Pasimpleng nag-relax ng kaunti si Ye Mu Fan noong nakita niya na walang pinagbago ang itsura ni Ye Wan Wan. Bubugbugin siya hanggang mamatay kapag sinabi niya ang katotohanan, kahit na hindi pa sila nakaka-inom...
Pero okay lang ito. Lumipas na ang ilang taon, kaya hindi naman siguro matatandaan ni Ye Wan Wan ang eksaktong nangyari noon, kaya okay lang naman kung gumawa siya ng kwento, tama?
"Sigurado ka ba na ikaw ang nagligtas sa akin?" Nanatili ang mga mata ni Ye Wan Wan kay Ye Mu Fan, nakasimangot siya at madilim ang kanyang itsura. Hindi kaya nagkagulo ang memorya na ito sa kanyang isip? At hindi siya tinulak ni Ye Mu Fan, kung hindi, bigla na lamang siya nahulog sa may lime pond?
Gayunpaman, bigla siyang kinabahan nang makita niya ang itsura ni Ye Wan Wan, kaya agad niyang sinabi, "Eh… siguro… sa totoo lang… hindi mo ako masisisi. Bata pa tayo noon. Aksidente lang na natulak kita sa loob ng lime pond…"
Doon lamang kumalma si Ye Wan Wan nang marinig niya ang mga salita ni Ye Mu Fan. Kapareho ito sa kanyang ala-ala.
"Tapos?" Nagtanong si Ye Wan Wan.
"Tapos, niligtas kita! Totoo nga! Pramis!" Pilit na tiningnan ni Ye Mu Fan si Ye Wan Wan habang makikita ang pagsisisi sa kanyang mukha.
"Natatandaan ko yung kapit bahay natin sa may probinsya. Hindi tayo masyadong pinansin nung kapit bahay natin noong una niya tayong nakita sa may lime pond. Pero noong lumingon siya ulit sa atin, nakita niya na ikaw na lang ang nandoon sa may lime pond at nawawala ako noong oras na iyon. Hindi ba't ganoon ang nangyari?" Seryosong tinitigan ni Ye Wan Wan si Ye Mu Fan.
Kinabahan si Ye Mu Fan nang marinig niya ang sinabi ni Ye Wan Wan at bigla siyang napaisip, 'Natatandaan ni Ye Wan Wan ang lahat ng nangyari noong araw na iyon…'
"Natatandaan ko rin na tinanong ka nung kapitbahay natin kung napansin mo raw ba na nawawala ako. Anong sinabi mo?"
Biglang kumibo ang mga labi ni Ye Mu Fan. Wala siyang magawa kung hindi sabihin ang totoo. "Tinanong sa akin nung kapitbahay natin kung saan ko pumunta noong bigla kang nawala… bata pa tayo noon kaya wala akong nasabi dahil natatakot ako. Kaya hinanap ng kapitbahay natin si Mama dahil sa sobrang takot… pagkarating ni Mama, hinugot niya yung buhok mo at hinila ka niya palabas ng lime pond…" pinunasan ni Ye Mu Fan ang pawis sa kanyang noo.
Walang masabi si Ye Wan Wan sa sinabi ni Ye Mu Fan. Ang sama talaga ng ugali nito...
Mabuti na lang at dumating yung kapitbahay namin, kung hindi...
Gayunpaman, bata pa kasi sila ni Ye Mu Fan noon. Natakot rin at hindi mapakali noon si Ye Mu Fan pagkatapos na aksidente niyang natulak si Ye Wan Wan sa may lime pond, kaya hindi siya sinisisk ni Ye Wan Wan sa nangyari.
"Matagal tayong nanirahan sa probinsya noon, kaya hindi lang siguro ito ang nangyari noon, tama?" Patuloy na nagtanong si Ye Wan Wan.
Sa pagkaka-alala niya, marami siyang naranasan noong nabuhay sila sa probinsya na kasama ang mga magulanh niya, ngunit ito lamang ang natatandaan niya.
"Wala na talaga! 'Yon lang!" Tumango na parang baliw si Ye Mu Fan at mukhang takot na takot siya.
"Ah?" Tiningnan siya ng masama ni Ye Wan Wan. "Iyon lang ba talaga?"
Mukhang miserable si Ye Mu Fan. "Ye Wan Wan, ano ba ang kailangan mong malaman… may oras pa noon na pinuno ko ng tubig yung injection tapos tinusok kita nito sa may braso mo; natusok ka lang talaga pero hindi bumaon… na yari din ako noon kasi tinali ako nila mama at papa sa puno tapos pinagpapalo nila ako… kahit na natusok ka lang naman ng injection, wala ito kumpara sa mga hampas nila mama at papa, 'di ba…"
Nagmuni-muni si Ye Wan Wan sa mga sinabi ni Ye Mu Fan.
Hindi niya matandaan ang istoryang ito!