Chereads / Hidden Marriage (Tagalog) / Chapter 83 - Woken Up By Wild Kisses

Chapter 83 - Woken Up By Wild Kisses

Chapter 83: Magising Dahil sa mga Halik

Disoras na ng gabi, nakahiga lang si Ning Xi at lumilipad ang isip.

As if namang mag-uuwi siya ng lalaki – kung may mga ganu'ng klase man ng mga lalaki na may gusto lang makuha sa kanya, dinadala niya yun sa mga eskinita para bugbugin.

Lalo na 'yung mga lalaking may marka pa ng wedding ring sa daliri, 'yun ang may pinakamatinding pambubugbog na nararanasan.

Tungkol naman sa sex life niya…

Nakakalungkot man pakinggan pero ang nag-iisang beses na naranasan niya yun, five years ago pa…

Na-trauma ata talaga siya ng karanasan niyang yun, nasusuka siya tuwing iniisip niya ang sex.

Alam niyang uminit nanaman ang ulo ni Lu Tingxiao dahil sa kanya pero walang ibang paraan; kailangan niya ring i-bring up sooner or later, mabuti nang tapusin nang maaga kaysa umabot pa sa kung ano man.

Mas mabuti rin kung lalayo muna siya bago pang si Lu Tingxiao ang magtaboy sa kanya palayo kapag nakilala nito ang pangit at walang pagpapanggap niyang sarili.

Dahil sa naguguluhan niyang puso, napuno ng masasamang panaginip ang gabi niya.

Sa magulo niyang panaginip, iba't bang boses ang narinig ni Ning Xi…

"Ning Xi, bakit mo naman naisip na kaya mo akong kalabanin? Bukod sa mga kadugo mo, wala ka nang silbi!"

"May kapal ka pa talaga ng mukha para magtanong tungkol sa bastardong yan, ano bang gusto mong gawin? 'Wag mo sabihin balak mo talaga 'yan ipanganak at palakihin?"

"Premature ang bata, namatay rin agad pagkasilang mo sa kanya, nagawan ko na ng paraan ang katawan!"

"Ning Xi, sinasabi ko sa'yo, mula ngayon, ako, si Ning Yaohua, ay 'di ka na kinikilala bilang anak ko! Wala ka nang kahit anong koneksyon sa Ning family kahit kailan!"

"Xiao Xi, sorry, mag-break na tayo! 'Di naman sa wala na 'kong pake sa'yo pero hanggang batang kapatid lang ang tingin ko sa'yo…"

…  

Tumakbo lang siya nang tumakbo hanggang sa makakaya niya para takasan ang mga nakakapangilabot na boses…

Tumakbo siya sa tuktok ng isang ospital; sa ilalim niya ay may walang katapusang kalaliman na parang may madilim na pangaakit at hinihila siya palapit nang palapit…

Sa wakas, pumikit siya at tumalon…

Nang mahulog siya, 'di siya nagising mula sa panaginip niya tulad ng dati, pero nahulog siya sa isa pang kakaibang panaginip…

Hindi na bangungot pero isang… isang wet dream…

Nagkaroon na rin siya ng ganitong mga panaginip dati at lagi silang sinasamahan ng matinding takot at panghihina, pero ngayon merong kakaiba.

Isa-isa niyang nararamdaman ang malamig pero marahang mga halik sa noo, sa mata, sa ilong, sa labi…

'Di niya ito pinandidirihan ngayon, pakiramdam niya talagang tinatangi siya ng gumagawa nito na parang isa siyang mahalagang kayamanan.

Sino… siya…

Aray, masakit…

Bakit siya kinagat nito?

Kahit na pinilit ni Lu Tingxiao na awatin ang sarili, sa huli, 'di niya rin napigilan ang sarili na pumasok sa kwarto ni Ning Xi. Alam niyang 'di niya dapat gisingin si Ning Xi pero 'di niya namamalayang nagiging agresibo na pala ang kilos niya.

Nababaliw talaga agad siya dahil sa babaeng 'to!

"Pag may nakilala akong gwapong lalaki, 'di maiiwasan baka isama ko pauwi…" Parang isang meteorite na mabilis bumagsak ang mga salitang ito at ginawang abo ang natitirang katwiran sa loob niya.

Habang hinahalikan niya ang leeg ng babae, 'di niya napigilan ang pagnanasa sa kanyang dibdib at napalalim ang kagat niya, parang isang mabangis na hayop na inaangkin ang nahuli niya…

"Eh…"

Sa oras na nalasahan at naamoy niya ang dugo, narinig niya ang mahinang boses ng babae…

Biglang nanigas ang likod ni Lu Tingxiao at parang binuhusan ng timba ng yelo ang buong katawan niya.

Nakasiksik pa rin sa leeg ni Ning Xi ang lalaki, Halos mapasigaw si Ning Xi dahil sa kagat sa leeg niya pero ang nagawa lang niya ay tiisin ang sakit at magpaalala: "Ahem, uh… natutulog lang ako, 'di ako namatay, 'yung…'yung ginawa mo sobra pa sa sapat para magising ako…"

Nung una, gusto niya pa sanang magpanggap saglit, pero sa huli 'di niya kinaya, ang sakit kasi nung kagat na 'yun!

Samantala, kakulay na ng gabi ang malalim at madilim na mga mata ni Lu Tingxiao. Inangat niya ang ulo at nakipagtitigan kay Ning Xi. Gamit ang isang daliri marahan niyang hinaplos ang panga ni Ning Xi at nagsalita siya na parang isang incubus mula sa impyerno, "Mm, nagising kita… ano naman?"

Pagkasabi niya nun, mahigpit niyang hinawakan ang kamay ni Ning Xi at itinulak sa taas ng ulo nito, habang lalo siyang dumagan at hinalikan ang dalaga nang walang pag-aalinlangan…

Related Books

Popular novel hashtag