Chereads / Perfect Secret Love: The Bad New Wife is a Little Sweet (Tagalog) / Chapter 1107 - Panigurado na makukuha mo ang role na iyon

Chapter 1107 - Panigurado na makukuha mo ang role na iyon

Kusang tiningnan no Jianh Yan Ran si Ye Wan Wan at nahihiya niyang sinabi, "Sa totoo lang, natatakot akong pumunta dito. Ang manager ko mismo ang nagpalakas ng loob ko na pumunta raw ako dito!"

Nagtaka ang producer nang marinig niya iyon. May manager ang batang ito?

Siguro kaibigan o ka-pamilya niya ang kanyang manager...

Hindi ito kakaiba dahil maraming mga artista sa industriya ang pinapasok bilang manager nila ang kanilang mga kaibigan at kamag-anak.

Kaawa-awang natawa si Peng Yuan Hu at sinabi, "Kailangan mong pasalamatan ang manager mo para sa akin!"

Umalis na nga audition building si Ye Wan Wan at Jiang Yan Ran pagkatapos nilang ayusin ang lahat.

Napatalon sa sobrang saya si Jiang Yan Ran. "Ang saya-saya mo! Wan Wan! Parang panaginip lang ito!"

Natawa si Ye Wan Wan. "Sinabi ko naman na sayo na makukuha mo ang role na iyon."

Paulit-ulit na tumango si Jing Yan Ran. "Opo, tama si Master Ye Bai! Magagawa ko basta't sinasabi mong kaya ko! Natutuwa ako dahil hindi ka nadismaya sa akin!"

Malaking kaibahan ang personalidad ni Jiang Yan Ran sa harap ng camera kung ikukumpara sa kanyang tunay na karakter na malambot ang kanyang puso. Napakahusay niya at wala siyang takot sa kanyang ginagawa. Malakas ang loob ni Ye Wan Wan kay Jiang Yan Ran dahil doon.

Gayunpaman, guminhawa ang loob ni Ye Wan Wan dahil naging maayos ang lahat.

"Kailangan mo nang sumama sa film crew sa loob ng tatlong araw; sigurado ka ba na hindi ka magkakaroon ng problema? Gusto mo bang tulungan kita na i-delay ang filming ng ilang araw?" Tanong ni Ye Wan Wan.

"Huwag na. Kaya ko 'yon!" Mas malakas ang loob ngayon ni Jiang Yan Ran kaysa noon.

Biglang sumugod si Chu Feng habang nag-uusap ang dalawa.

"Kamusta, kamusta?"

"Nakuha ko ang role!" 

"Talaga? Talaga? Ang galing! Kailangan nating mag-celebrate! Wan Wan, gusto mo bang makisalo sa amin?"

Tiningnan ni Ye Wan Wan ang oras sa kanyang phone. "Kayong dalawa na lang. Kailangan ko pa kasing pumunta sa university para kunin ang diploma ko."

"Ah, hindi ka sasama sa amin, Wan Wan? Pwede ka naman naming hintayin na matapos!" Medyo nadismaya si Jiang Yan Ran.

"Ayoko maging third wheel sa inyong dalawa! Magpakasaya kayo! Pupuntahan na lang kita sa bahay niyo bukas dahil may pag-uusapan pa tayo. Kailangan ko rin kausapin ang mga magulang mo."

Sumigla si Jiang Yan Ran nang marinig niya iyon. "En, okay! Pinipilit ako ng mga magulang ko na imbitahan raw kita sa bahay noong nakaraang araw! Sinabi ko na rin sa kanila na ikaw ang manager ko. Natuwa sila noong nabalitaan nila na ikaw ang manager ko!"

"Sige pala! Pumunta na kayo!"

Nagmaneho si Ye Wan Wan papuntang Imperial Media University, pagkatapos niyang humiwalay kay Jiang Yan Ran at Chu Feng.

Ang requirement lamang ng Imperial Media sa kanilang mga estudyante na gustong lumaktaw ng grado ay kailangan nilang tapusin ang courses nila ng first year at mag-send ng request na mas maaga ng isang semester. Wala na silang ibang limutasyon sa pribilehiyong ito. Pwede kang lumaktaw ng isa o dalawang taon pa, pwede rin hanggang dulo kung marunong ka talaga.

Natatakot si Ye Wan Wan na baka magkagulo pa kaya lumaktaw siya hanggang sa dulo ng kanyang pag-aaral.

Natapos niya rin ng maayos ang kanyang thesis habang sinasamahan siya noon ni Tang Tang.

Dapat maging masaya si Ye Wan Wan dahil nakuha na niya ang kanyang diploma, ngunit makikita na nalulungkot siya habang tinitingnan niya ang matingkad ba kulay pula na diploma pagkatapos niyang lumabas ng administration building ng mga guro.

Maraming oras ang hindi inaksaya ni Ye Wan Wan dahil nag-graduate siya ng mas maaga, isinakripisyo na rin ang masayang buhay ng pagiging estudyante dahil dito. Wala siyang litrato na grumaduate siya at wala rin siyang graduation ceremony.

Grumaduate siya ng mag-isa niya lamang...

Naliligaw sa sariling kaisipan si Ye Wan Wan nang biglang marinig niya ang boses ni Professor Li Yan na nasa likuran niya. "Wan Wan!"

Mabilis siyang tumalikod at sumagot sa guro, "Professor Li!"

"Pumunta ka ba dito para kunin ang diploma mo ngayong araw?" Tanong ni Li Yan.

"Opo, paano niyo po nalaman?"