Medyo nagulat ang producer. Inakala niya na pinilit ni Jiang Yan Dan na dalhin ang kaibigan niyang si Ye Wan Wan upang tulungan siya sa kontrata dahil wala pa siyang manager at wala pa suyabg kinabibilangan na kumpanya.
Isang masamang bagay lapag pinag-uisapan ng mga artistana ang resources sa entertainment industry, kaya hindi alam ni Jiang Yan Ran kung paano mag-presyo ng mga bagay.
Gayunpaman, hindi ba't parang malupit siya dahil batang babae ang ginamit niyang makikipag-usap?
Ito ang dahilan kung bakit ayaw niyang manguha ng bagong artista. Masyadong nakakaabala ang parte na makikipag-negosasyon ka.
Wala na siyang ibang pagpipilian. Nagsawa na si Director Peng at pinili niya ang female lead na nagpasaya sa kanya, at pwede na nilang simulang mag-shooting pagkatapos nilang maghintay ng kalahating taon. Muntikan nang umiyak ang lahat sa sobrang saya. Kailangan nilang pag-usapan ang mga bagay na ito kahit mahirap pa sa kanila.
Hindi naiwasang magmungkahi ng producer, "Miss Jiang, para sa akin, dapat magdesisyon ka ng sarili mo para maging mapa-bilis ang mga bagay bagay."
Mas gusto niyang kausapin na lang si Jiang Yan Ran kaysa kausapin ang isang tao na walang alam sa mga ganito. Mas magiging mainam ito kaysa mag-negosasyon silang tatlo.
Umiling si Jiang Yan Ran at seryoso niyang sinabi, "Hindi ko alam ang mga bagay na ito. Kausapin niyo na lang ang kaibigan ko at papakinggan ko na lang siya ng buong-buo!"
Hindi naiwasan ni Ye Wan Wan na ma-tawa. Masyadong tapat na yata ang batang ito? Hindi ba siya natatakot na baka ibenta lang siya ng kaibigan niya?
Naiintindihan ni Ye Wan Wan ang gustong iparating ng producer. Masyado kasi siyang bata kung titingnan siya kaya mahirap magtiwala sa katulad niya.
Ang punto niya ay hindi niya inakala na agaran ang naging desisyon ng direktor at crew, gusto pa nilang pag-usapan ang kontrata sa oras rin na iyon. Wala tuloy siyang choice kundi i-presenta si Jiang Yan Ran bilang isang babae. "Kakatapos lang ang mga exams ni Yan Ran at summer na ngayon, kaya magkakaroon na ng oras si Yan Ran para makapasok sa film crew at may oras pa kayo para i-shoot ang film. Hindi niyo kailangang alalahanin ang mga bagay na ito. Para naman sa sweldo niya dito, babase tayo sa standard practices. Baguhan pa lamang si Yan Ran, kaya hindi siya magde-demanda ng malaking halaga. Pero…"
Agad na sinabi ni Ye Wan Wan ng maayos at malinaw ang mga problema, pagkatapos ay nilista niya ang mga katanungan na gusto niyang masagot sa panig nila. Lalong nagulat ang producer sa tuwing pinapakinggan siya.
Ang ganitong lebel ng negosasyon, experience at pag-iintindi ay manggagaling lamang sa sikretong impormasyon—paano ito malalaman ng isang hamak na estudyante?
Sa isang saglit, biglang nag-iba ang itsura ng producer habang tinitingnan niya si Ye Wan Wan. "Miss Ye, matanong ko nga kung ilang taon ka na?"
"Ako ay isang first year student ng Imperial Media University," sabi ni Ye Wan Wan.
Kahit na makukuha na niya ang kanyang diploma ngayong araw, hindi niya pa rin ito kinuha.
"Nakakatakot si Miss Ye. Paano ka nagkaroon ng sapat na kaalaman sa industriya?" Hindi naiwasang magtanong ni Producer Wang.
"Intern ako sa Age of Immortals, kaya kahit papaano ay alam ko ang mga impormasyon na ito," agad na sinabi ni Ye Wan Wan bago siya humarap kay Jiang Yan Ran. "Narinig mo ba kung amo ang pinag-usapan natin ngayon? Sabihin mo ang mga problemang naiisip mo ngayong para mapag-usapan kaagad natin ito."
Pinabalot ng pagka-hanga ang mga tingin ni Jiang Yan Ran kay Ye Wan Wan. "Wala, wala akong problema! Sapat na sa akin ang mga desisyon mo!"
Hindi siya makapaniwala na ang idolo niya ang nakikipag-usap tungkol sa kangang kontrata! Bakit naman siya magkakaroon ng problema doon?!
Dahil sa kahusayan ni Ye Wan Wan, natapos at naisaayos niya na kaagad ang lahat ng nasa kontrata at ang oras ng shooting sa crew.
Nakakunot ang mga kilay ni Peng Yuan Hu nang tiningnan niya ang kontrata na binigay sa kanya ng producer at pagkatapos ay naging kuntento na siya. "Masisimulan ko nang i-shoot ang pelikulang ito habang buhay pa ako…"
"Tama, Director Peng! Congratulations!" Ang bawat isa sa kanila ay sabik rin.
Nilapitan ni Peng Yuan Hu si Jiang Yan Ran. "Miss Jiang, natutuwa akong makita ang isang mahusay na talentong tulad mo at nagagalak ako dahil sumama ka sa auditions ngayong araw! Umaasa ako na magiging maayos tayong magka-trabaho!"