Chereads / Hidden Marriage (Tagalog) / Chapter 71 - A Bully Stealing Away A Pure Flower

Chapter 71 - A Bully Stealing Away A Pure Flower

Chapter 71: Isang bully na nagnanakaw ng busilak na bulaklak

"Don't worry, don't worry. Tignan natin kung ano'ng magandang scene!" excited na naghagilap ng scene si Guo Qisheng mula sa script.

Sa isip isip ni Ning Xi: Direk, piliin niyo 'yung Scene 46! 'Pag 'yun 'yung ipapagawa niyo, sigurado gagalingan ko!

Sa eksenang 'yun aakitin si Sun Huanqing sa barracks ng isang babaeng iniligtas niya. Akala ng mainitin ang ulo na si Meng Changge na pinagtataksilan siya nito kaya binugbog niya ang lalaki…

Parang nabasa ni Jiang Muye ang isip niya at bumulong kay Ning Xi: "Dearest, excited ka na ba para sa eksenang bubugbugin mo 'ko?"

Biglang lumayo si Ning Xi na para siyang nakuryente. "Sira ulo, layuan mo nga 'ko!"

Dahil sa lalaking 'to, lalo lang tumindi ang galit ng mga tao sa paligid niya at wala nang makakapagtanggal nito.

Naiimagine na ni Ning Xi ang susunod na delubyong ipapatikim sa kanya nina Jia Qingqing at Ning Xueluo, pero lalo na mula kay Jia QIngqing.

Mahirap na nga ang pinagdadaanan niya, lalala pa.

Mukhang nakatadhanang mabigo si Ning Xi; malabong ipagawa ng direktor 'yung eksenang bubugbugin niya si Jiang Muye sa unang araw nito sa set. Matapos mag-isip isip, sabi ng director, "Gawin natin 'yung Scene 37!"

Alam na alam ni Ning Xi sa puso niya ang script. Saglit lang niyang inisip kung ano ang Scene 37 para maalala kung tungkol saan ito at nandilim bigla ang mukha niya.

Kahit na hindi 'to bed scene, at hindi rin kissing scene, 'di pa rin mabuti.

Ito 'yung scene na tinutukso ni Meng Changge si Sun Huanqing…

Tinawag ng direktor ang dalawang actors at ipinaliwanag sa kanila ang eksena.

"Ilang henerasyong nagsilbi bilang mga heneral ang Meng family at nakamit nila ang tanyag na military success. Pero ikinatakot din ng emperor ang lalong pagdami ng karangalang natatanggap nila at ito ang ikinapahamak ng pamilya ng heneral. 'Di masyadong magaling at 'di rin katalinuhan ang emperor noon at madali siyang maniwala sa mga sabi-sabi at nagresulta ito sa pagkamatay ng ama ni Meng Changge sa isang laban. Mabuti na lang at si Meng Changfeng, ang kapatid ni Meng Changge, ang umako ng responsibilidad sa posisyong naiwan ng tatay nila at nagkaroon pa rin ng malayang buhay si Changge. Siya ang malditang bata sa Changan city na nakikipaglaro sa mga aso at sisiw…

Habang nagsasalita ang direktor tungkol sa munting maldita, ngumiti si Jiang Muye at tinignan si Ning Xi bago sinabi nang napakahina: 'Parang ikaw'.

'Di siya pinansin ni Ning Xi at patuloy lang nakinig sa direktor.

"Ang munting malditang 'yun ay palaging nakabihis nang panlalaki at 'di kumikilos na parang babae hanggang sa nakita niya si Sun Huanqing sa isang kalsada nang 16 years old pa lang siya. Naganap ang love at first sight at simula noon, palagi niya na 'tong kinukulit araw-araw…"

Nagtaas ng kamay si Jiang Muye at nagsalita, "Direk, 'di ba 'to parang female version ng isang bully na nagnanakaw ng busilak na bulaklak?"

Ning Xi: "…"'Ikaw kaya diyan 'tong bully!'

Napaubo si Guo Qisheng at pinuri ang sinabi ng aktor, "Muye, mabuti at naiintindihan mo, parang ganun nga'ng pinaparating dito. Bale ang key point na gusto kong ma-emphasize ay kung noon mas malakas at aktibo ang mga characters na ginagampanan mo, this time kabaligtaran, kaya dapat ma-take note mo 'yung pagbabagong 'yun…"

Habang nakikinig nag-alala rin si Ning Xi. Puro mga mapagmataas na CEO, hari-hariang school seniors, o mga diyos-diyosan ang roles dati ni Muye; kaya niya nga bang gumanap na Sun Huanqing, isang bookish at mahinang doktor?

Mukhang seryoso si Jiang Muye at tumatango habang nakikinig para ipakitang naiintindihan niya ang usapan. "Opo direk, naiintindihan ko, mahina ako dito at ako 'yung pinupwersa!"

May pagaalala sa mga mata ni Guo Qisheng habang tinitignan ang dalawa. Ang totoo niyan, kumpara kay Jiang Muye, mas kabado siya kay Ning Xi – nag-aalala siya na baka masyadong feminine ang aktres para sa role ni Meng Changge na isang pilya at bully.

"Ito 'yung napili kong eksena para lumabas 'yung ganung emosyon at karakter mula sa inyong dalawa. Kadalasan kasi sa mga scene natin, isa sa inyo magiging cynic, habang 'yung isa naman malumanay at mahaba ang pasensya. Kung magagawa niyo nang maayos itong scene, wala tayong magiging problema sa iba pang mga eksena. Okay, titigil na muna ako dito, tignan na lang natin mamaya sa practice. Sige na mag-costume at magpa-makeup na kayong dalawa!"