Chereads / Perfect Secret Love: The Bad New Wife is a Little Sweet (Tagalog) / Chapter 1077 - Halata naman na ako ang tinuturuan

Chapter 1077 - Halata naman na ako ang tinuturuan

Ang lahat ng masasamang bagay na sinabi ng mga bisita kay Ye Wan Wan ay biglang napunta kay Liang Mei Xuan.

Hindi rin maayos ang itsura ni Father Gu at Mother Gu. Malaking kasiraan sa kanilang reputasyon ang nakakahiyang iskandalo na nangyari sa kanilang mga in-laws.

Hindi sila masyadong mataas ang tingin nila kay Ye Shao An dahil mas mataas pa ang personalidad ni Ye Shao Ting kaysa sa kanya. Hindi sana sila papayag sa kasalan na ito kung hindi lang sana si Ye Yiyi ang kaisa-isa niyang anak na babae.

Hindi sigurado ang kinabukasan ng Ye family dahil sa sitwasyon ngayon ni Ye Shao Ting!

Sinong mag-aakala ng isang lubhang pagbabago ang mangyayari sa isang walang utak na gastador na si Ye Mu Fan...

Namumutla si Ye Yiyi nang matunghayan niya ang pagbabago ng isang magarang engagement buffet. Naisip na niya ang mga tsismis na aaligid sa kanilang circle pagkatapos ng banquet na ito.

Ang mas malala pa doon ay si Lolo at Lola ay...

Ang orihinal sana nilang plano ay kunin ang tsansa na siraan ang pamilya ng panganay kay Lolo at Lola, ngunit bumalik sa kanila ang karma!

Punyeta! Maayos naman ang plano, saan kaya nagkamali…?

Wala nang magawa si Ye Shao An kundi pigilan ang galit na namumuo sa kanyang damdamin.

Ilalayo na sana niya ang emosyonal niyang asawa nang biglang sinabi ni Ye Wan Wan, "Yung singsing ko, Second Aunt."

Galit na sumabad si Lolo, "Ibalik mo na yan kay Ye Wan Wan!"

Bago pa magsalita si Liang Mei Xuan, sinenyasan ni Ye Yiyi ang kanyang nanay gamit ang kanyang mga mata. Kinuha niya ang singsing sa kamay ng kanyang nanay at inabot niya ito kay Ye Wan Wan. "Wan Wan, pasensya na talaga. Hindi ko ito inaasahan. May maling pagkakaintindihan lang siguro na nangyari. Manghihingi ako ng tawad sayo pagkatapos ng banquet."

Engagement nga ito ni Ye Yiyi ngunit gusto niya na siya mismo ang magbabalik nito kay Ye Wan Wan. Hindi na kayang itago ni Ye Yiyi ang kanyang pagtitimpi.

Sinuri niya ulit ang singsing na kinuha niya sa kanyang nanay at sigurado siya na singsing niya nga ito. Paano napunta ang pangalan ni Ye Wan Wan dito...

"Pasensya na sa inyong lahat. Pinahiya namin ang sarili namin sa mga problema ng pamilya sa harap niyong lahat."

Samantala, agad na ginawa ni Ye Hong Wei at Tan Yi Lan ang lahat upang ayusin ang sitwasyon. Gayunpaman, kailangan pa rin magpatuloy ng engagement banquet. Pagkatapos ng banquet, kailangan pa rin nilang gawin ang lahat para bigyan ng kapayaaan ang mga bisita at ang Gu family.

Lalong nanaig ang galit sa kanilang mga mukha kapag lalong lumalalim ang pag-iisip nila tungkol dito.

Pagkatapos ng banquet, tinawag ni Ye Hong Wei si Ye Mu Fan sa kanyang study room.

Bumuntong hininga si Ye Hong Wei sabay tiningnan niya ang kanyang apo, "Mu Fan, pinagbintangan si Wan Wan sa kaninang pangyayari. Kailangan mo siyang kausapin pagkauwi niyo. Paparusahan ko talaga ang tita niyo sa ginawa niya!"

Ye Mu Fan: "Salamat, Lolo!"

"Alam mo ba ang dahilan kung bakit ka pinapunta dito ni Lolo?" tinanong siya ni Ye Hong Wei.

Umiling si Ye Hong Wei upang ipakita na hindi niya nga ito naiintindihan.

Masaya si Ye Hong Wei nang sinabi niya, "Masasabi ng marami na natututong tumanda ang isang tao kapag may naranasan nang paghihirap. Matanda ka na sa wakas, Mu Fan, at natutuwa ako sayo. At tsaka, tinuruan mo pa ng maayos si Ye Wan Wan. Mas lalo nang mabait si Ye Wan Wan ngayon."

Napakamot sa ilong si Ye Mu Fan nang marinig niya ito, bigla siyang nakaramdam ng pagsisisi sa nasabi ng kanyang lolo!

Ah, halata naman na ako ang tinuruan niya lolo...

Magpapatuloy pa rin siyang maging isang tanga kung hindi siya ginamitan ni Ye Wan Wan ng malupit nitong paraan ng pagtuturo sa kanya!

"Lolo, naging malaking kahihiyan ako noon at alam kong nadismaya kayo ni lola sa akin. Magta-trabaho na ako ng maigi," nangako si Ye Mu Fan.

Tumango si Ye Hong Wei at bigla siyang nagsalita pagkatapos ng panandaliang katahimikan, "Alam mo kung ano ang reputasyon mo noon sa Ye Group. Kung gusto mong bumalik, kailangan may ipakita ka na makakapag kumbinse sa lahat na karapat-dapat ka sa posisyon na ito, naiintindihan mo ba?"