Sa isang sandali, tiningnan ni Hou Chong Liang si Ling Shao Zhe. Malaki ang pinagbago ng ugali niya habang pinupuri niya si Ling Shao Zhe. "Ah, Ling Shao Zhe, bakit nandito ka? Masyadong magulo dito dahil maraming tao! Dalhin kita sa makeup room mo! Personal akong inutusan ni Miss Yiyi na alagaan kita ng maigi dahil napagod ka raw sa pagbiyahe para sa promosyon ng pelikula niyo! Dali, dali! Sumama ka sa akin. Ang baho naman dito…"
Lumiit ang mga mata ni Ye Wan Wan. Madali niyang naisip na ang dahilan ng pagbabago ng ugali ni Hou Chong Liang ay dahil sa inutusan siya ni Ye Yiyi na "alagaan ng maigi" ang kanyang artista.
Hindi malaki ang kumpanya na naka-suporta kayla Luo Chen at Gong Xu, kahit na mga A-listers sila, kaya parehas na Emperor Sky at Worldwide Entertainment ang nagpapahirap sa kanila. Kamakailan lang ay nasa shooting sila kaya ilang buwan silang hindi nagpapakita sa mata ng publiko, kaya masasabi na sila ay mga backburner. Kaya pala ang lakas ng loob ni Hou Chong Liang na sabihin at gawin ang mga bagay na iyon sa kanila.
Mapangasar na tiningnan ni Ling Shao Zhe sila Gong Xu at Luo Chen nang makita niya ang pangyayari. Pagkatapos ay naglakad siya patungo sa makeup room na pinaghandaan ng crew tulad ng buwan na pinapalibutan ng mga bituin.
Sumabog sa sobrang galit si Gong Xu pagka-alis ni Ling Shao Zhe.
"G*go talaga iyon! Ang lakas ng loob niyang kaya-kayanin si young master?! Kakausapin ko nga yung Hou na iyon!"
Nawalan ng pakiramdam ang mga mata ni Ye Wan Wan nang kinuha niya ang braso ni Gong Xu upang pigilan ito. "Tama na. Kumalma ka."
Nag-abiso naman si Yao Jia Wen, "Nanghihingi nga tayo ng pabor sa kanila, eh. Bakit hindi na lang tayo sumunod sa kanila? Ang daming negosasyon ang tinahak ko para lang makuha ang assignment na ito…"
Lalong nagalit si Gong Xu nang marinig niya iyon. "Sumunod na lang tayo sa kanila? Hindi maaari ang mga salitang iyon sa diksyonaryo ni young master! Ipagsisik-sikan mo ba talaga ako sa iisang makeup room na kasama ang mga taong nasa labas?"
Natural, hindi kayang gawin iyon ni Ye Wan Wan. Anong mga tsismis na naman ang kakalat kapag nakita sila ng mga tao na ginagawa ang makeup nila sa pampublikong makeup room?
Desedidong sumagot si Ye Wan Wan, "Syempre hindi pwedeng mangyari iyon."
"Ano pala ang gagawin natin?" Nag-aalalang nagtanong si Luo Chen.
Nagmura si Gong Xu, "Punyeta!"
Walang salita ang makakapag bahagi sa galit na nararamdaman ni Gong Xu. Umaasa ang mga mokong na iyon sa kanilang master para kayanin ang kumpanya nila! Akala ba nila na magiging mapagkumbaba si Gong Xu dahil wala nang pakialam ang tatay njya sa kanya?
Iniwanan ng 20% ng shares ng nanay niya si Gong Xu, bago ito mamatay. Kailangan lang muna siyang magpakasal bago niya ito magagamit! Kahit na niliban at minaliit siya ng kanyang stepmother, hindi pa rin siya tinanggal ng kanyang ama bilang anak.
"Punyeta! Magpapakasal na ang young master na ito kung sosobra pa kayo!" Galit na sinabi ni Gong Xu.
Tumaas ang mga kilay ni Ye Wan Wan. "Magpapakasal? Saan mo binase yung sinabi mo?"
"Hmph! Pagmamay-ari ko ang 20% ng kumpanya ng Gong family! Hindi ko lang ito magagamit kung hindi pa ako kinakasal! Hindi ko alam kung ano ang iniisip ni mama noong pinatupad niya ang patakaran kailangan ko munang ikasal bago ko magagamit ang yaman ko…" malungkot na sinabi ni Gong Xu.
Kumibo ang mga labi ni Ye Wan Wan. "Bakit parang sinasabi mo na katumbas ng pagpapakasal ang kamatayan?"
Mabilis na sumagot si Gong Xu, "Hindi ba't magkapareho lang ang ikakasal at kamatayan? Maliban na lang kung kasama kong ikakasal si Little Candied Plum! Handa akong pumasok sa impyerno basta't kasama ko siya!"
Ye Wanwan: "…"
Tigilan mo ang pangarap mo na iyan...
"Hindi pa rin ang magpapa-makeup sa labas kahit na patayin mo ako! Ayoko! Galit pa rin ako! Kailangan kong dalhin sa labas ang Hou na iyon! Sila ang nagmakaawa na gawin akong guest dito sa palabas nila, pero ang lakas pa ng loob nilang gawin iyon sa akin…"
Sasabog ulit si Gong Xu. Walang kwenta ang panunuyo sa kanya ni Yao Jia Wen dahil mas lalo lang siyang nagalit dahil dito.
Tiningnan siya ni Ye Wan Wan at sinabi. "Tama na 'yan. Hindi ko kayo ipag-me-makeup sa labas. Hindi niyo kailangan ng makeup ni Luo Chen. Okay na kayo bilang mga sarili niyo. Ang gwapo mo na nga eh kaya pwede ka nang pumunta sa palabas nang ganyan ang itsura mo."
Nawala ang nananaig na apoy ng galit sa puso ni Gong Xu nang marinig niya ang sinabi ni Ye Wan Wan at tila parang sumabog ang fireworks sa kanyang utak. "Talaga? Talaga? Gwapo ako?"
Automatico na nilagpasan ni Gong Xu si Luo Chen sa mga salita ni Ye Wan Wan.