Chapter 1228 - Hinahanap ang gap

Nakasimangot si Ye Wan Wan habang iniisip niya ang mga nangyari sa kanya noong bata pa siya.

Gayunpaman, ang lahat ng nangyari sa kanyang pagkabata ay masyadong nang malabo sa kanyang kaisipan, parang may tao na naglagay ng malaking kandado dito. Maliban na lang sa mga hindi niya makakalimutan na memorya tulad noong tinulak siya ni Ye Mu Fan sa lime pond at muntikan na siyang malunod, at noong muntikan na siya ma-kidnap noong bata pa siya...

Hindi na matandaan ni Ye Wan Wan ang tipikal na pangyayari sa araw-araw na buhay niya noong bata pa siya, kahit subukan niyang isipin ito ng maigi.

Natatandaan niya ang lahat ng mga kaklase niya noong preschool, elementary school at junior high, ngunit hindi ito lumalampas ng 20 na tao. Malinaw sa kanyang memorya ang mga naging guro niya...

Makalipas ang ilang saglit, biglang tinawagan ni Ye Wan Wan si Ye Mu Fan.

"Wala akong nahanap tungkol sa numero na binigay mo sa akin. Tatawagan kita kapag nakahanap ako ng bagong impormasyon." Narinig ang boses ni Ye Mu Fan sa phone.

"Kuya, may kailangan tayong pag-usapan. Magkita tayo sa coffee shop sa tabi ng opisina sa loob ng 30 minutos." binaba kaagad ni Ye Wan Wan ang tawag, tumayo siya at lumabas ng study room.

Pagkaalis niya ng Si residence, nagmaneho si Ye Wan Wan patungo sa café na malapit sa opisina.

Lumipas ang kalahating oras, dumating kaagad si Ye Mu Fan sa lugar na pagkakakitaan nila. Bigla niyang nasulyapan si Ye Wan Wan na naglalakad patungo sa kanya.

"Anong meron?" Umupo si Ye Mu Fan sa tapat ni Ye Wan Wan at bigla siya naging workaholic. "May kailangan pa akong atupagin sa trabaho sa opisina!"

Tiningnan ni Ye Wan Wan si Ye Mu Fan at bigla siyang natawa. "Matagal na panahon na noong huli tayong umupo at nag-usap lang."

"Huh?" Nagulat si Ye Mu Fan. Pinapunta siya ni Ye Wan Wan doon para… mag-usap lang sila?!

"Oo nga pala, anong meron sa phone number na pinapahanap sa akin?" Nagtaka si Ye Mu Fan sa kanya.

"Wala 'yon. Hayaan mo na kung hindi mo mahanap kung saan nanggaling 'yon." Umiling si Ye Wan Wan.

Wala masyadong sinabi si Ye Mu Fan tungkol dito. Nakakapagtaka talaga ang numero na binigay sa kanya ni Ye Wan Wan. Wala siyang mahanap na kahit isang clue kahit na matagal na siyang naghahanap.

"Brother Ye, natatandaan mo pa ba…" nagsimulang magsalita si Ye Wan Wan habang nakatingin siya kay Ye Mu Fan.

"Natatandaan ang ano…" nagulat sa kanya si Ye Mu Fan.

"Noong bata pa tayo, pumunta tayong probinsya… tinulak mo ako sa lime pond, at muntikan na akong malunod…" nakangiti na sinabi ni Ye Wan Wan.

Nag-iba ang itsura ni Ye Mu Fan nang marinig niya iyon. Paulit-ulit niyang inili g ang kanyang ulo. "Hindi ko natatandaan, wala akong natatandaan… tungkol doon…"

Maghihiganti ang kanyang kapatid pagkatapos ng ilang taon, tama…. Kaya pala parang pilit at kakaiba ang ngiti ni Ye Wan Wan sa kanya. Hindi kaya… nagtatago siya ng patalim sa likod ng kanyang mga ngiti?

"Seryoso ako," malumanay na sinabi ni Ye Wan Wan.

"Seryoso din ako… Ah… matagal na panahon na ang lumipas, at bata pa tayo noon kaya paano ko matatandaan? Nakalimutan ko na ang lahat sa pagkabata ko… hindi ko ito natatandaan…" paulit-ulit na umiling si Ye Mu Fan.

"Hindi ako galit, kuya. Nagbabalik tanaw lang ako noong bata pa tayo," nakangiti na sinabi ni Ye Wan Wan.

Nagbabalik tanaw noong bata ka pa? Kausapin mo ang pwet ko! Mangangamba ako sa sarili kong buhay kung babalikan ko noong bata pa kami ni Ye Wan Wan...

Natatandaan mo ba o hindi?" Naiinip na si Ye Wan Wan.

"Hindi ko matandaan! Hindi ko talaga matandaan! Pasensya na talaga! Aalis na rin ako!" Tumayo si Ye Mu Fan at gusto niya nang umalis.

Ngunit bago pa siya makalakad ng kaunti, biglang hinablot ni Ye Wan Wan ang kanyang balikat. Ginamit niya ang lahat ng lakas niya upang hilahin pabalik si Ye Mu Fan.

"Sige, hindi mo natatandaan, 'di ba? Maghanap pala tayo ng lugar para makapag-inuman tayo at makapag-usap ng maayos," nanliit ang mga mata ni Ye Wan Wan at bigla siyang tumawa, binigyang diin niya ang parte na "mag-inuman tayo." Malinaw ang pagbabanta sa kanyang pananalita.

"Ano…? Mag-inuman?!" Nagulat si Ye Mu Fan kaya nanatili lamang siya sa isang lugar, tumutulo ang pawis sa kanyang noo.

Personal na nakita ni Ye Mu Fan ang lasing na bersyon ni Ye Wan Wan. Wala siyang awa kapag nakainom siya...

Ah… bigla kong natandaan. Iyon ang araw noong nahulog ka sa lime pool… ako nga ang magligtas sayo noon…" kakaiba ang tawa ni Ye Mu Fan habang sinasabi niya ito.