Chapter 115 - Flashback

Nahihilo si Ye Wanwan at ang utak niya ay nawalan ng oxygen at para siyang mawawalan ng malay tao. 

Kahit na dalawa ang kanyang buhay, di niya pa rin maintindihan ang nararamdaman ni Si Ye Han sa kanya.

Sa una niyang buhay, namatay siya agad.

Natandaan niya noon, pagtapos ng malalang away nilang dalawa, pumayag agad si Si Ye Han na makipag-divorce.

Kinuha ni Ye Wanwan ang divorce certificate at ang una niyang ginawa ay hanapin si Gu Yue Ze.

Ang intensyon ni Shen Meng Qi ay lituhin si Ye Wanwan noon pa lang, akala niya maloloko niya si Ye Wanwan. Akala ni Ye Wanwan ililigtas at mahal pa din siya ni Gu Yue Ze, ngunit hindi makagalaw si Gue Yue Ze dahil sinasakal siya ng kapangyarihan ni Si Ye Han...

Tinapos ni Ye Wanwan ang proseso ng divorce at hinayaan lamang siya ni Si Ye Han na umalis. At hindi lang iyon; personal na minaneho pa ni Si Ye Han si Ye Wanwan papunta kay Gu Yue Ze.

Gayundin, puno ng pag-asa si Ye Wanwan na hinanap si Gue Yue Ze sa apartment na binili ng tatay niya para sa honeymoon nila ni Gu Yue Ze. Nagulat siyang makita si Gu Yue Ze at Ye Yiyi na nakikipagtalik sa higaan niya.

Tulalang nakatayo si Ye Wanwan sa pintuan at kitang-kita niya ang lahat ng pinag-gagawa nila sa maliit na butas sa pintuan. Lubha ang kalungkutan niya habag pinapakingan ang pinag-uusapan ni Gu Yue Ze at Ye Yiyi.

Kaya pala nawalan ng kapangyarihan ang tatay ni Ye Wanwan dahil ipinlano na siyang patalsikin ni Ye Yiyi at ang kanyang second uncle, kasama din si Gu Yue Ze. Umpisa palang sikreto nang may relasyon si Gue Yue Ze at Ye Yiyi habang girlfriend niya si Ye Wanwan.

Kasalanan ng nag maang-maangang si Ye Wanwan at nasira ang pamilya niya!

Tinulak niya ang pintuan at dumadagungdong na pumasok sa loob, parang nababaliw at galit na nagsisigaw si Ye Wanwan sa makasalanang sina Gu Yue Ze at Ye Yiyi. Pagtapos, ipinakita ni Gu Yue Ze ang kamuhian arogante niyang ugali habang si Ye Yiyi ay nangungutya kay Ye Wanwan; nasira ang kanyang puso sa bawat salitang sinasabi nila.

"Tingnan mo ang sarili mo sa salamin Ye Wanwan, titigan mong maigi. Hindi bulag si Gu Yue Ze, sino namang baliw ang magkakagusto sa iyo?"

"Alam mo bang na-dudugyutan sayo si Yue Ze kapag dumidikit ang mataba mong katawan sa kanya? hindi ka na nga mukhang tao hindi ka pa mukhang aswang. Saan mo naman nakuha ang kumpyansa na mamahalin niya ang tulad mong bobo na at kasuklam-suklam?"

"Masamang balak sayo?! Eh paano kung ako nga iyon? Sisihin mo ang iyong sarili sa kabobohan mo. Sa totoo lang, dahil walang hiya mong ginamit ang katayuan at kapangyarihan ng tatay mo para pakasalan ka ni Yue Ze!"

"Wanwan, sorry, si Yiyi talaga ang mahal ko nung una palangl!"

...

Hindi alam ni Ye Wanwan kung paano umalis sa kinalalagyan niya; sobra syang nasaktan at nawalan na siya sa tamang pag-iisip sa dapat niyang. Pag-alis, hinanap niya si Shen Meng Qi para ilabas ang kanyang sama ng loob.

Lalong hindi niya inasahan na makita si Si Ye Han sa pintuan ng villa ni Shen Meng Qi.

Anong ginagawa ni Shen Meng Qi? umaamin ng pagmamahal niya kay Si Ye Han!

Pinakinggan niya ang sinasabi ni Shen Meng Qi, "Mr. Si, gusto kita. Nahulog ang puso ko nung una kitang nakilala. Hindi ko maintindihan bakit sinayang ka ni Wanwan, isang napakabuting lalake na tulad mo. Kung ako siya… Ibibigay ko ang lahat sa iyo…"

Kagagaling palang nila ng divorce at itong bestfriend niya na laging niyang kasama at nagrereklamo tungkol kay Si Ye Han ay tinaksil siya at umamin ng pagmamahal sa kanyang ex-husband!

Nagulat siya sa nangyari, di na niya narinig ang sinabi ni Si Ye Han. Natandaan niya lang na normal lang na maputla ang itsura si Si Ye Han; naisip ni Ye Wanwan na baka tinanggihan ni Si Ye Han si Shen Meng Qi dahil nakita niyang namutla si Shen Meng Qi pagkatapos ng usapan.

Pag-alis ni Si Ye Han, bumalik na siya sa katinuan at galit na tumakbo para harapin si Shen Meng Qi at tanungin kung bakit niya nagawa yun...