Wan Wan sa kama na tila bang nahihirapan siyang matulog.

Kinalaunan, tumayo si Ye Wan Wan para kunin ang bag ng beef jerky at dried pork slices sa kanyang schoolbag. Tapos, dahan dahan siyang bumaba sa hagdan.

Tahimik ang salas. Dahan-dahan siyang naglakad dito at sinisiyasat ang bawat gilid ng kwarto para hanapin ito, ngunit nabigo siya sa kanyang paghahanap.

Baka bumalik na siya sa gubat?

Sa sandaling nalungkot si Ye Wan Wan at naghanda nang bumalik sa kanyang kwarto, napansin niya na may parang bola sa puting carpet sa harap ng sofa.

Si Si Lu Te!

Sh*t! Sa lahat ng tutulugan ng tigreng ito sa puting carpet pa. Hindi ko tuloy mapansin dahil puti rin ang kanyang balahibo. Kaya pala nahirapan akong hanapin siya!

Related Books

Popular novel hashtag