Chapter 82: Nagmamadali ka bang makaalis?
Desperadong inabutan ni Ning Xi ng marami pang ulam si Lu Tingxiao. "Hehe… nagbibiro lang ako… joke lang…'wag mo na lang akong intindihin!"
Mukhang 'di naman nagalit nang kahit kaunti si Lu Tingxiao, sa totoo lang, mukhang naging good mood pa siya. Napangiti ito at sumagot. "Good idea."
Natigilan si Ning Xi: "…" Akala niya talaga good idea?!
"Ning Xi," tinignan siya ni Lu Tingxiao na may seryosong mukha.
Ninenerbyos si Ning Xi na maging focus ng malalim na mga matang 'yun: "Ano… ano 'yun?"
"'Pag nagbago 'yung isip mo, hanapin mo lang ako anytime," sagot ni Lu Tingxiao.
Naging mabilis nanaman ang tibok ng puso ni Ning Xi sa narinig. Alam niyang tinutukoy nito ang issue ng "pagpapakasal sa kana…"
Kahit 'di na ulit nabanggit ni Lu Tingxiao ang tungkol dun simula nang malinaw na umayaw si Ning Xi, nararamdaman ni Ning Xi na iba ang pakikitungo sa kanya ni Lu Tingxiao. Nararamdaman niya ring nagiging mas hindi tiyak ang atmosphere sa pagitan nilang dalawa…
Ang malala pa nito, mabilis na tumitibok ang puso niya at 'di niya makontrol…
Totoo nga kaya 'yung sinabi ni Jiang Muye, na napaikot na siya ng kagwapuhan ni Lu Tingxiao?
Pagkatapos ng naranasan niya five years ago, 'di niya inisip kailanman na mahuhulog pa ulit ang loob niya sa isang tao. Nagkaroon pa nga ng mahabang panahon na mayroon siyang malaking psychological problem. Ayaw na ayaw niya sa mga lalaki at kinamumuhian niya ang mga 'to, lalo kapag nakakakita siya ng mga bastardo, 'di niya mapigilan ang mga masamang espiritu na gustong kumawala sa loob niya, na-obsess din siya na puksain silang na tulad ng paghahanap ng hustisya…
Kalmado naman na ngayon ang frame of mind niya, pero tinatanggihan niya pa rin ang mga kalalakihan, pa'no pa 'yung pagpapakasal. Imposible talaga para sa kanya.
Pero itong lalaking nasa harap niya na laging naka-poker face at may nakakatakot na awra at nakakapagpanerbyos sa kanya…kahit pa'no na-crack nito ang makapal na pader sa paligid ng puso niya…
Pagkatapos ng hotpot, napagod si Little Treasure at nakatulog sa byahe nila pauwi. Sobrang liit at lambot niya kaya parang ayaw na siyang bitawan ni Ning Xi mula sa pagkakayakap dito.
Ah, malala na 'to! Naguguluhan na nga siya sa malaking siopao, tapos itong pang maliit na siopao…
Na-realize niyang sa lalong pagtagal ng pagsasama nila ni Little Treasure, lalo niya rin itong nagugustuhan, umaabot pa sa puntong, namimiss niya ang bata kahit na isang araw pa lang silang 'di nagkikita, pakiramdam niya may kulang.
'Di na ata magandang senyales 'to…
Pagarating nila sa bahay, maingat na binuhat ni Ning Xi ang bata papaunta sa kwarto nito.
Sumandal si Lu Tingxiao sa doorframe at nakatingin sa kanila nang may marahan na ekspresyon. "Naabala ka namin nitong nakaraan."
Kinumutan na ni Ning Xi si Little Treasure at lumabas pagkatapos isara ang pinto. "Wala 'yun, gustong gusto ko rin naman si Little Treasure."
Nag-alinlangan saglit si Ning Xi at ngumiti kay Lu Tingxiao, "Pabuti na nang pabuti 'yung lagay ni Little Treasure ' no, mukhang 'di magtatagal, 'di ko na kailangang tumira dito!"
Biglang nandilim ang mukha ni Lu Tingxiao. "Nagmamadali ka bang makaalis?"
Napaatras si Ning Xi sa mabagsik na titig ng lalaki. "Uhh… ang plano naman talaga kasi aalis na ako pag nakarecover na si Little Treasure, 'di ba. Saka magiging abala lang din ako dito kung matagalan ang stay ko!"
Lu Tingxiao: "Hindi ka abala."
Walang magawa si Ning Xi at tinignan lang din sa mata si Lu Tingxiao. "Pero mahihiya lang ako."
Kumunot ang noo ni Lu Tingxiao. "Hiya?"
"Oo," huminga nang malalim si Ning Xi at nagsalita. "Sa totoo lang, 'di ako sobrang disiplinadong tao. Kapag nanatili pa 'ko dito, kailangan ko laging bantayan yung kilos ko…"
Lu Tingxiao: "'Di kailangan."
Napahawak na lang sa mukha si Ning Xi at buong pagbibitiw na sumagot, "Okay kahit wala 'yun sa'yo kailangan ko rin ng private life. Minsan, gusto kong magdala ng mga kaibigan sa bahay. Kailangan ko rin magrelax after work paminsan-minsan, gusto ko mag-bike, o kaya pumunta sa bar or nightclubs. 'Pag may nakilala akong gwapong lalaki, 'di maiiwasan baka isama ko pauwi…"
"Tama na!" lalong 'di maipinta ang mukha ni Lu Tingxiao habang nakikinig. 'Di niya na matiis at sumabat na siya.