Binola siya ni Ye Wan Wan. "Oo naman. Gwapo ka na talaga. Maghintay tayo sa may lounge."
Ang kaninang handang makipag-away na si Gong Xu, ay biglang naging masaya at sumunod siya kay Ye Wan Wan papuntang lounge.
Gulat na pinanood ni Yao Jia Wen ang eksenang ito. Mahirap bangg suyuin… o madaling suyuin si Gong Xu?
Wala siyang napala sa kalahating araw na paghihikayat niya kay Gong Xu. Ngunit sa isang salita ni Ye Bai, sumunod kaagad si Gong Xu.
Inuna ng film crew ang eksena ni Ling Shao Zhe sa shooting, kaya umabot ng dalawang oras ang paghihintay nila Gong Xu at Luo Chen sa pagkakatain nila sa shooting.
Ngunit, natapos kaagad sila sa loob ng 10 minuto sa eksena nila.
Tinago ni Yao Jia Wen ang galit na nararamdaman niya at kinausap niya si Director Hou. "Director Hou, tapos na agad ang recording namin? Wala ka bang napansin na mali?"
Abala ngayon si Director Hou sa pakikihalubilo niya kay Ling Shao Zhe. Nang marinig niya ito, bigla siyang tumalikod at humarap kay Yao Jia Wen. "Mali? Anong mali?"
"Masyadong marami sa orihinal na script ang tinanggal. Hindi ito ang pinagkasunduan natin. Hindi pa tama ang blocking. Masyadong malayo sila Gong Xu at Luo Chen noong lumabas sila…"
"Hindi angkop ang plano na ito sa mga pagbabagong ginawa namin. Normal lang ito. Sa blockinh naman, sumusunod tayo ayon sa ranking at kasikatan, kaya hinarap ko si Shao Zhe. Sigurado ako na walang tutol doon, tama? Ano pala ang problema mo?"
Gusto pa sanang makipaglaban ni Yao Jia Wen ngunit pinigilan na siya ni Ye Wan Wan. "Tara na. Kailangan na nating pumunta sa susunod na assignment."
Walang kwenta kung sasayangin lang nila ang oras nila dito. Tinapos na lamang nila ang recording ng palabas dahil may prinsipyo sila na kailangan nilang respetuhin na tapusin nila ang trabaho ayon sa kontrata nila.
Naiinis pa rin si Yao Jia Wen. "Okay sana kung may 5 minuto ang camera time natin pagkatapos ng 10 minutong camera time ang inedit… pero maliit pa rin iyon…"
Biglang ngumiti si Ye Wan Wan. Limang minuto? Masyado naman nang mabait si Ye Yiyi kung gagawin niya iyon.
Nahulaan na ni Ye Wan Wan ang mga problemang kakaharapin nila tulad nito. Importante ang oras nila ngayon, kaya wala silang oras para makipagtalo sa maliliit na bagay. Mas maganda kung mas maraming assignments ang matatapos nila. Makakatulong ang mga assignments sa box office kung ginawa nila ito ng maayos sa abot ng makakaya nila, ngunit hindi sila ang importante doon.
Hindi ang box office ang goal niya. Kung hindi, gagawin niya siguro ang ginawa ng Emperor Sky sa una niyang buhay. Sindaya nilang binago at iniba ang script.
Ang Golden Orchid Awards ang goal niya.
Mabilis na lumipas ang oras, dumating na ang araw ng premiere date ng A Life and Death Struggle.
Isang bagay na ikinasasaya nila ay positibo ang rating sa internet ng mga taong nakapanood nito.
Hindi maikakaila na nakakagulat ang performance ni Gong Xu sa pelikula, ayon sa kanyang mga fans...
[Omg! Ano ito. Si Baby Xu ko pa rin ba ito? Ang gwapo niya kaya hindi ko namalayan na siya iyon, kahit na matagal na akong fan niya!]
[Pinanood ko ito dahil gusto kong makita kung nagba-baklaan si Luo Chen at Gong Xu sa isa't isa, pero bigla akong napa-iyak habang pinapanood ko ito! Makabagbag damdamin! Ang husay ng acting skills ni Gong Xu!aling medisina ba ang na-inom niya?]
[Napakahusay ni Luo Chen! Ang laki ng pinagbago niya! Si Gong Xu naman… Mmm, nagtataka ako kung na-aksidente ba siya… wala akong masabi sa kanyang acting skills!]
Bumuntong hininga si Gong Xu habang nakatingin siya sa zero-star rating sa internet. "Tsk, noong wala akong pakialam at pangit ang acting ko noon, nagkagulo sila para lang mapanood ako. Ngayon na buong puso akong umaarte, kakaunti lang ang nanood sa akin… Ah, ito siguro ang natural na sistema ng entertainment industry…"
Sinilip ni Ye Wan Wan sa gilid ng kanyang mga mata si Gong Xu. Kakaiba ito dahil ngayon lang siya nalungkot sa makatuturang bagay.
Habang iniisip niya ito, bigla niyang nakita si Gong Xu na pinaghahampas ang kanyang phone. "Ano ang pinagsasabi nila na 'maling medisina ang nainom ko'?! Anong 'walang masabi sa acting'?! Bakit hindi na lang sila umasa ng ikabubuti ko? Gusto talaga nilang kainin ang galit ko! Fans ba talaga sila?"