Chapter 1078 - Kahit ako ay nilinlang mo

Halata naman kung ano ang inaasahan ni Ye Hong Wei. Plano niyang ibalik si Ye Mu Fan sa kumpanya, ngunit kailangan niya munang ipakita ang achievements niya sa lahat.

Ito ang unang pagkakataon na naglakas ng loob siyang mangako kay Ye Hong Wei kahit na lumalambot na ang pakikitungo sa kanya ni Ye Hong Wei.

Mukha man isang maliit na problema ng pamilya ang nangyari, pero ito ang nagsilbing fuse kay Ye Hong Wei para gawin ang desisyon na ito.

Biglang naging maligalig si Ye Mu Fan. "Naiintindihan ko, Lolo! Ipapakita ko sayo kung ano ang kaya kong gawin!"

Umalis na ng Ye residence si Ye Mu Fan, pagkatapos niyang kausapin si Ye Hong Wei.

Pumasok na sa kotse si Ye Shao Ting at Liang Mei Xuan habang hinihintay naman siya ni Ye Wan Wan sa may entrance.

Galit na galit si Ye Mu Fan na sumigaw nang makapasok siya sa loob ng kotse, "Punyetang Liang Mei Xuan! B*tch talaga yun! Ninakaw niya talaga ang singsing mo at pinagbintangan ka pa niya! Ang kapal ng mukha niya, noh?! Ang kapal talaga! Mabuti na lang at nakaukit ang pangalan mo sa loob ng singsing. Kung hindi, mapagbibintangan ka sa kasalanan na hindi mo naman ginawa! Wan Wan, huwag ka nang malungkot! Kakalat bukas sa circle natin ang balita tungkol dito! Tingnan na lang natin kung paano pa siya mabubuhay sa loob ng circle ngayon!"

Tamad at patagilid na tiningnan ni Ye Wan Wan si Ye Mu Fan. "Sinong nagsabi na ninakaw niya ang singsing ko?"

Nabigla si Ye Mu Fan. "Huh? Hindi ba't sinabi mo na…"

"Hindi niya ito ninakaw. Plano ko talagang siraan siya," sumagot si Ye Wan Wan.

"Eh… anong… anong sinabi mo? Plano mo talagang siraan siya?" Nagulat si Ye Mu Fan at tuliro siyang nagtanong, "Edi… edi, paano mo nalagay ang pangalan mo sa loob ng singsing?"

Tumaas ang mga kilay ni Ye Wan Wan. "Inukit ko ito gamit ang mga kuko ko!"

Biglang nainis si Ye Mu Fan. "Huwag kang makipag lokohan sa akin!"

Ngumiti si Ye Wan Wan at hindi na siya nagpatumpik-tumpik pa, kaya sinabi na niya kung paano niya ito ginawa, "Ang nawawalang engagement ring ay kay Ye Yiyi talaga, pero ang singsing na may ukit ng pangalan ko ay sa akin talaga."

Pagkatapos itong sabihin ni Ye Wan Wan, may inabot siya bigla sa suit ni Ye Mu Fan at biglang lumabas ang isang jade ring sa kanyang palad.

"Ito ang…?" Lumaki ang mga mata ni Ye Mu Fan.

Tinalikod ni Ye Wan Wan ang singsing upang ipakita kay Ye Mu Fan kung ano ang nasa loob nito. Walang nakaukit na kahit ano sa loob nito.

"Ang singsing na walang nakaukit na kahit ano ay ang singsing ni Ye Yiyi. Nilabas ko ang singsing na ito noong nilagay ito ni Huang Ming Kun sa bag ko, at nilagay ko ito sayo. Ang singsing na nasa loob ng bag ko ay ang singsing na inihanda ko noon pa man at meron itong nakaukit na pangalan ko."

"P*ta!" Gulat na gulat si Ye Mu Fan. "May ganitong operasyon pala? Si Liang Mei Xuan ala ang pinaghandaan mong siraan mo?"

Tumango si Ye Wan Wan. "Oo!"

Ye Mu Fan: "Kahit ako ay nalinlang ng iyong acting skills, okay?!"

Tumaas ang mga kilay ni Ye Wan Wan. "Mahirap ka bang linlangin ka?"

Ye Mufan: "…"

Nabilaukan si Ye Mu Fan. "Paano mo ito napaghandaan ng maaga?"

Pinag-isipan ito ng maigi ni Ye Wan Wan at kanyang sinabi, "May sarili akong pamamaraan, kaya nakakuha ako ng balita na gagawin nila ito bago pa ito mangyari."

Sa katotohanan, ito rin ang trick na ginamit ni Ye Yiyi at Liang Mei Xuan sa una niyang buhay...

Gayunpaman, hindi siya pinayagan ni Si Ye Han na makadalo sa engagement banquet noon, kaya ang biktima nila ay si Ye Mu Fan. 

Huli na ang lahat noong nabalitaan niya na ninakaw raw ni Ye Mu Fan ang engagement ring ni Ye Yiyi habang nagaganap ang engagement banquet. Hindi umamin si Ye Mu Fan na ninakaw niya ang singsing kaya nagkaroon ng malaking away noon.

Pangit na nga ang reputasyon ni Ye Mu Fan noong umpisa pa lamang, ngunit nagmistulang magnanakaw siya nang matapos ang pagdiriwang noon...

Maraming pagbabago ang naganap simula noong nabuhay siya ulit dahil sa butterfly effect, kaya hindi niya na kayang hulaan ng eksakto ang mangyayari sa hinaharap.

Gayunpaman, naghanda na siya noong una pa lamang para sa sarili niyang seguridad. Mabuti na lang at nagamit niya ito ng maayos.

Hindi pa rin magbabago ang daan ng isang tao kahit na magbago ang kapalaran. Hindi talaga magpapahinga sa mga maling gawain si Ye Yiyi at ang kanyang nanay. Sila mismo ang naging biktima ng mahina na si Ye Wan Wan.