Chapter 66: Nag-promise kang sasamahan mo 'ko ngayong gabi
Mabilis ang mga pangyayari at ikababaliw pa ata ito ni Ning Xi. "Ikaw nga 'yung dapat na tinatanong ko diyan! Pa'no mo nakilala si Lu Tingxiao?!"
Jiang Muye: "Kakasabi ko lang, tito ko nga siya!"
Ning Xi: "Bakit 'di mo kaagad sinabi sa'kin?!"
Jiang Muye: "'Di ka naman nagtatanong!"
Ning Xi: "…"
"Bakit kayo magkakilala?" tinignan ni Jiang Muye sina Ning Xi at Lu Tingxiao; sa bawat tingin niya, lalo siyang nakakaramdam na may mali, pero 'di niya alam kung ano 'yun.
"Mahabang kwento…" pagod na si Ning Xi at napahawak na lang sa noo niya. Parehong para kay Jiang Muye at Lu Tingxiao ang sagot niya.
Mukhang maraming gustong itanong si Jiang Muye pero 'di niya magawang buksan ang bibig niya habang nandoon si Lu Tingxiao.
Mabango si Ning Xi lalo't kakagaling lang sa shower. Pinapakita rin ng suot niyang butas na shirt ang mahaba at mapuputing binti niya habang nakahawak pa rin siya sa butas ng damit na gusto niyang takpan. Umiinit ang dugo ni Lu Tingxiao sa nakikita niya at dahil alam niyang ganito ang itsura ni Ning Xi habang nasa bahay ng ibang lalaki, parang gusto ni Lu Tingxiao manira ng kung ano man.
Kahit na ilang beses nang nagalit si Lu Tingxiao sa loob niya, nangyari ang lahat nang ilang segundo lang kaya 'di kapansin-pansin. Sa panlabas na anyo, may mapanlamig na expression lang si Lu Tingxiao habang masama ang tingin kay Ning Xi. "Plano mo bang mag-stay dito, o sasabay ka sa'kin pabalik?"
Walang emosyong nagsalita si Lu Tingxiao pero may bigat sa mga sinabi niya.
Naintindihan ni Jiang Muye ang pinapahiwatig ni Lu Tingxiao at napatingin na lang siya kay Ning Xi nang 'di makapaniwala.
Ano'ng ibig sabihin nito?? 'Di lang nila kilala ang isa't isa, magkasama pa sila sa bahay?
Tinignan ni Ning Xi si Lu Tingxiao at tinignan ang galit na si Jiang Muye. Napalunok na lang siya bago nagsalita. "Ba… babalik rin pala ako."
Bahagyang humupa ang mapanlamig na hangin mula kay Lu Tingxiao.
Uminit ang ulo ni Jiang Muye at hinila ang kamay ni Ning Xi, puno ng kaba at galit sa pagtataksil ni Ning Xi ang mga asul na mata niya. "Nag-promise kang sasamahan mo 'ko ngayong gabi!!!"
Pagkasabi ni Jiang Muye ng mga salitang 'yun, gusto siyang paliparin ni Ning Xi ng suntok. ''Tong lalaking to naman eh, 'wag mo nang gawing mas magulo!'
Tumingin siya kay Lu Tingxiao at gaya ng inaasahan, mukhang sagad na ang pasenys aniya at isang metal bar na lang ang natitira bago magwala ang halimaw sa loob niya…
Hinila pabalik ni Ning Xi ang kamay niyang hawak ni Jiang Muye at nagtimpi habang nagpapaliwanag, "Muye, may taping rin kasi ako bukas, 'di ba sabi ni Lei Ming may gagawin ka din bukas ng umaga? Hintayin na lang natin magkaro'n tayo pareho ng free day tapos makikipaglaro ako sa'yo ng PC games next time, okay?"
Binigyang-diin talaga ni Ning Xi ang "PC games".
Pagkatapos niyang magsalita, dali-dali niyang kinuha ang malaking itim na bag at kahit 'di pa nagbibihis, tumakbo siya agad pauwi na parang doon nakasalalay ang buhay niya habang tinatakpan pa rin ang butas ng shirt na suot niya.
Mariing tinignan ni Lu Tingxiao si Jiang Muye bago sumunod kay Ning Xi.
Pagkatapos makita ang dalawa na umalis nang magkasama, pati na ang kagalit-galit na tingin ni Lu Tingxiao bago umalis, nag-init ang mga mata ni Jiang Muye…
L*che! Kaya pala alam ng babaeng 'yun na sarado 'yung kalsada…
'Ning Xi, gaano karami pa kaya'ng tinatago mo mula sa'kin!'
Sa panahong 'yun, nanginginig si Ning Xi habang tumatakbo pabalik, pero biglang nawala ang bigat mula sa kamay niya; tinulungan pala siya ni Lu Tingxiao na bitbitin ang bag niya.
May naramdaman din siyang bigat sa balikat niya; ipinatong kasi ni Lu Tingxiao ang coat nito sa kanya.
"Thank you…" nagpasalamat si Ning Xi dahil sa hiya.
Nanatili pa ring walang bahala si Lu Tingxiao at walang reaksyon.
Makakabuti sa sitwasyon ang kahit anong reaksyon man lang sana; ang importante meron para alam niya kung pa'no sasagot – kapag ganitong wala siyang makuhang reaksyon lalo siyang kinakabahan…