Chapter 65: 'Di kapanipaniwalang pagtatagpo
"Ga'no katagal ka dito?" parehong tulad ng sa matanda at sa boss ang boses ni Lu Tingxiao.
Naupo nang tuwid si Jiang Muye at sumagot na parang isang mabuting estudyante. "If all goes well, dito na muna ako sa bansa nang pangmatagalan. Kahit maraming nag-aabroad this year, naniniwala akong mabilis ang growth ng local film industry nitong nakaraan, saka, malaki 'yung market. 'Di naman talaga importante magpuntang abroad, pero ayoko rin namang pangunahan 'yung sarili ko. Gusto ko lang balikan 'yung pinanggalingan ko saka mga prinsipyo ko dito sa'tin."
"Mm,"'di inaasahan pero sumang-ayon si Lu Tingxiao sa mga sinabi ni Jiang Muye.
Kumalma kahit pa'no si Jiang Mue bago concerned na nagtanong, "Kumusta pala si Little Treasure?"
Lu Tingxiao: "Not bad."
"Ah, siya nga pala, may pasalubong akong laruan sa kanya saka ilang regalo din para sa'yo. Pupuntahan ko sana kayo bukas kaso 'di ko naman inexpect na mauuna kang pumunta dito…" kinuha ni Jiang Muye ang mga regalo niya mula sa maleta.
Lu Tingxiao: "Salamat."
At nasundan ng… katahimikan.
Kaya sa oras na 'yun, malinaw na nangibabaw ang tunog ng running water mula sa CR.
Dahil sa hiya, napakamot ng ulo si Jiang Muye.
Mukhang naintindihan ni Lu Tingxiao ang sitwasyon kaya tumayo rin siya at nagsabi lang ng ilang bilin. "Paalis na 'ko, 'pag may oras ka, umuwi ka para sa mom mo."
"Syempre, oo naman, hatid na kita palabas."
Pakiramdam ni Jiang Muye nakaligtas na siya kaya naglakad na sila palabas ni Lu Tingxiao nang biglang may galit na boses mula sa likod nila –
"Jiang Muye – ano ba namang mga basahan 'to? Pa'no ako magsusuot ng damit na may malaking butas sa likod?!"
Napahinto ang dapat ay paalis nang si Lu Tingxiao at pakiramdam niya ay tinusok siya ng sandamukal na acupuncture needles nang marinig ang boses. Pagkaraan ng isang segundo, umikot siya at tinignan nang matalim at nagyeyelong tingin ang pinanggalingan ng boses…
Nakapaa lang ang babae, basa pa ang buhok, at mamula-mula ang mga pisngi dahil kakagaling lang sa mainit na shower. Nakatayo siya sa may pintuan ng banyo at mukhang bagot na bagot; may malaking butas kasi ang suot niyang malaking men's t-shirt sa may kanang bahagi malapit sa bewang, nakalantad tuloy 'yung maputi at makinis niyang balat…
'Di napansin ni Jiang Muye ang expression ni Lu Tingxiao pero gusto na niyang mamatay. Paalis na sana 'yung bisita bakit ba naman 'di makapaghintay kahit ilang saglit pa 'yung babaeng 'yun bago lumabas?
"Nalimutan ko kasing itapon 'yan pagkatapos mapunit nung nahulog ako sa bike. Ang dami dami namang choices dun bakit 'yan pang punit 'yung napili mo?!" Mawawala na sa sarili si Jiang Muye dahil kay Ning Xi. Humarap siya kay Lu Tingxiao sa hiya at nagsimulang magpakilala. "Ahem… friend ko nga pala, si Ning Xi…"
Pagkatapos magsalita, napansin niya ang kakaibang itsura ni Ning Xi.
Nakatayo siyang parang estatwa habang nakatitig kay Lu Tingxiao…
Ito talagang babaeng 'to, kahit naman gwapo si Lu Tingxiao 'di niya kailangan tumitig nang ganun…
'Di masaya si Jiang Muye sa ikinikilos ni Ning Xi at mariing nagsalita, "Ning Xi, tito ko 'yan, CEO ng Lu Corporation, si Lu Tingxiao. Bakit nanigas ka na diyan? Mag-hi ka!"
Sa oras na 'yun, habang umutulo pa ang buhok niya at nakakapit siya sa butas ng t-shirt na suot niya, nahanap niya rin sa wakas ang boses niya. 'Di pa rin makapaniwala, nauutal niyang sinabing. "Ti…to…?"
Kahit na patanong nagsalita si Ning Xi, para kay Lu Tingxiao, pakiramdam niya tinatawag din siyang tito ni Ning Xi. Kaagad nagmukhang isang big demon king na binuhusan ng dugo ang 18 levels of hell si Lu Tingxiao. Parang naglabas ng malamig at nakakatakot na hanging ang katawan ni Lu Tingxiao kaya natakot ang dalawa pang kasama at nanginginig sila.
Walang may alam kung ga'no katagal ganu'n ang paligid bago nanatili kay Ning Xi ang malamig na tingin ni Lu Tingxiao. "Si Muye 'yung sinasabi mong susunduin mo?"
Sa tabi ni Lu Tingxiao, nagulat si Jiang Muye sa narinig niyang mga salita. "Ning Xi, kilala mo siya?"