Chapter 70: Mas Malalim na Koneksyon?
Sino ang hottest hunk sa entertainment industry ngayon?
Kahit na sinong tanungin, iisang pangalan lang ang isasagot nila – Jiang Muye!
'Di pa rin matanggap ni Jia Qingqing ang katotohanan hanggang ngayon at nagpabalik-balik siya ng lakad. "Is this a mistake? Hindi ba dapat nasa ibang bansa siya ngayon nag-shushoot? Kahit na nakauwi na siya, pa'no niya nagawang tumanggap ng minor second male lead?"
Nag-isip isip din si Ning Xueluo, "Sabi nga nila 'di tumatanggap ng ibang role si Jiang Muye bukod sa male lead. At saka, ang main investor ng movie ay Starlight kaya bakit kaya, isang Glory World artist tulad niya ang gaganap sa role?"
Mababaliw na si Jia Qingqing na kanina lang ay nag-akalang ang swerte niya dahil 'di siya mapapagsamantalahan. "D*mn it! Bakit ganito? Bakit ang swerte ni Ning Xi? Akin lang si Jiang Muye, akin! Inagaw niya kasi 'yung role na para sa'kin!"
Naawa lang sa kanya ang mga nakakakita, 'di rin sila nagulat sa pagwawala niya.
Dahil alam ng lahat sa entertainment industry na may gusto si Jia Qingqing kay Jiang Muye; sinabi niya rin kasi 'yun in public noon sa Weibo. Kahit na 'di naman siya pinapansin ni Jiang Muye, palagi pa rin siyang nag-foforward ng mga balita tungkol kay Jiang Muye sa Weibo na parang isang fan.
Medyo nahirapan si Guo Qisheng na pakalmahin ang mga nababaliw na babae sa set. 'Di niya maiwasang mang-asar, "Muye, tignan mo naman kung pa'no mo nabihag ang mga babae sa set! Kapag gwapo talaga iba ang treatment!"
Sinakyan ni Jiang Muye ang pakikipagbiruan ng direktor, "Direk, 'di mo ba narinig ngayon lang? Gusto lang nila akong ikama, kaya protektahan niyo 'ko ah!"
"Hahaha… relax, partner mo si Meng Changge, ang diyosa ng gyera, siya nang bahala sa'yo. Siya nga pala, nasa'n si Ning Xi? Kinukulit niya ako dati kung sino ang co-star niya eh. Bakit 'di pa siya nagpapakita?" tumingin sa paligid si Guo Qisheng.
Natawa nang bahagya si Jiang Muye. "'Wag mo sabihing natakot ko siya?"
"Posible, halos lahat ng mga babae dito fan mo, baka isa sa kanila si Ning Xi. Baka nagulat siya nang makita ang idol niya!" sabi ni Guo Qisheng nang nakangiti.
Habang nag-uusap sila, lumapit si Ning Xi.
Sa maikling oras na 'yun, hindi mabasa ang expression ng mukha ni Ning Xi at nakipagkamay siya sa kaharap niya nang nakangiti. "Mr. Jiang, hello, ako nga pala si Ning Xi. I'm honored to be able to work with you."
Kahit na magka-edad lang sila, mas maagang nagsimula si Jiang Muye ng career niya at itinuturing siya ni Ning Xi na senior kaya dapat siyang igalang.
"Hello…" ngumiti si Jiang Muye at dahan dahang inabot ang kamay niya. Maya-maya lang ay halos maibato niya ang kamay nito.
Ito'ng babaeng 'to, halos durugin 'yung mga buto niya.
Medyo nahirapan si Jiang Muye na 'wag magpahalata at nagpanggap siyang may naalala siya. "Ah Ning Xi, ikaw pala 'yan…"
"Ano? Magkakilala kayo?" nagulat si Guo Qisheng –'di lang ang director pero pati ang buong crew at cast ay napatingin kay Jiang Muye.
Ngumiti siya nang may ibig sabihin. "Natural."
Nang marinig ang pagiging malandi ng tono niya at habang kakaiba ang tingin ng mga tao sa paligid niya, nagalit si Ning Xi at nanginig ang mga kamay niya. Halos 'di niya makontrol ang tindi ng inis at gusto niyang suntukin si Jiang Muye.
Nang mapansin ang namumutla sa galit na si Ning Xi, mabagal na nagsalita si Jiang Muye, "Nagkatrabaho na kami dati sa 'The Blue Bird'."
"Hmm? Bakit 'di nabanggit ni Ning Xi 'yun?" nagulat si Guo Qisheng.
Pakiramdam ni Ning Xi ay nakalusot siya; pero pawis na pawis na ang likod niya. Marahan siyang sumagot, "Director Guo, martial arts stand-in lang po kasi ako para sa first female lead, 'di ko naman po inaasahang maaalala ako ni Mr. Jiang."
Ikinatuwa ni Guo Qisheng ang narinig. "Oh, sino namang mag-aakala na para kayong itinadhana! Edi mabuti pala dahil kung nagkatrabaho na kayo dati at magkakilala kayo, 'di niyo na kailangan ng mahabang panahon parang masanay sa isa't isa. Pwede na ba tayong sumubok ng mas intense na koneksyon?"
Ning Xi: "Uh…" Koneksyon? Mas intense? Hindi pwede, direk! ''Di sila ganun ka-pamilyar sa isa't isa!'
Masayang ngumiti si Jiang Muye. "Ok!"
Habang nakikita ang mapanlinlang na mga pangil ni Jiang Muye, parang gusto ni Ning Xi na bunutin ang mga 'to.