Chereads / Perfect Secret Love: The Bad New Wife is a Little Sweet (Tagalog) / Chapter 116 - Araw ng pagsasaya para sa lahat

Chapter 116 - Araw ng pagsasaya para sa lahat

Mukha ngang tinanggihan siya ni Si Ye Han, nilabas ni Shen Meng Qi ang galit niya kay Ye Wan Wan. Mukha niya ay puno ng paglait at malisyosa niyang sinabi lahat ng panloloko niya kay Ye Wan Wan.

Sinabi ni Shen Meng Qi kung pano niya naloko at ginamit si Ye Wan Wan sa tagal ng pagsasama nila, masaya niyang kinekwento na pinauwi niya ang nakatatandang kapatid ni Ye Wan Wan matapos niyang gamitin ito at bumuo pa ng alliance gamit ang pinaka kaaway ni Ye Wan Wan, si Ye Yiyi. Isinumpa niya ng parang papatayin niya si Ye Wan Wan, sinabi niya pa na di sapat si Ye Wan Wan kay Si Ye Han...

Lumaban ng matagal si Ye Wan Wan at nagtimpi ng matagal na panahon, para lang sa sakim na babaero.

Ang kanyang bestfriend ay tinrato niya na parang kapatid ay sinasaktan na pala siya noong una pa lang; hinihintay na makuha ang asawa niya at nagnanais na mamatay na si Ye Wan Wan.

Lahat ng minahal at pinagkatiwalaan ay nawala ng isang iglap at ang mundo ni Ye Wan Wan ay gumuguho na...

Nababaliw na siya ng panahon na iyon, hindi na niya masyadong matandaan ang mga nangyari. Hindi man lang niya alam kung paano at sino ang pumatay sa kaniya.

Ang naalala niya lang ay nasa kadiliman siya at sobrang sakit ng buong katawan niya parang ang kaluluwa niya ang sinusunog...

Kahit na maraming tao na naghahangad na mamatay at mawala si Ye Wan Wan sa mundo: Sina Shen Meng Qi, Ye Yiyi, Qin Ruo Xi...

Lalo na si Qin Ruo Xi. Matapos niyang ninakaw ang posisyon ng pagiging Mrs. Si kay Ye Wanwan.

Sa background ng pamilya ni Qin Ruo Xi, nanlinlang siya para maging kaaway ni Ye Wan Wan ang Si family. Simula sa esteemed madam ng Si family hanggang sa senior clan members, lahat ay magkakandarapang umaaligid kay Si Ye Han.

Naisip ni Ye Wan Wan na si Si Ye Han ang pumatay sa kaniya...

Maaaring dahil nalulungkot pa din siya na naghiwalay kami at alam niyang di niya na ko makukuha muli, naisip niyang patayin na lang ako?

Kinilabutan ang buong katawan niya sa na-realize niya.

Noon pa man, ang ugali ni Si Ye Han sa buhay niya noon, nakakagulat na hinayaan niya lang na umalis si Ye Wan Wan ng walang galit o poot. Hindi siya makapaniwala na papakawalan siya ng ganoon na lamang.

Subalit, sa kabila nito, dapat niyang pasalamatan si Si Ye Han.

Kung hindi dahil sa kanya, Hindi niya malalaman ang katotohanan at di makikita ang totoong ugali ng mga tao sa paligid niya.

Hindi sigurado si Ye Wan Wan kung anong aksidente ang nangyare sa kanya noon pero alam niya na di siya gumaling sa aksidenteng iyon o dikaya nagsimula siyang magplano ng paghihiganti at biglang namatay ng di natural.

"Anong iniisip mo?" ang malalim na boses na nanggaling kay Si Ye Han,

Sa pagkakataon na iyon hindi naging comportable si Si Ye Han dahil sa itsura ni Ye Wan Wan.

Katabi niya ito pero parang umaalis na lamang ang isip nito kung saan saan.

Umpisa pa lang, narealize niya na hindi niya pa din maintindihan si Ye Wan Wan.

Nahihirapan siya dahil di niya kontrolado si Ye Wan Wan.

Nakita ni Ye Wan Wan ang di natutuwang itsura ni Si Ye Han at inosenteng sinabi, "Syempre naman, iniisip kita!"

Leche! Bawal ba akong ma-distract kapag kasama ko siya?

Gusto mo ba walang lamang ang utak ko at ikaw lang ang papasok at uupo sa trono?!

Kailangan mo ba maging dominante?

Kahit na walang katotohanan ang sinabi ni Ye Wan Wan, hindi ito napansin ni Si Ye Han, "Bumalik ka agad, wag ka nang umaligid kung saan pa."

"Okay, wala pa naman akong na-miss na klase diba? Ni-malate at umalis ng maaga di ko ginawa!" Tinanggal ni Ye Wan Wan ang seatbelt, nagpaalam at as usual ay lumabas sa kotse at sinabi, "Good night!"

Wala pang isang segundo pagkababa ni Ye Wan Wan, nakita niya na mayroong home tutoring na materyales si Si Ye Han.

Kumalabog ang puso ni Ye Wan Wan nung nakita niya ito.

Binili niya ba ang mga home tutoring materials para di na ko mag-aral?

Kung hindi niya pinaglaban ang sarili niya dapat grounded ba sya sa Jin garden ngayong gabi?

Muntikan na...

Lumipas ang ilang oras pagka-alis ni Ye Wan Wan, tuliro pa rin si Xu Yi sa driver's seat at hindi maibalik ang kanyang diwa.

Nang makita niya ang pagbabanta ni Ye Wan Wan sa 9th master, natakot siya na parang muntikan nang umalis ang kaniyang kaluluwa. Sa huli, tinalo ni Ye Wan Wan ang 9th master na parang batang pinapalo pag makulit at pinapakain pag mabait; walang nangyaring masama sa kaniya kahit na inamo niya ang mabagsik na tigre at pinuno ang tiyan nito ng pagkain ng aso.

Intensyon ba ng 9th master na patigilin sa pag-aaral si Ye Wan Wan?

Hihanda niya ang sarili nya sa world war pero di naman humantong sa ganun...

"Xu Yi." Habang nanahimik ng saglit, nagsalita si Si Ye Han ng walang sabi sabi.

"Uh… Yes! 9th master, ano pong magagawa ko para sa inyo?" katapusan na, magwawala na siya. Sobrang tense na si Xu Yi.

Sinundan ng tingin ang papalayong anino ni Ye Wan Wan at kalamado niyang sinabi, "Doble ang sahod mo itong buwan, ganun din sa mga trabahador sa Jin Garden."

Walang masabi si Xu Yi, "Uh…"

Pwede bang malaman… Anong nangyari...

Biglaang dumating ang fortune na ito!

Natanga si Xu Yi ng mga tatlong minuto bago sya bumalik sa kanyang malay tao, totoo ba...dahil sinabi ni Ye Wan Wan na "gustong gusto niya ito"?

So, kailangan ba natin mag-celebrate?

Uh...