Tiningnan ni Ye Mu Fan si Ye Wan Wan at bigla siyang ngumiti. "Wan Wan, kahit lagi kitang binu-bully noong bata pa tayo… ini-spoil ka naman ni kuya noong tumatanda na tayo. Noong junior high ka, may gusto ka sa lalaki sa klase mo, ano bang pangalan 'non… Uh, oo nga, si Li Ai Lun! Binigyan mo siya ng love letter… pero tinago ko iyon… hindi ba tinago ko iyon kaila mama at papa? Paparusahan ka ng mga 'yon kapag nalaman nila iyon noon."
Bumugso ang malakas na bagyo sa utak ni Ye Wan Wan nang marinig niya ang mga salita ni Ye Mu Fan. Hindi niya natatandaan ang mga ito...
"Sinabi mo sa akin na huwag kong sasabihin kahit kanino! Walang akong sinabihan! Pramis!" Nangako si Ye Mu Fan.
"Ganoon ba…" ginawa ni Ye Wan Wan ang lahat para itago ang pag-panic niya.
"Oo naman! Noon, parati mong tinatawag si 'Brother Ai Lun, Brother Ai Lun.' Ang sweet ng pagkakatawag mo sa kanya kumpara kapag tinatawag mo ako… kinuha ko yung love letter na iyon, at nasa loob ito ng kwarto ko. Nasa akin pa rin iyon hanggang ngayon," nakangiti na nangasar si Ye Mu Fan.
"Nasaan yung love letter?" Agad na nagtanong si Ye Wan Wan.
"'Di ba sinabi ko na nasa loob nga iyon ng kwarto ko," sumagot si Ye Mu Fan.
"Sige." Tumango at tumayo si Ye Wan Wan. "Umuwi tayo."
"Eh? Teka lang, bakit tayo uuwi? May trabaho pa ako!" Tumutol si Ye Mu Fan.
"Kunin natin yung love letter." Hindi na binigyan ni Ye Wan Wan ng pagkakataon na tumutol pa si Ye Mu Fan kaya hinawakan niya ang kamay nito.
Mabilis na nakarating si Ye Wan Wan at Ye Mu Fan sa bahay nila.
Hindi masyadong inisip ni Ye Mu Fan ang kakaibang ugali ni Ye Wan Wan sa araw na iyon. Babae naman kasi siya. Magulo talaga ang babae...
Pinanood ni Ye Wan Wan si Ye Mu Fan na naghanap sa buong kwarto niya at bigla siyang nagtanong, "Nahanap mo na…?"
"Teka lang… weird, alam ko nandito 'yon eh…" bumulong si Ye Mu Fan.
Sa wakas, pagkatapos ng kalahating oras, nakita na ni Ye Mu Fan ang makalumang itsura na envelope sa ilalim ng kama niya.
Kulay asul at may dalawang paru-paru na nakaguhit sa envelope at mukhang nanggaling ito sa ibang dekada. Binabalot ito ng alikabok.
Hinampas ni Ye Mu Fan ang alikabok sa envelope at tiningnan niya si Ye Wan Wan. Hinawakan niya at winagayway niya ang asul na envelop sa harap ni Ye Wan Wan. Interesado niyang sinabi, "Paano kaya kung… binigay ko ito sa boyfriend mo ngayon…"
Biglang nilunok ni Ye Mu Fan ang mga sasabihin niya sana pagkatapos siyang tingnan ni Ye Wan Wan.
Kinuha ni Ye Wan Wan anv envelope at binuksan niya kaagad ito.
Hindi pamilyar ang nilalaman ng letter… wala siyang natatandaan tungkol dito...
Hindi rin natatandaan ni Ye Wan Wan ang kaklase niya na si Li Ai Lun, na binanggit ni Ye Mu Fan sa kanya. Kung siya nga talaga ang unang crush ni Ye Wan Wan, halos lahat naman ng tao ay matatandaan kung sino siya hanggang sa mamatay ang isang tao. Pero si Ye Wan Wan...
Parang hindi talaga nangyari sa kanya ang memorya na ito.
Malinaw sa kanya ang lahat kung hindi talaga siya si Ye Wan Wan at pinasak lamang ang memorya ni Ye Wan Wan sa kanya gamit ang deep hypnosis.
Hindi malalaman ni Si Ye Han ang lahat ng tungkol kay Ye Wan Wan, lalo na ang love letter. Hindi naibigay ni Ye Wan Wan ang love letter na ito dahil nakita ito ni Ye Mu Fan, at ganoon lang natapos ang crush na ito. Si Ye Wan Wan at Ye Mu Fan lamang ang nakakaalam nito. Hindi malalaman ni Si Ye Han ito kahit na mahusay siya. Hindi maipapasak sa kanyang utak ang memorya na ito dahil walang kaalaman si Si Ye Han tungkol dito...
…
Pagkatapos basahin ni Ye Wan Wan ang letter na itinago sa kanya, sinubukan niyang pakalmahin ang kanyang isip.
Sigurado si Ye Wan Wan na hindi siya ang nagsulat ng letter na ito. Ang bawat letra, bawat punctuation ay walang kinalaman sa kanya.